Chapter 7

13 0 0
                                    

SCARLETTE

"Ang mahal dito Eeth. Mag manginasal nalang kaya tayo? Masarap na nga mura pa."

Bulong ko kay Ethan na seryosong nagbabasa sa menu. Nakakahiya mag-request dito. Yung lowest nila is tig 1k. Pwera sa softdrinks siguro na bihira lang inoorder.

Nyeta.

Kasama ba baso diyan?

Nasa isang expensive restaurant kami ni Ethan ngayon. I owe him one kasi, dahil sa letseng bet na iyon.

"Shh. Kung ayaw mo, then I'll order for you nalang."

Alanganin akong napangiti.

"Sure ka? Hindi ka ba papagalitan ng parents mo nito?"

"Stop worrying, okay? Enjoy lang tayo tonight," fine.

"Okay. Thank you for the treat."

"Anong treat? Hati tayo ng bill 'no," Ha!? Eh 1000 lang dala ko! Kailangan ko pa ng maiiwan para sa pamasahe ko.

"Ano!? Eh gago ka pala eh!", mahinang bulong ko. Sapat lang para kaming dalawa lang ang makakarinig.

"I was just kidding," tatawa-tawa pa siya. Sipain ko pagmumukha niya eh.

Infairness mukha siyang tao tonight. Ang gwapo niya sa suit niya.

Kaya pala pinadalhan niya ako ng dress at heels. Suotin ko daw dahil sa mamahalin niya pala ako dadalhin.

Bumagay ang suot ko sa suit niya.

"Loosen up, okay? We're on a date night.", sabay senyas niya sa waiter.

Iba talaga pag may bestfriend kang rich kid ano?

"Sir Ethan! Goodevening."

Kilalang-kilala ah. Sa bagay mayaman naman talaga itong si Ethan.

"The usual for me and...", pinalapit niya ang waiter sa kanya at may ibinulong rito.

Nagkangitian silang dalawa at para bang may pinaplano.

Sige. Sila nalang kaya yung magdadate. Ako na magwa-waiter. Nao-op ako dito eh.

"Right away, sir", sabay alis nung waiter.

Pinagmasdan ko ang paligid. Royalty yung theme. Habang iniikot ko ang paningin ko sa lugar na'to ay may nahagip ang aking mga mata.

Si Kirsten at may kasama itong lalaki.

Nagtatawanan pa sila. Marunong pala siya tumawa?

Mga apat na mesa ang layo nila sa amin. Naka-side view sila sa perspective ko.

Gwapo yung lalaki. Halatang laki sa yaman. Ang ganda rin ni Kirsten sa suot niya.

Tsk.

Hindi ko alam pero parang naninikip dibdib ko sa nakikita ko.

"Hey. Wait for me here. Magc-cr lang ako, okay?", tango lang ang isinagot ko kay Ethan.

Medyo napatagal yata ang titig ko kay Kirsten kaya napalingon ito sa direksyon ko. Agad akong nagiwas ng tingin.

Nakita kong napatitig ito sakin. Nakikilala niya ba ako?

Syete. Magseselos nanaman 'to samin ni Ethan.

Pero ano naman diba? May kadate nga siyang iba eh.

Hindi niya deserve si Ethan. Tsk.

Nang maramdaman kong hindi na siya nakatingin ay nilingon ko siya ulit. At sana hindi nalang ako lumingon. Nakaka-sore eyes yung view eh.

Echoed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon