Chapter 9

19.4K 474 14
                                    

KAISEN. What a creative and attractive name attached to his first name. Jillian was shaking inside, akala niya ay anak lang ang pwedeng itago, that's what usually happened sa mga movies or novels na nababasa niya. Hiding the son's second name. Cool.

Yesterday, nagpahinga lang silang dalawa ni Laur. He let her appreciate the island, nag presinta pa ito na kunan siya ng maraming picture. Inipon talaga niya 'yon para may maipost siya. It's been a while, na miss niya bigla ang mag cosplay.

"Ready to swim, Jill?" Sumilip si Laur sa kwarto nila.

Nakaharap siya sa human size mirror at sinisipat ang katawan niya, she's been in a good shape, even though she's lazy going to the gym and do some exercise for her bust and stomach area.

"Aly, can you take a picture of me again?" Tanong niya.

Nakita niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito. He placed his hands inside his short pockets, wala itong suot na pang-itaas. His muscled shoulder, arm and ripped stomach were in full show. How did he managed to hide that kind of body under his three pieces suit every damn day?! Napalunok si Jillian nang pumasok ito sa loob ng kwarto at tamad na sumalampak paupo sa single sofa.

"Akala ko ba tama na 'yong kahapon?" Laur asked, raising his brow.

Jillian bit her lower lip and faced him. Inangat niya ang bikini na nabili niya sa isang online shop, it was a light green with the shade of equal amount of blue, cyan. The color was different from her order but this will do from now, sayang naman ang pagtitiis niya sa hapdi habang nagpapakulay siya ng buhok.

His lips curled up when he saw her bikini. "Susuotin mo 'yan?"

"Duh?" Inirapan niya ito.

"Sige game. Kailangan mo ng partner? Ready ako," Laur chuckled and fixed his hair sideways. Mukhang immune na sa kanya ang lalaki, sa tagal nilang magkasama at bukambibig ang One Piece, alam na nito ang itsura ni Sanji. "Para naman magkatotoo 'yang imahinasyon mo." He added and laughed.

Bahagyang umawang ang mga labi niya sa sinabi nito. She rolled her eyes again at him, once again, bago siya pumasok sa loob ng banyo at doon nagpalit. Medyo nagtagal lang siya ng kaunti sa loob, she curled her hair a little, and of course she didn't forgot to put some lip color, ayaw naman niyang magmukhang bangkay sa camera.

Nang makalabas siya sa banyo, ang sipol na nagmula kay Laur ang sumalubong sa kanya. Tumayo ito at kinuha ang cellphone nito at tripod.

"How do I look?" She asked, even though she already knew the answer. Jillan was over confident.

Laur leaned in, he encircled his arm around her waist and carefully pulled her closer as he buried his head on her neck and planted a soft kiss. That kiss was enough to make her body shivered.

"Gorgeous. As always." Sagot nito bago ilayo ang mukha sa leeg niya at pinatakan ng halik ang mga labi niya. Such a tease! "Let's go? Baka hindi ka na makapag swimming sa susunod na araw."

"Ha?" Jillian asked, confuse.

Umangat ang sulok ng labi nito at hinila na siya palabas ng bahay, masakit sa balat ang sinag ng araw pero balewala lang 'yon sa kanilang dalawa. Laur handed her a sunblock lotion.

"Sunblock first." Anito.

Jillian smiled to herself and applied sunblock on her body. Except for her back, si Laur ang naglagay ng sunblock para sa kanya. She can't help but to breathe heavily as his callous and big hand touch her bare back, her body was burning with unknown reason. Masuyo ang paglalagay nito ng sunblock sa likuran niya.

"Ahm..." Jillian can't help herself but to moan.

Parang napapaso na lumayo si Laur sa kanya.

"Tapos na, tara na." Tumayo ito at nauna nang nagpunta sa dalampasigan. His back was facing her and Jillian can't help herself but to admire how good his back was. Laur looks so sexy and edible.

LCS 14: Laur Martinez (Completed)Where stories live. Discover now