Chapter 4

13 0 0
                                    

SCARLETTE

Ahhhhh! Syet naman.

Parang timang akong kinikilig habang nagbabasa ng Possessive men series sa wattpad.

I'm currently reading Czarina and Ymar's story sa phone ko. Kinikilig talaga ako.

Nasa library ako ngayon. Nasa pinaka-sulok na natatabunan ng mga naglalakihang shelves para libre akong kiligin at para wala ring librarian na susuway sakin.

When kaya ako makakakita ng lalaking kayang itolerate ang pagkapilya at weirdness ko?

Universeeee. Bigyan niyo ko ng Ymar!

"Kyahh! Ba't ganunn!?", mahinang tili ko sabay subsob ko sa lamesa.

Yung kilig ko. Syet. Diko napigilan magcomment ng 'oh my god. Kiliggg', dahil nakakakilig talaga ang chap na 'to.

"Will you please tone it down? I'm trying to study here.", nyeta! Muntik ko nang maibato ang cellphone ko sa gulat.

Kagulat ha. Si Kirsten nasa isang sulok rin pala. Di ko siya napansin, bagong dating siguro.

"Ay sorry.", sabay gesture na nagzip ako ng bibig.

Patuloy lang ako sa pagbabasa at pagcocomment sa mga parts na gusto kong comment-an.

Then and now ay napapangiti ako dahil natatawa ako sa kapilyahan ni Czarina at kaseryosohan ni Ymar.

After 2 chapters ay nadating ko na ang part na kung saan ito'y isang spg scene. Yung first time nila na mag-anohan. Basta lam niyo na iyon.

Tutuloy ko ba? Parang ang laswa naman. Actually di talaga ako mahilig na magbasa ng mga sex scenes.

Alam kong sobrang contradicting ng sinabi ko dahil known ang mga stories ni Cecelib dahil diyan. Pero ang totoo ay binabasa ko talaga mga stories niya dahil sa ganda ng mga plot at writing style niya.

Buttt, sooo far ito ang fav story ko sa series na ito. Try ko kayang basahin?

Napalunok si Czarina ng tatlong beses nang makita ang hilaw na saging na pag-aari ni Ymar-

"Luh!",di ko sinasadyang mapasigaw.

Ang laswa! Syet. HAHAHAHAHA!

May kasama pala ako dito kaya agad akong napatakip ng bibig.

Napalingon ako kay Kirsten. She's now glaring at me.

Bigla itong tumayo sa pwesto niya kaya umiwas nalang ako ng tingin. Nairita na yata sakin kaya lilipat na.

Ngingiti-ngiti akong bumaling sa phone ko.

Patuloy ako sa pagbabasa hanggang sa ang mga ngiti ko'y nauwi sa ngiwi.

Teka lang parang diko na yata kaya ang kalibogan nila. HAHAHAH. Napa-tawa ako ng mahina dahil sa kaawkward-an na nafe-feel ko.

I decided na iskip ko na lang ito nang biglang may nagnotify sa phone ko.

I pressed it. Nagtext si Ethan.

From EethaAn:

Baby where are you?

Anong baby-baby pinagsasabi nito?
Nagsimula na akong magtype at rereplyan ko na sana nang 'baby mo mukha mo' nang may biglang humablot sa phone kaya 'baby' lang ang natype ko.

Echoed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon