BSK wan :3

38.3K 996 181
                                    

May binigay na group project sa amin ang aming homeroom teacher. Dahil blocked section kami it was a group project.

Gagawa kami ng mini drama na hanggang 10 minutes lang ang length. Masaya na sana ako na kasama ko sa group project sina Ritz at Summer. Ang hindi ko lang matanggap ay kasama din namin si Arloo sa grupo.

Tama po kayo ng hinala,siya yung classmate naming may foreign blood.

Katatapos lang mag discuss ng aming last prof at break time na kaya nasa may pintuan kami nina Ritz at Summer.

"Gurl,sa labas na lang tayo kumain." Ani Summer,on which I agree,mahal ang mga pagkain sa canteen at wala pang justice.

"Streetfoods o Mcdo?" Ani naman ni Ritz.

"Nagtitipid nga tayo tas Mcdo pa? Kwek-kwek na lang,mura na masarap pa." Ang sabi ko naman at tumango ang dalawa.

"Sige! Deal---"

"Araaaaaayyyyyy!" Hindi natapos ang sasabihin ni Ritz dahil sa sigaw ko. Paano ba naman,may bumangga sa akin at montik akong matumba.

Paglingon ko si Arloo na hinayupak pala!

"Paharang harang kasi sa daanan eh!" Asik nito sa akin kaya nag init agad ang tumbong ko.

"Hoy! Lalaking walang pakial sa paligid! Pwede ka naman mag excuse!" Sigaw kong ganyan. Pakiramdam ko umuusok na mga tenga ko.

"Huh? Ako pa mag excuse eh ikaw tong nakaharang? Palibhasa agaw atensiyon ka!"

Abaaaa!? Matindeee!

"Tarantado ka ah?" Galit ko ng sabi pero tinalikuran lang ako ng hinayupak at naglakad na palayo.

"Kiji.."

"Huwag niyo akong awatin! Masasaktan ko ang gagong yan!" Galit na ako at nagliliyab na. Wala ngang umawat sa akin kaya nilingon ko ang dalawa. "Hindi niyo talaga ako inawat? Walang effort?"

"Teh,ano pang sense? Wala na ang kaaway mo." Ani Ritz. "Palampasin mo na muna,gutom lang yan."

"Oo nga gurl! Para kang gutom na Amazona,ikain natin yan para kumalma ka." Ang segunda pa ni Summer. Huminga na lamang ako ng malalim para makalma.

Sarap na sarap ako sa pag ngasab ng fishball sa tapat ng Mcdo ng mamataan namin si Arloo na lumabas sa 7/11 at mukhang siopao ang kinakain.

Pakialam ko sa siopao niya? Mas masarap pa din ang fishball,walang tatalo.

Nung dissmisal na ay napagkasunduang sa bahay kami mag meeting,mabuti na lamang at tumawag ako kay Papa at pumayag ito.

Ang usapan ay uuwi muna sila at susunduin ko sila sa labas ng Batis compound.

Bandang alas sais ng dumating sila,sakto kumakain kami ng hapunan kaya inimbitahan na sila nina Mama at Papa na kumain.

Pagkatapos ay dun na kami sa kwarto ko pumunta. Pagpasok pa lang ay iba iba na ang reaksiyon nila.

"Wow! Ang cute ng mga teddy bears mo!" Inamoy at niyakap ito ni Summer. Ang iba naming mga kasama sa grupo ay naupo na sa lapag. "San mo binili?"

"Si Chaji at Chaki yan. Bigay sa akin ni Chance." Ngumiti ako at naalala ang mga panahong bagong bili lang namin ni Chance sina Chaji at Chaki.

"Sinong Chance?" Ani Ritz at sa kama naman naupo. "May mga gamit ka din ng lalaki. Kuya mo si Chance?"

"Huh? Hindi. Uhm,boyfriend ko si Chance,nasa ibang bansa siya ngayon." Ang nahihiya kong sabi. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang sinabi ko na boyfriend ko si Chance? Kasi hindi din ako sure dun.

"May pumatol pala sayo? Mabuti at iniwan ka din. Sino ba magtyatyaga sa bading?" Ang pag butt in ni Arloo. Hindi ko alam kung aawayin ko ba siya o mananahimik ako at irerespeto na lang na nasa pamamahay ko siya.

