Chapter 6

13 0 0
                                    

SCARLETTE

Masaya ako ngayong araw!

Patalon-talon ako habang naglalakbay papuntang canteen.

Okay na ang lahat. Okay na kami ni Ethan. Nag-explain raw si Kirsten sa kanya. Hindi ko alam kung anong sinabi ng bubwita pero atleast okay na kami ni Ethan.

Si Kirsten naman ay medyo friends na kami.

Hihi!

"Baby Scarlette!"

Napairap ako nang marinig ko ang boses na iyon.

Ugh!

Ang tanging downfall lang ay may pa-kondisyon yung unggoy. Tawagin ko raw siya sa endearment na gusto niya for a month.

Pambawi ko raw.

Eh kung bawiin ko buhay niya? Dijoke lang. Si Lord lang makakagawa nun. Pero kung di ako tatantanan neto. Baka mapaaga ang paguwi niya sa langit.

"Yes baby Ethan?", sabay pekeng ngiti ko sakanya.

"Ang cute mo today", pacute niya.

Sarap niyang bangasan.

I bit my lips to suppress myself from saying 'sana ikaw rin'. Apparently, he took it as if nagpipigil akong ngumiti sa banat niya.

"Kinikilig ka ba?"

Aba!

"Asa ka! Punyeta ka."

Tinawanan niya ako. Urgh! He really knows how to get me!

"Now you owe me a date."

I was supposed to not say the word 'punyeta' for a day. We made a bet kasi and hindi rin naman ako maka-hindi kasi nga diba. Lam niyo na.

"Diwow. When?"

"Later. After school."

Hindi makapaghintay ang tado.

"Ge. Alis na. Kakain pa ako."

"You sure will. You'll eat with us."

Di niya na ako hinintay pa para makasagot. At nang marating nanamin ang canteen ay pinaupo niya ako sa mesa nila.

Sa harap pa nga ako ni Kirsten naka-pwesto. Nginitian ko siya and thank goodness hindi niya ako tinarayan.

Sinuklian niya ako ng tipid na ngiti. Binati ko rin ang iba pang nasa mesa.

As usual sila lang rin.

Mababait naman talaga sila. Si Kirsten lang talaga iyong may bad blood with me.

Nagkakatitigan lang kami ng Kirsten nang may nagsalita sa likod ko.

"Baby, I bought you your fav.", bad timing talaga 'tong unggoy na'to kahit kailan!

Agad na nagiba ang timpla ng mukha ni Kirsten.

Oh no.

Friendship revoked nanaman ako neto.

"Thank you."

"Thank you what?"

Hm! Punyeta talaga. Nakakagigil na'tong unggoy na'to. Sarap kurutin ang pwet.

"Ethan," sabi ko with a warning tone. Tsaka senyas na ayaw kong gawin ito sa harapan ng mga kaibigan niya.

Lalong-lalo na sa harapan ni Kirsten.

Napasimangot ang mokong at akmang makikipagpalit ng upuan kay Raphael. Talagang magtatampo nanaman ba ito?

"Fine. Thank you baby."

Ngumiti ng mapang-asar ang may pugad sa ulo. Sinabayan pa ito ng tukso ng mga lalake sa mesa.

Tinapunan ko ng tingin si Kirsten. Bad mood talaga siya. Baka tatarayan nanaman ako nito.

"Can you guys stop and let's eat na?", suway ni Audree sa kanila.

Thank you Audree.

Tumahimik na sila at nagsimulang kumain. Walang nagsalita sa amin. Lahat ay ineenjoy ang kanya-kanyang pagkain.

Maya-maya't muntik na akong napatalon nang may parang paa na nagpapadausdos sa binti ko.

Natatabunan ng mataas na table cloth ang mga mesa dito kay hindi nakikita ang kung ano ang nasa ibaba.

Tumikhim ako at pasimpleng hinulog ang panyo ko.

Nakita ito ni Ethan at akmang pupulitin na sana niya pero sinenyasan ko na wag na.

Dumukwang ako para kunin ito. At talagang hindi pa tumitigil sa kaka-himas ang paa sa akin.

Ang lakas ng loob ha.

Ang naka-medyas na paa ay pagmamay-ari ni Kirsten.

What the...

Pag-angat ko ay nagkasalubong ang mga tingin namin.

I looked at her na para bang sinasabi ko na 'what are you doing?'

Ang babae ay tinaasan lang ako ng kilay at painosente pa akong tingnan.

Iniwas ko ang mga binti ko dahil nakikiliti ako sa pinagagawa niya.

Hindi na ito umulit ng mga ilang minuto ngunit pagkamaya-maya'y nararamdaman ko nanaman ang paa niya sa binti ko.

Seriously? Anong trip niya?

It's like... Ayokong mag-assume pero..

Parang sineseduce niya ako!

Nakita kong medyo inusog niya pa ang upuan niya palapit sa mesa. Hindi niya sinasalubong ang mga tingin ko kahit obvious naman na tinitingnan ko siya.

Mas lalo akong nasurprise ng itinaas niya pa ang paghihimas niya.

Malapit na ito sa hita ko. Napapikit at napalakas ang kapit ko sa kutsara't tinidor.

Swear... Nagiiba pakiramdam ko. I just can't name it.

Gusto kong tumigil siya ngunit wala akong sapat na lakas para i-call out siya sa mga pinagagawa nya.

Nanghihina yata ako.

Nalilito ako at the same time ay... I'm thrilled.

"Baby. Try this."

"Ha?"

Ipinakita ni Ethan ang kutsara niyang may lamang tiramisu chocolate cake.

"Try it. It's so good."

"O-okay."

Nakita ko sa peripheral ko na sumimangot si Kirsten. Wala na talagang pag-asa na magiging kaibigan ko pa 'to.

Kinain ko ang sinubo ni Ethan sakin.

Walang malisya naman kasi sanay na rin naman akong nagsha-share kami ng mga inumin at pagkain.

"Mhm!", impit na hiyaw ko nang maramdaman ko ang paa ni Kirsten sa hita ko!

Take note sa side iyon na malapit sa ano..

Malapit na sa... Sa ano ko.. Oo basta iyong sagradong parte.

"What's wrong?", tanong ni Ethan.

Halos lahat sila'y napatingin sakin. Ngumiti ako ng awkward.

"Hehe. Masarap kasi siya tas naalala ko iyong cake na binake ni mama para sakin. Kalasa kasi nito."

"Oh? Try ko kayang magpabake kay tita", komento ni Ethan.

Patay! Eh hindi naman marunong magluto si mama eh!

Ang papait nga ng mga ulam niya. How much more sa pagbabake!

"Hehe. Oo sige...", awkward kong sabi.

Binalingan ko ng tingin si Kirsten na tila nag-eenjoy sa mga pangyayari ngayon.


Nakakabaliw ka mantrip Kirsten Johansen!


ImperiousPen

Echoed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon