Chapter 8

11 0 0
                                    

SCARLETTE

"Class dismissed."

Agad-agad kaming nagligpit ng mga gamit. Lalo na ako. Binilisan ko talaga. May ayaw akong makausap eh.

Alam kong napapansin niyang hindi ko na siya pinapansin o kinukulit for the past two days now.

Palagi ko nga itong nahuhuling nakatingin sa akin eh. And at most times na magkikita kami, lalo na sa cr, ay napapansin kong gusto niya ako kausapin.

Kaya naman agad-agad na akong lumalayas before niya iyon magawa. Nakakahalata na siya for sure.

Since nung realization ko sa restaurant ay medyo lumayo na muna ako. Kahit nga si Ethan eh, hindi ko na masyadong kinukulit.

Alam kong napapansin rin iyon ni Ethan pero agad-agad naman akong bumabawi lalo na't napapansin kong he's about to confront me about it.

Pagkatapos kong magligpit ay nagpaalam ako kay Ethan na mauuna na muna ako dahil may kailangan akong gawin sa bahay kahit na wala naman. Gusto ko lang talagang iwasan sila.

Habang naglalakad ako ay may tumawag sa pangalan ko. At kilalang-kilala ko kung sino ito. Di ako pwedeng magkamali.

Si Kirsten.

Syete. Huwag ngayon please!

Mas binilisan ko pang maglakad. I'm not up for confrontations yet.

"Can you stop for a second?"

Your wish is my command. 1 second lang pala eh. Huminto ako at nagbilang ng malakas.

"One," atsaka naman ako naglakad ulit. Lakad o takbo? Hindi ko alam.

Basta ang alam ko lang ay gusto kong makaalis. Gusto kong mapalayo sa kanya.

Before this feeling gets worse.

Alam niyo, ang absurd nga eh. Paano ko siya na-gustuhan? Eh alam ko naman na walang-wala akong pag-asa sa kanya.

Friends nga ayaw niya na, more than pa kaya?

Dapat aware ako na hindi pwede eh. Hindi ko alam. Nakakalito.

May gestures rin kasi siyang ano eh. Mga nakaka-ano... Ah basta! Hindi 'to pwede.

"I'm not playing Scarlette Lim."

Ooo, skeri. Che.

"Wag ngayon Kirsten. Masakit ulo ko."

Palusot ko. Pwede bang tantanan niya muna ako. Ito ba yung feeling niya, habang nagpapansin ako sakanya? Kairita ha.

"Then let's go sa clinic.", I can sense worry in her voice pero nah. Imagination ko lang siguro iyon.

Nag-iimagine na siguro ako ng mga bagay bagay dahil sa pagkakagusto ko sa kanya.

Ah! Hindi ito pwede.

Lumakas ang tibok ng puso ng hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya.

"Scarlette. May problema ba tayo?", wala kasi wala namang tayo.

Punyeta ang corny ko.

"Wala. Ano ka ba. Nagmamadali lang talaga ako."

"Then why are you avoiding me?"

"Anong avoid avoid ka diyan.", kunwaring naiinis kong sambit.

"Hindi ako tanga Scarlette."

Di wow. Tinatanong ko ba.

"Ano bang point mo Kirsten?"

"My point is why are you avoiding me? Did I do something wrong?"

"I don't know. Meron ba?"

Echoed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon