Parang dinudurog na ang puso ko. Hindi ko na kaya! Mamamatay ako sa sama ng loob! Bakit kailangan mangyari yon? Hindi ko na mapigilan ang mapa hikbi at mapahagulhol. Dahil pag sinolo ko ito ay magkaka sakit ako sa puso.
"Nooooooooo!!!! Hindi! Hindi ako payag! Bakit ganon?!" Ang umiiyak kong sigaw. I cant take this anymore!
"Kiji! Natutulog ang kapatid mo! Ano ba yan?! Mas malala pa yang iyak mo ngayon!?' Ang biglang sita ni Mama na kakalabas lang ng kwarto nila.
'Mama! Bakit ganon?" Umiiyak kong sabi ng lumapit si Mama sa akin.
"Hoy Kiji ah?! Aba malay ko sayo!"
"Bakit namatay si Golf!? Bakiiiit? Kawawa naman si Bank! Bakit ganon? Bakit bigla siyang nagka brain tumor?! Bakkkeeetttt!!!???" At hinila ko ang duster ni Mama. "Ouch! Ma naman eh!"
"Tigilan mo kakapanood ng ganyan Kiji! Hindi lang kurog aabutin mo sa akin!" Ani mama at nagpunta sa kusina.
"P'Golf!!! Whhhhhhhyyyyyyy???!!!" Sigaw ko sa harapan ng Tv namin.
"Kiji! Malilintikan ka!"
"Gonna swiiiiinnngggg from the chandeliiieeerrr! From the chandeliiiieeerrr" tumayo na ako at pinatay ang Tv. Pinunasan ko ang luha ko,ayoko ng manood ng ganyan,nakaka dipress.
Bakit kaya ganon ginawa ng direktor sa kwento ng My Bromance? Ang saklap,nakarelate ako eh.
At bago pa ako tuluyang ma dipress ay nagpunta na ako ng banyo para maligo. May klase pa ako at ayoko ng bumagsak,October na ngayon at dapat magsikap na akong mag aral.
And guess whatt? From RHS ay PLP na ako ngayon. Five months na din akong nagtitiis sa Main building kung saan nandun lahat ng year at courses,pero okay naman mga kaklase ko,mabilis kaming nagkapalagayan ng loob.
Ang tanging nakaka inis lang eh ang pila sa pagpasok ng gate,panay sundot sa bag ang guard,buti na lang hindi ko dinadala sina Chaji at Chaki baka ilang beses na din sila nasundot kung sakali. Iiyak talaga ako pag nagkanda butas butas sila.
Ang nagpapalungkot lang sa akin tuwing papasok ay pag napapalingon ako sa lugar kung saan ako iniwan ni Chance.
Tandang tanda ko pa nun sobra na ang iyak ko ay nilalamig na ako sa hangin at ulan pero wala akong pakialam,gusto ko lang umiyak ng umiyak nun. Pero biglang may nagsalita kaya nagulat ako.
"Mahal ang gamot. Mahal ang ma confine sa ospital. Mahal ang kabaong. Kung ako sayo umuwi ka na bago ka magkasakit.'
Pag angat ko ng tingin,walang sabi sabi,kahit basa ako ay niyakap ko siya.
"Chance!"
"Babalik ako pagkatapos ng lahat Jiko. Aayusin ko ito. Sana mahintay mo ako at mahal mo pa din ako sa mga panahong iyon." Aniya habang hawak ang mukha ko.
"Maghihintay ako Chance kahit gaano katagal. Asahan mo na hindi mawawala ang pagmamahal ko saiyo. Hihintayin kita." Ang umiiyak kong sabi.
Hinalikan niya ako sa ilalim ng ulan. Pinaramdam ko sa kanya sa pamamagitan ng halik kung gaano ko siya kamahal.
That was seven months ago,at hanggang ngayon ay matyaga pa din akong naghihintay. Kahit gaano katagal,hindi ako mapapagod maghintay.
"Gurl,may transferree daw galing sa ibang bansa mamaya." Ang salubong agad sa akin ni Summer pag papasok ko sa room. Buti na lang at third floor lang ako.
"Oh? Dito sa course natin?" Ang interesado ko ding tanong.
"Hindi pa sure! Excited lang mag chika yang si Summer." Ang biglang pag singit ni Ritz. Alam niyo na siguro kung ano siya.
"Basag trip ka din eh!" Ani Summer.
"Hindi kasi reliable ang chika mo eh!" Sagot naman ni Ritz kaya natawa ako.
"Oy! Tama na yan,nagsisimula na naman kayo eh. Iba na lang ang pag usapan natin." Ang awat ko sa dalawa at naupo na kami.
Napalingon ako sa classmate naming lalaki na mula ata nung pasukan eh bilang lang ang pinapansin,nakasandal siya sa upuan niya,nakapikit at naka headset.
Gwapo siya,madaming may crush sa kanya dahil may lahi,kaso tinarayan na niya ako nung una pa lang kaya lagi na kaming nag uungusan. Malakas siya mang asar,parang si Chance.
Bigla itong nagmulat ng mga mata at tumingin sa akin ng masama
Aba? Anong kasalanan ko?
"Dont you know its rude to stare at someone? Tsk tsk!" Sabi nito na ikininganga ko.
Chance! Nasan ka na ba? May nang aaway sa akin oh?
- AYAN PO MUNA. MATATAGALAN ANG CHAPTER ONE DAHIL FOCUS AKO SA BEAUTIFUL DAYS. SANA MAKAPAGHINTAY KAYO AT SUPORTAHAN NIYO DIN ANG BEAUTIFUL DAYS. THANK YOU :)
BINABASA MO ANG
Ang Bastos Sa Kanto II (COMPLETED!)
AcakPagkatapos maghiwalay nina Kiji at Chance ay muli silang magkikita after ng isang taon. Nandun pa din ba ang pag ibig? o magkakaroon sila ng kanya kanya ng buhay? may mga bagong taong dadating sa buhay ng dalawa,kakampi ba sila o kaaway? ating tungh...