Scarlette
"Class dismissed!"
Music to my beautiful ears. Agad-agad na akong nagligpit ng gamit pagkarinig ko nito.
"Scarlette, you're too excited. May ka-date kaba mamaya?"
At iyon na nga, dumugo ang aking beautiful ears pagkarinig ko sa nakakarinding boses na iyon.
"Date mo mukha mo."
"Oh come on, these past few weeks di na tayo nakakapag-hang after school. I miss eating street foods with you."
I felt bad naman ng kaunti. Afterall, bestfriend ko parin naman itong human pugad na'to.
"Ge na nga. Kakain tayong fishball ngayon."
Wala rin naman akong gagawin and besides mukhang busy rin si Kirsten sa buhay niya.
Medyo di na kami masyadong nagkikita outside the classroom.
Although, nagtetext naman kami with each other. Hindi naman gaano kahaba ang conversations namin dahil ang iikli ng replies niya.
Minsan nakakatamad mag-isip ng mga topic para maka-chat lang siya. Kaya, nauuwi na agad sa 'goodnight', at mga 'sleep muna ako'.
Lam niyo yun. Minsan naiisip ko na ako lang nage-effort. Pero lagi kong pinapa-alala sa self ko na hindi talaga siya pala-chat and sadyang busy talaga siya.
Minsan na rin niyang na-ikwento ang mga responsibilities na hinahataw sa kanya ng mga magulang niya.
Hirap talaga maging overly mayaman. Andami mong need na gawin para mapanatili mo ang stability ng pamumuhay niyo at pamumuhay ng employees niyo.
Anyway, pagkatapos kong mag-ligpit ay nakita kong nakikipag-chikahan pa si Ethan sa mga boys.
"Woi, Eeth! Bilisan mo nga before I change my mind," pananakot ko sakanya.
Aba siya itong nagdra-drama tas siya pa matagal?
"Right! Coming!", nakita kong nakipag-fist bump siya sa mga kausap niya at sinukbit na ang bag niya.
Habang naglalakad na kami papuntang elevator dahil nasa 3rd floor kami ay inakbayan niya ako.
Kung dati ay wala akong nararamdaman dahil normal lang ito para sa akin ay iba na ngayon. Even though these kind of gestures between us ay normal for us, I feel as though I am cheating on Kirsten kahit wala pa naman talaga kaming label.
Sabi niya liligawan niya daw ako eh halos hindi naman niya ako nire-replyan. Aynako Kirsten. Pasalamat ka't gusto kita.
Kaya naman ay tinanggal ko ito. Ramdam kong natigilan siya. Tiningnan ko siya at nakita kong nagtaka siya.
"What's wrong with yo-"
"Mabigat bag ko ngayon tas idadagdag mo ang braso mong doble ang bigat?", palusot ko.
"Fine."
Fortunately, naniwala naman siya.
Sometimes I wonder, bakit hindi ako na-inlove sa taong ito? Gentleman, gwapo, mayaman, and mabait naman siya. For me, ideal man naman talaga siya.
Sweet din siya and clingy sakin. Dapat nga sa mga actions niya palang ay na-fall na ako. Pero hindi eh. Kay Kirsten pa ako nahulog. Sa babae pa.
Sa babaeng walang ginawa kundi barahin ako at malditahan ako kahit gaano ko pa kabait sa kanya.
Love is really unpredictable and mysterious.
Hindi ka talaga makakapalag kapag pag-ibig na yung magde-decide kung kanino ka tatamaan.