"Arloo,sobra ka na. Bading din kaya ako." Ani Ritz at nag reak na din ang iba pa.

"Okay! Okay! Sorry na." Sabi ni Arloo at naupo na din sa lapag.

"Simulan na nating pag usapan kung anong gagawin natin." Ang sabi ng group leader namin at agad kaming tumalima.

10PM nang magpasya kaming tumigil na. Antok na din ako at may mga nagpaiwan para mag sleep over,siyempre kasama si Ritz at Summer,ang hindi ko inaasahan ay pati si Arloo.

Sa kwarto kami lahat,kwentuhan muna habang nagpapaantok. Tengene lang ng bunganga nina Summer at Ritz,parang hindi napapagod. Naalala ko tuloy na ganyan din ako dati kadaldal.

Nang makatulog na lahat ay lumipat ako sa sala at sa sofa ako natulog. Mas mainam na ito para mauna akong magising at mapaghandaan sila ng almusal mamayang umaga.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ng maramdaman kong may humalik sa labi ko. Hindi ko pinansin dahil akala ko ay parte ito ng panaginip ko kung saan nag me-make love kami ni Chance sa Cr ng Jollibee!

Kinaumagahan ay nag almusal na kami. Swerte lang talaga ng mamayang 11AM pa ang simula ng klase namin. Nalibang din sila sa pangungulit sa kapatid ko. Bwisit lang dahil kinukumpara nila ang mukha ko sa kapatid ko,para daw akong ampon! Ang sarap palayasin ng mga animal!

At ng makapag desisyon na silang umuwi ay ako naman ang nag alaga sa kapatid ko.

"Panigurado matutuwa si Chance pag nakit niya si Ioji." Ani Mama ng nasa sala kami.

"Ganyan na din siguro kalaki ang anak ni Chance ano? Diba magka buwan kayo nung babae nak?" Ani Papa kay Mama.

"Ay oo nga pala noh?" Pag sang ayon naman ni Mama.

Bigla akong napa isip,nakalimutan kong may anak na nga pala si Chance,nakalimutan kong walang kasiguruhan ang paghihintay ko. Pero deep inside my heart umaasa talaga ako.

Pero paano kung mas pinili ni Chance ang tuwid na buhay? I mean its the way of nature,ang lalaki ay para sa babae at bubuo sila ng pamilya. Paano na ako pag nagkataon?

May hihintayin pa ba ako o naghihintay lang ako sa wala? Whatever it is,si Chance lang ang kasagutan.

Ay nako,kaya ayokong isip ng isip eh,napapa english ako.

Sa school ay para na akong lutang,ewan iniisip ko pa din yung kanina. Buti na lamang at hindi ako nahahalata ng mga prof kundi malamang tegi ako ng wala sa oras.

Napagkasunduan ng grupo namin na mamaya na ang practice,at ang napili naming drama ay ang eksena sa Diary ng Panget,pero dapat ang script namin ay yung binigay sa aming project.

"Kaninong bahay naman tayo?" Ani ng isa sa amin.

"Kina Kiji na lang." Ani Summer.

"Agree,ang daming gwapo sa san miguel!" Dagdag pa ni Ritz.

"Group project to bakla hindi landi landi pag may time!" Bara kay Ritz ng leader namin kaya natawa kami.

"Sa last floor na lang tayo mag practice,magpaalam tayo sa faculty saglit lang din naman tayo.!" Ang suggestion ko naman.

"Mahirap yan,hindi tayo makakapag concentrate pag ganon." Ang sagot naman ni Arloo. Tiningnan ko siya at inirapan lang niya ako.

Edi wow! Bakit ba ang bigat sa akin ng loob ng isang to?

"Saan tayo kung ganon?" Sabi ko naman pero sa mga kagrupo namin ako nakatingin.

"Sa puso mo."

Pagkarinig ko pa lang nun ay nanginig na ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nangilid na ang mga luha ko.

Could it be?

- ayan na po :) balik naman ulit tayo sa BEAUTIFUL DAYS :) last two chapters na lang iyon :3

Ang Bastos Sa Kanto II (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon