SIMULA

12.6K 205 4
                                    

Camila P.O.V.

HABOL ko ang sariling hininga nang makita kung paano ko tinulak si Zahava dahilan para mahulog ito mula sa bangin, iyon lang pumasok sa utak ko na mali ang ginawa ko! no! mali! I didn't push her! hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko.

"What have you done!?" Galit at pataas na tanong ng kakambal kong si Carina, lumapit siya sa akin at hinila ako papalayo do'n ngunit hindi ako gumalaw.

"Si Zahava! we need to save her, baka kung anong mangyari sa kanya?" Hibang na kung hibang pero ako 'yon, alam kong ako ang tumulak sa kanya dahil sa galit at kung anong naririnig kong bulong ng aking ama sa isipan ko.

"You pushed her! ano ba ang nasa utak mo!? you know what, I'm sorry but I need to save you from here. Tatawag ako ng pulis, do'n ka muna bago ka tuloyang mabaliw." Sabi ni Carina at kaagad na nilabas ang phone niya, kasabay ng malakas na pag-ulan ang pagtibok ng malakas ng puso ko.

Hindi ako baliw! sa takot na makulong ay kaagad akong lumapit kay Carina at hinablot ang phone niya sabay tapon nito, her lips parted as she stared over me.

"Pareho lang kayo ni kuya, ni daddy at lahat ng mga tao! wala kayong ginawa kundi sabihing baliw ako. I'm not! I am telling you, Carina! there's a monster inside of me. You all betray me! iyan din ang sabi ni kuya Dominic dati! how dare you!" Hinila ko siya papalapit sa bangin dahilan upang mapasinghap siya, nanginginig ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Stop this, Camila. Mahal kita, please." She begged pero huli na dahil nang bitiwan ko siya para sana pakawalan ay kasabay din ng pag-atras niya sa madulas na bato, my eyes widen as she shouted and fall.

Ngunit kaagad siyang napakapit sa kamay ko nang habulin ko siya, "kumapit ka, Carina!" Sigaw ko kahit unti-unting nadudulas ang kamay niyang nakakapit sa akin, she smiled and suddenly let go my hand.

"Carina!" Sigaw ko nang makita kung paano bumagasak sa tubig ang kanyang katawan, kaagad akong tumakbo sa alam kong naraanan patungo sa ibaba.

Oh my gosh! what did I just do!? napatigil ako nang makita ang ilang grupo ng mga lalaki at may kasamang dalawang babae.

Napatakip ako ng bibig nang makita kong umahon si Carina mula sa tubig at bumungad sa grupong iyon, ang narinig ko lang ay kalaban sila ni daddy at ang dapat na ginagawa sa anak nito ay pinapatay.

Hindi ko kayang tignan ang nangyayari pagkatapos kong marinig na sumigaw sa sakit si Carina, I ran and get out from there. Nagkasulubong kami ni Jordan na kaibigan ni Zion, nagulat siya nang makita ako at akmang lalapit ngunit mabilis akong tumakbo paalis do'n.

Ginamit ko ang sasakyan ni Carina patungo sa bahay niya, I don't know what should I do. Pero alam kong galit na galit si daddy ngayon dahil sa ginawa kong pagsunog sa mga cabin, shit! at si Carina!

Putangina! patay na ang kakambal ko! natigilan ako nang kung anong naramdamang kirot sa puso ko, parang tumigil ito ng ilang segundo bago tumibok ulit ng normal.

MY HANDS are shaking with my whole body as I entered my sister's room, pumasok kaagad ako sa banyo at hinugasan ang mga kamay kong may dugo ni Zahava pati na rin ang madumi kong mukha.

"Carina? okay ka lang? bumaba ka mamaya, may hinanda akong pagkain para sa'yo." Napatigil ako nang marinig ang boses ng katulong mula sa labas ng pinto, malakas ang tibok ng puso ko na pumikit ng mariin.

"I'm o-okay, kakain ako mamaya." Sagot ko at hindi pinahalata na parang pipiyok ang boses, pareho kami ng boses ni Carina pero mas malalim lang ang sa akin.

Ne'er Unwanted Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon