SCARLETTE
"Hey. Wake up. We're here."
Parang ayaw ko pang bumangon. Ang comfy niyang higaan.
"Sorry. Nakatulog ako."
She smiled at me and I swear parang nag-slow mo ang paligid nung nag-smile siya.
"It's okay. Let's go?", she held my hands at inalalayan pa akong bumaba.
Enebe Kirsten! HAHAAHAHAH.
Punyeta. Kinikilig ako. Namumuro na'to ha. Kailangan niya na talagang panindigan 'to.
Pagpasok namin ay ang hotel lobby ang unang nakita ko, kabilang na ang mga iilang staff na mag-aaccomadate sa amin.
They lead us sa isang private room. And...
WOW. Ang ganda at... ang romantic ng pagkaka-set up. May mga pagkain na rin sa lamesa.
Kung assumera lang ako, iisipin kong may gusto si Kirsten sakin.
May friendly date bang may roses na nakascatter sa sahig at nakaform ng heart?
"Goodevening. Enjoy your dinner.", sabay sara nila ng pinto.
"Wow. Ang ganda naman dito. Sure kang friendly date lang ito?", biro ko sa kanya kahit medyo I regret saying that because I don't want to cross any lines.
"Mhmm. Depends how you see it."
She's smiling. Trumiple yata ang ganda niya dahil sa mga ngiti niya.
Kinilig naman ako nung pina-una niya ako sa pag-upo.
What's up with her?
Kung may score board lang ako para sa sweet gesture niya ngayong araw ay mapupuno na siguro ito.
"Let's eat?"
Tango at ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Nagsimula na akong kumain.
Ang sasarap ng mga pagkain. Swear.
Busy ako sa pagkain nang mapansin kong tinititigan niya lang ako.
"Uhh... Kirsten?"
"Don't mind me. Just eat."
"Uhmm okayy."
Eat lang daw ako eh kaya kakain ako.
Tapos na ako sa main courses ko after 20 mins at sinimulang kainin ang mga desserts. Ang sasarap gagu.
"Yes?", napa-angat ako ng tingin kay Kirsten. Sumisimsim ito ng blue lemonade habang may katawag.
"It's ready? Right. Wait for us there. Okay, bye."
Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya tinitigan niya rin ako.
Alam kong paulit-ulit ko na itong sinasabi pero ang ganda niya talaga. Pramis. Para siyang model. Ay model na pala ito.
Nakita ko na rin kasi once ang poster niya sa isang clothing line. Di ko lang maalala kung anong brand nun.
Hindi rin familiar sakin yun name, hanggang ukay-ukayan o kundi yung mga common brands lang na pasok sa budget lang ako eh. Nadaanan ko lang kasi iyon nung nagpunta kami ni Ethan sa isang luxurious shopping center.
"May icecream ka sa nose mo."
"Ay sorry.", dali-dali ko itong pinunasan gamit ang isang tissue.
"Cute."
Cute daw. HAHAHA. Kinikilig nanaman ako. Punyeta. Let's add that to the scoreboard.
"Bakit ang bait mo sa akin ngayon?"