SCARLETTE
It has been a week since Ethan's confession, and I miss him. Hanggang eye contacts and ngitian nalang kami at diko maiwasang hindi masaktan.
I miss our banters and hang outs. I miss my bestfriend, but I know na kailangan ko rin siyang isipin. Specifically ang nararamdaman niya para sa akin. Alam ko rin naman na hindi madali para sa kanya 'to.
Hays, Eeth... Ba't sakin pa? Tropa tayo eh.
Lunch time na at nasa canteen ako ngayon, tumatambay nang mag-isa. Sumubo ako ng isang kutsarang coffee crumble flavored icecream, at di ko na napigilang mapapikit sa sarap. Ang oa, I know. Masarap kasi siya, ano bang pakialam niyo.
Ang daming tao sa canteen. Ang ingay tuloy.
Namimiss ko si mama ko. Ang tagal kasing mag-christmas eh. Siya na nga lang ang natitira kong magulang, mag-aabroad pa. Wala ba siyang utak. Chos.
Ang papa ko naman ay namatay dahil naaksidente sa work niya habang pinagbubuntis ako. Buti nalang talaga at andyan si lolo kaya kahit papano ay lumaki naman ako na mayroong father figure sa buhay.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. May nag text.
From K:)
I'm sorry I haven't been able to give you my time these past few days. I got busy eh. Let's hang at my condo later after school?
Luh... Himala naman at nag-chat siya. Tsk. Baka akala niyang easy girl ako. Che.
To K:)
Ge lang.
Sent!
From K:)
Are you mad? I'm sorry:( Forgive me?
Che. Forgive me niya mukha niya. Ang lakas magpakilig tas biglang mawawala. Yung tiyan ko nagwawala. Parang gutom pa yata mga bulate ko, gumagalaw eh. Kumalma nga kayo!
"You know that I can see you smiling at your phone right?"
Kirsten!
Bigla akong napaangat ng tingin sa nakatayo sa gilid ng mesa ko. And there she is. Naka-smirk pa nga. Nahuli niya yata akong kinikilig. Shet. Pahiya nanaman tayo for today.
"Ang cute kasi ng wattpad story na binabasa ko."
"Yeah right." Taas kilay niyang sabi.
"Oh ginagawa mo dito?"
"I thought you were mad kaya nilapitan nalang kita." Segi pu.
"Hindi naman ako galit kaya layas." Pagpapaalis ko sakanya. Yung mga bulate ko sa tiyan, jusko. Lumakas bigla yung kinetic energy nila nang lumapit si Kirsten.
"Let's go somewhere." Anong somewhere ba yan.
"Tinatamad ako."
"Do you want me to carry you?" Naka-cross arms pa siya.
Oo na, ikaw na maganda Kirsten. Sapakin kita diyan eh.
"Oo na. Sige na. Saan ba tayo?" Tumayo na ako. Baka totohanin eh. Napaka-unpredicatble pa naman niya sometimes.