Kabanata Dalawa

6.8K 175 2
                                    

Camila P.O.V.

"Just what the heck up are you planning to do? naglalakad ka lang? rinig ko mula kay mommy na makikipagkita siya sa'yo. Malayo iyon, maglalakad ka lang?" Malamig ngunit mauyam na tanong ni Zandro sa akin, hindi ako makapaniwala na kanina lang ay iniisip ko siya at ngayon ay nasa harapan ko na.

Pinagdasal ko pa na sana ay hindi kami magkita pa, but this world are really cruel to me! hindi talaga ako pinakinggan ng Diyos.

"I j-just want to walk, thank you again." Sabay yuko ko at umalis na, wala itong pakialam sa akin kaya naman hinayaan niya ako at narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya.

Walong kanto ang layo ng restaurant na iyon sa condo ko, kaya napapatigil ako sa mga nadadaanang tindahan at pagkatapos ng dalawang minuto ay maglalakad ulit. Hindi ako nagsusuot ng may takong na sapatos, simula nang magbagong buhay ako.

                                  ꧁•꧂

NANG dumating ako sa restaurant ay nakita ko kaagad si Mrs. Efrez, kilala ko ang mukha nito dahil madalas na nasa magazines. May kasama siyang dalawang lalaki, ang asawa niya at si Zandro.

Dito rin pala ang punta ni Zandro, siguro kanina pa sila naghihintay sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi at nahihiyang yumuko, plano kong lumabas at tawagan na lang ang ginang tsaka sabihin na hindi ako makakapunta dahil may emergency.

Tama! iyon ang dapat kong sabihin, I was about to step out but I heard Mrs. Efrez. "Camila! narito ka na! wait." Tawag niya sa akin, binitiwan ko ang pagkakahawak sa doork knob ng restaurant at dahan-dahang hinarap ang ginang.

Mabilis lang ang galaw nito dahil ngayon ay nasa harapan ko na siya, kinuha niya ang kamay ko na parang hindi ito nandidiri sa kamay ng isang mamatay tao. Pinisil niya pa ito at magiliw akong nginitian ng malapad, wala akong nagawa kundi tinanggap ang kapalaran kong makipag-usap sa kanilang lahat.

Umupo ako sa tabi ni Zandro kagaya ng gusto ni Mrs. Efrez, ang asawa niya naman ay may maliit lang na ngiti sa labi.

"Mrs. Efrez—"

"—tita." Bigla niyang putol sa sinabi ko, ilang segundo akong napatigil dahil sa nangyari. Tita? she want me to call her that? ang tita ko nga ay halos pilit pa na tinggap na tita ko siya.

"T-tita, I am sorry kung malaki ang loan ng mommy ko sa inyo. But please, sana hindi niyo kunin ang Cosmetic Company na binigay niya sa akin. Babayaran ko ho kayo, ever month." Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, nilapag naman ng ginang ang kanyang kape.

Akmang may sasabihin siya ngunit hindi niya tinuloy nang mapansin ang mga kamay kong nanginginig at umiiwas ako ng tingin sa asawa niya, ang braso ko naman ay umiiwas kay Zandro na halatang takot sa dalawa.

"Are you okay? you seems bother."

"Ho? w-well.....u-uhm, I am just not comfortable when there's a men around." Nahihiya kong sagot, tumingin ito sa anak niya at asawa.

"Mauna na kayo sa kompanya, ako na ang bahala kay Camila." Mag-re-reklamo sana ako na nakakahiya pero na natuloy dahil tumayo kaagad si Zandro at kaagad na lumabas, ang ama niya naman ang hinalikan ang ulo ng ginang bago nagpaalam.

"Now, are you comfortable? girls only?" She kindly asked again, tumango-tango ako at uminom ng tubig.

"Hindi ko naman kukunin ang kompanya mo, let's just say, your mother have a seventy million loan on us. Kailangan na isa ako sa mag-ma-manage ng pinakamalaki niyang kompanya ngayon, hindi kasi binabayaran ng tito at tita mo ang utang eh. Malaki naman ng kita ng Cosmetic, alam mo ba ang tungkol dito?" She asked, umiling ako.

Ne'er Unwanted Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon