BSK nayn :3

27.3K 858 165
                                    

HELLO? Ano? Hindi ko kayo matiis,pero ako natitiis niyo wahahaha! Nasan na yung mga nangako dyan? Huwag na kayong mangangako ulit ah? Baka madagdagan ang sama ng loob ko wahaha Joke! Hindi ako nanghihingi,kayo ang kusang nangako ng cp na yan,tab na yan,load na yan hahaha! XD Tinanggap ko na sa sarili ko na hindi talaga ako magkakaroon ng bagong magagamit pang draft at update,kaya tuloy ko na lang ang para paraang update,huwag lang po kayong demanding! :)

at sa mga nagtetext,magpakilala po kayo,pasensya na din at hindi makapag reply,alam niyo naman gaano ako kahirap,ang pangload sana ay ibibili ko na lamang ng pagkain,kaya please understand my situation.

ENJOY READING! =)

====
Araw ng linggo,umuwi muna ako sa amin at si Chance naman ay nakipag bonding sa pamilya niya at kay baby Chad.

Pagdating ko sa amin walang tao,agad kong kinuha ang susi ko at binuksan ang pinto. Nasan kaya sila? San na naman kaya dinala nina Mama at Papa ang kapatid ko?

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nawindang na ang braincells ko.

"Anyare dito? Bakit parang binagyo?" ang gulo-gulo ng kwarto ko. Parang dinaanan nina Hurricane Katrina at ni Yolanda.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at sinimulan ko ng maglinis. Baka nagkaroon ng bisita kahapon at dito nakitulog tas nag wrestling? Nako ah,hindi wrestling ring ang kwarto ko,baka basagin ko panga nila.

Miss ko na kapatid ko,masyado akong nagmamadali umuwi kanina hindi ako nakabili ng laruan niya.

"Makapunta na lang ng palengke." nagbihis na ulit ako at gumayak pagkatapos ko linisin ang aking kwarto.

Pagdating sa Pasig palengke ay dumiretso ako sa second floor,damit at laruan ang bibilhin ko. Kahit hindi pa nakakapaglaro ang kapatid ko ay magagamit naman niya iyon pag nag one year old na siya.

Busy ako sa pagtingin sa damit na pangbata ng may kumalabit sa akin.

"Ikaw yung jowa ni Chance Santillan diba?" sabi nung babae,napakurap pa ako ng ilang beses. Kilala niya ako? "Classmate ko siya."

"Ah,oh anong atin?" taka ko pa ding tanong.

"Wala lang. Akala ko sinama ka niya sa swimming. May swimming kami,pwede magsama kaso hindi ako sumama." anito at tumingin din ng damit.

"Swimming?" eh kanina sabi niya uuwi siya ng kapasigan.

"Yup. Sa rainforest. Nako,ang dami pa namang may gustong mga classmate ko kay Chance." anito na lalong ikinasalubong ng mga kilay ko.

"Nako,okay lang. Hindi naman magtataksil si Chance." ani ko at ngumiti.

"Ewan ko lang. Alam mo naman,iba pa din ang babae." anito. "O sige,dito lang ako sa kabilang side."

kahit nakabili na ako ng damit at laruan ay iniisip ko pa din ang sinabi nung babae. Alam ko ang gusto niyang iparating,at kahit tiwala ako sa pagmamahal ni Chance ay hindi ko pa din maiwasang mangamba. Tama yung babae kanina,iba pa din pag babae at yun ang nakaka insecure.

Agad na akong umuwi at iniwan ang pinamili ko at dali daling nagpunta ng Rainforest.

Pagpasok ay hindi ko alam ang gagawin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid,madami dami din ang nagsiswimming. Hanggang sa nakita ko si Chance na nakikipag tawanan sa mga kaklase niyang lalaki.

Naghanap ako ng bakanteng cottage at dun naupo. Okay naman pala si Chance,I don't need to worry,hindi ko kailangang ma insecure.

Tumayo si Chance at naupo sa gilid ng pool,may tumabi sa kanyang magandang babae at kinausap siya. Napasinghap ako,nakakainsecure din talaga ang mga babae.

Ang Bastos Sa Kanto II (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon