Chapter 11

2.8K 37 7
                                    

Ibinaba ni Arden ang tawag at hinayaan na lamang ang prinsesa ng mga Navarro na makipagkita sa kliyente nito. Ngunit nanatili siyang anino ng dalaga. Nasa mataas na building ito, nakatutok ang kaniyang riffle na sniper para sundan ang dalaga na naglalakad sa gilid ng kalsada.

“Damn it, feisty woman,” he whispered while chewing his gum.

Inilibot niya ang lens ng sniper sa buong paligid dahil napapalibutan siya ng matatayog na building. Kumunot ang noo niya nang mahagip ng kaniyang sniper ang isang lalaki na nakasuot ng itim na bonnet at nakatutok rin ang sniper nito sa dalaga.

Mabilis niyang inilabas ang kaniyang cellphone. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Kalliste ngunit hindi ito sumasagot.

“Fuck! Answer your phone, woman!” inis na usal niya at muling tinawagan ito.

Nang hindi niya ito matawagan, narinig niya ang isang putok kaya mabilis niyang sinundan ang dalaga at napansin nito na nakayuko siya at nakaupo habang nanginginig na nagtitipa sa kaniyang cellphone at habang nakatago sa likod ng malaking paso ng halaman.

Mabilis na sinagot ni Arden ang kaniyang cellphone nang mapansin ang pangalan ng dalaga sa kaniyang screen.

“I thought you’re not scared?” Arden mocked at her.

He saw her expression, scared and nervous.

 

“S-Saldivar…” nahihirapan na banggit ni Kalliste sa kaniyang apelyido.

“Don’t be scared, tigress…” he told her. “I’m here to protect you.” Arden added.

Nakita ni Arden kung paano manginig si Kalliste sa kaniyang pinagtataguan, umigting ang kaniyang panga, nanlamig ang ekspresyon ng kaniyang mga mata.

Itinapat niya ang kaniyang sniper sa lalaking nagtangka sa buhay ni Kalliste at pinaputukan ito kahit na hindi pa namamatay ang tawag.

“I’ll shoot your head, as a payment of scaring my woman,” Arden whispered.

Napalunok si Kalliste sa kaniyang narinig. Bakas sa boses ni Arden ang galit at gigil. Nanatili si Kalliste sa kaniyang pinagtataguan, sinubukan niyang lumingon ngunit pinigilan siya ni Arden.

“Baby, stand up and walk…” he mumbled at the other line. “I can see you, don’t hang up your phone too.”

Napasinghap si Kalliste sa pagtawag sa kaniya ni Arden ng endearment. Imbes na magalit, sinunod na lamang niya ang sinabi ni Arden. Tumayo siya, hindi niya ibinaba ang tawag.

Ang kaniyang mga paa ay nanginginig pa rin dahil sa takot.

“Just walk, baby,” Arden said again. “No one will hurt nor harm you, I promise.” sincerity was evident to his voice. “Before they could touch you, I’ll bury them dead or alive.”

Naglakad si Kalliste patungo sa restaurant. Hindi siya nagsalita bagkus nagpokus na lamang siya hanggang sa makarating siya sa kaniyang destinasyon.

“I-I’m here at the restaurant,” imporma ni Kalliste.

“Alam ko, Kalliste.”

Napakagat sa ibabang labi si Kalliste. Hindi niya alam kung ibababa na ba niya ang tawag o hindi lalo pa at may banta sa buhay niya. Akala niya ay katapusan na niya kanina ngunit mabuti na lamang at mayroon ang kaniyang bodyguard na nakabantay sa kaniya.

“T-Thank you,” nauutal na sambit niya. “Tatapusin ko lang ang meeting ko dito sa restaurant,” aniya.

“Sigurado ka ba na tatapusin mo pa ang meeting na ‘yan?” tanong ni Arden.

AGENT SERIES#3: Her Agent Fuck Buddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon