Chapter 3

17 0 0
                                    

SCARLETTE

"Scarlette! Kunin mo nga 'tong si Mufasa! Kinain nanaman tsinelas ko!"

Patay. Yung aso kong iyon talaga. Masyadong pasaway. Masyadong nagmana sakin.

"Opo lo! Teka lang!"

Since saturday ngayon. Sa bahay lang ako nakatambay. Hindi naman ako lakwatsera eh. Paminsan lang kung totopakin.

Miss ko na si mama. Hays. Medyo nakaka-angat naman na kami sa buhay. Ba't nagtratrabaho parin siya sa ibang bansa?

May munting bakery na kami, although binabayaran parin itong bahay. Pero sure naman akong kaya na eh.

Anyway, maiba nga ang topic. Baka topakin nanaman ako at magdra-drama ng wala sa oras.

It's been a week since the incident. Simula nun ay hindi muna ako nagpapansin sa kanya. Medyo awkward kasi diba?

Magha-hi Kristen ako habang may bandage sa mukha. Kahiya naman. Dapat maganda ako pag nagpapansin. Baka ma-turn off eh.

Buti nalang at medyo okay na. Masakit parin at may kaunting bruise pero hindi na siya masyadong visible.

The whole week ay kinulit ako ni Ethan tungkol dito. Siyempre hindi ko sinabi. Alam niyo naman iyon, lakas mantrip. Parang walang sariling buhay.

Humiga ako sa kama ko pagkatapos kong pahigain sa dog bed si Mufasa. Isa itong Corgi. Gift ni Ethan sakin. Nakita niya raw kasi akong nagshared post sa facebook na gusto ko ng corgi kaya ayon.

Binigyan niya ako ng responsibilidad at sakit sa ulo. How thoughtful.

Tarantado 'no? Di joke lang. Thankful naman ako ah, don't get me wrong. I don't regret having him. Ang sweet kaya ni Mufasa. Minsan nga lang.

Speaking of Ethan, parang ang boring naman dito sa bahay. Try ko kayang gumala kasama siya?

Aha! Alam ko na. Magma-mall kami. Pupunta kaming arcade at magbubump cars. Mangaaway nanaman kami ng mga bata.

Favorite past time namin iyon eh.

Kinuha ko phone ko at tinawagan si Ethan.

"Hey."

"Woi. Gala tayo ngayon. Namimiss ko kapangitan mo. Kita tayo sa SM North. Sa Arcade section. Ano g ka?"

"Yoo! Nasa SM North ako ngayon. Gumagala rin! So suree. Meet you in an hour?", ayos ah. Di man lang ako niyaya nang pumunta siya diyan.

"Bad ka di mo ko ininvite. Wait for me there. Bilhan mo kong coffee jelly pweasee. Pambawi mo", pacute ko kahit nasusuka ako. Pero para sa coffee jelly ko ay isasakripisyo ko dignidad ko.

"Sure. Fine. Anything for my baby," yucks ha. Parang masyadong feel na feel naman niya yata.

"Yooo. Are you guys actually dating!?"

"Ohmy!"

"Damn bro!"

May naririnig akong ingay sa background pero medyo mahina nga lang ito kaya di ko masyadong naintindihan.

"Woi sino iyang mga kasama mo?"

"Wala. They're just random salesmen sa mall. You know, the one who hands out flyers."

"Ah okay. Babye. Mwa!", sabay patay sa tawag.

Yes! Mangaaway nanaman ako ng bata. Mwahhahah!

Dali-dali na akong nagbihis at nag-ayos. Mga after 30 mins ay ready na akong umalis.

"Lo alis muna ako!", paalam ko.

"Ge.", tanging sabi niya. Haba naman nun, lo.Ramdam na ramdam ko yung concern.

Echoed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon