Chapter 2

16 0 0
                                    




SCARLETTE

Boring ng buhay ko. Miss ko na si mama kaso sa christmas pa iyon makakauwi eh. Pero babalik nanaman after new year.

Dismissal time na at boring sa bahay kaya pagala-gala muna ako sa school. Habang pagala-gala ako ay may naririnig akong lagabog ng bola.

Sinundan ko ito at napadpad ako sa volleyball gym ng school. May maliliit na glass ang pintuan nito kaya malaya kong nakikita kung sino ang nasa loob nito.

Isang babaeng naglalaro ng volleyball mag-isa ang nakikita ko. Kahit nakatalikod ito sakin ay kilalang kialila ko parin ito.

Si Kirsten.

Tama nga pala. Nagvovolleyball ito at ito ang current team captain ng volleyball team namin. Ang Northtown Jaguars. Balita ko laging MVP daw ito at binansagan pang 'The Jaguar'.

Actually never pa akong naka-attend ng mga games niya.

Naboboringan Kasi ako sa mga sports. Personally ay mas gusto ko pang manood ng movies kaysa sa magsisigaw tas mapapaos kalang sa wala dahil di ka rin naman napapansin ng mga players.

Sayang pa pera mo sa ticket. Andun kalang pala para magkasore-throat. Sows.

Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa pinaka-sulok ng bleachers na malapit lang din sa pintuan. I mean makikita niya pa rin naman ako kung haharap siya sakin pero atleast lesser chance diba?

Wala rin naman akong gagawin eh kaya papanoorin ko nalang kung hanggang asan ang galing niya.

Tanging likuran niya lang ang nakikita ko.

Nakita kong may kinuha siyang remote sa isang malapit na bench at pinindot ito. Tas maya-maya ay may isang machine na bumuga ng mga volleyball.

Astig ha.

Pero mas lalo akong humanga sa kung pano niya saluhin lahat ng bola. Take note, sa iba't ibang direksyon binubuga ng machine ang bola.

Minsan nahiga pa nga siya eh para lang saluhin. Wow. Kung ako iyan siguro nasa ospital na ako at na-comatose.

Ang attractive niya parin kahit na pawisan ito. The way she jumps, slides and runs... Still so elegant. Hindi ito brusko tingnan. My god. Napaka-perfect nitong babaeng 'to ah.

Perfect rin naman ako. Parehas lang kami. Kaya nga gusto ko siyang maging bestfriend eh. Birds of the same feathers should flock together, hindi ba?

Imagine us being bestfriends. Duh, perfect duo.

Nakita kong kinuha nanaman niya ang remote at may pinundot uli. This time ay hinahampas niya na ang mga bola. Spiking ata tawag diyan.

Amazing.

Bigat siguro ng kamay neto. Naawa ako sa mga bola, parang mawawalan na sila ng hangin sa lakas ng paghampas niya. Tumatalon talon pa siya habang hinahampas niya ang mga kawawang bola sa iba't ibang direksyon ng court.

Dapat bang hindi ko na siya inisin? Baka mahampas ako neto ng wala sa oras eh. Kawawa ako pag nagkataon.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magvibrate ito.

From Lolo:

Scarlette san kana? Magaala-sais na. Tumawag mama mo. Hinahanap ka.

Hanlaa. Dali dali akong napatayo. Naglakad na ako papuntang pintuan nang may bolang biglang mabilis na dumaan sa harapan ng mukha ko. Tumama ito sa pintuan kaya di ko napigilan na mapasigaw.

Echoed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon