WEW! BUTI NAKAPAG UPDATE AKO,BUKAS NA SIGURO NG HAPON ANG NEXT UPDATE. SANA WALANG DEMANDING,HINDI KAMI NATULOY KANINA KAYA BUKAS NG 5AM KAMI TUTULOY. NAWINDANG AKO EH,SABI KO SA LAST CHAPTER WALANG MAGDEDEMAND,50% PERCENT NG COMMENT PURO DEMANDS,NAGBABASA PO BA KAYO NG AUTHOR'S NOTE? BAKA GUSTO NIYO AKONG PAGPAHINGAHIN,PATULUGIN AT I-ENJOY SAGLIT ANG BUHAY KO OUTSIDE WATTDAD :D
ANYWAYS,ENJOY READING PO! YOU KNOW WHAT TO DO,BAWAL ANG SILENT READER =D
=
Nanginginig man ang aking mga tuhod ay humakbang ako. Bakit siya umiiyak at nakaluhod sa harapan nina Mama at Papa?
Buti na lang at walang masyadong tao dito sa Batis hindi gaya sa Jabson at Orchids.
Teka nga? Bakit yakap niya si Chaji? Bakit nasa kanya?
Oh my Gowd! Nandun siya! Siya ang kumuha sa malaking box ng mawala ako!
Napatingin sa akin sina Mama at Papa,pero nanatiling nakayuko si Chance at umiiyak.
"Alam ko pong mahirap ako mapatawad,Ma,Pa. Pero kaya lang naman na hinayaan kong umalis si Kiji ay alam kong galit siya,nagkamali ako eh. Ayoko ng patungan pa ng apoy ang isa pang apoy. Hindi ako nag walang kibo,alam niyo po iyon,tahimik akong gumagawa ng paraan. Pero alam niyo din po na gabi gabi ko siyang binabantayan,ngayon na nabulilyaso ko na si Lux ay may kaonti na akong pag asa kay Kiji." sa pagitan ng bawat pag hikbi ni Chance ay nasabi niya iyon.
Chance,hindi mo kailangang lumuhod at magmaka awa,kakausapin naman kita eh.
"Alam ko din po na hindi katanggap tanggap ang ginawa kong pakikipagtalik sa ibang babae habang kami ni Jiko. Pero,Ma,Pa,ang drogang pinapainom ni Lux sa akin ay matapang. I cant' resist it,its consuming me,ang takbo ng utak at puso ko ay nawawalan ng silbi,hahanap hanapin mo ang nakatalik mo,kinakain nito ang katinuan mo. Ganon pa man,ang pagkakamali ay pagkakamali,kaya humihingi ako ng tawad. Gusto ko pong patawarin niyo muna ako bago ako mapatawad ni Jiko."
Pumikit ako,hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang patuloy na magkasakitan kami kung pwede namang tanggapin namin ang mga nangyari at maging maayos.
"Pero paano ang mga magulang mo? Ang business deal nila? Lalo silang magagalit kay Kiji. Lalo nilang kakamuhian ang anak ko. At higit sa lahat,paano kami? Dinamay kami. Alam na siguro ito ni Kiji at ramdam kong magdedesisyon sya para sa ikabubuti nating lahat." ani Mama at tumingin sa akin,gusto kong maiyak. Pati mga magulang ko nasasaktan na dahil sa akin.
"Maniwala po kayo,walang madadamay. Basta po makausap ko si Kiji. Maaaring magalit sila kay Kiji,pero ang mahalaga po sa akin ay mahal niyo kami ni Kiji,na tinanggap niyo ako. Kaya sana po mapatawad niyo ako. Kasi,parang sasabog na ang dibdib ko eh." sagot ni Chance,nagpunas siya ng mga luha at hindi sinasadyang napatingin sa akin. Tinitigan ko siya.
"Ganon naman pala eh,edi tumayo ka dyan! Hindi pwedeng isa lang ang lumalaban sa inyo,dapat sabay at magkasama kayong lalaban. Ganon ang pagmamahalan. Ewan ko ba sa inyong mga bata kayo!" sabi ni Papa at bumaling kay Mama. "Tara na Ma,pabayaan natin silang mag usap diyan."
Tumango sina Mama at Papa sa akin saka pumasok sa bahay. Nanatiling nakaluhod si Chance at nakatitig sa akin. Para akong hinihigop ng mga mata niya,punong puno ito ng emosyon,para na akong nabibingi sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.
"Luluhod ka lang ba dyan at iiwanan kita o gusto mong makapag usap tayo?" sabi ko at dali daling tumayo si Chance.
"Jiko,madami akong gustong sabihin. Sana huwag kang mapagod makinig." aniya na yakap pa din si Chaji,tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam ko na lahat,ang gusto ko na lang pag usapan ay ang atin." at tiningnan ko si Chaji. "Ikaw ang kumuha ng box?!"
"Pasensya na,hindi ko ma-atim na masama sila sa mga basura kaya kinuha ko. Mahalag sa akin si Chaji kasi ito ang unang naibigay ko sayo." aniya at iniabot si Chaji sa akin. "Huwag mo na ulit iyon gagawin."
BINABASA MO ANG
Ang Bastos Sa Kanto II (COMPLETED!)
De TodoPagkatapos maghiwalay nina Kiji at Chance ay muli silang magkikita after ng isang taon. Nandun pa din ba ang pag ibig? o magkakaroon sila ng kanya kanya ng buhay? may mga bagong taong dadating sa buhay ng dalawa,kakampi ba sila o kaaway? ating tungh...