Lumabas ako sa opisina ni Arden. Tumakbo ako patungo sa restroom at doon humagulgol ng iyak. Nasasaktan ako. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko rin alam na siya pala ang may-ari ng kompanyang pinagta-trabahuan ko.
Wala akong alam. Sobrang bigat sa pakiramdam. Ang tanga ko, dapat inalam ko kung sino ang boss ko. Kasalanan ko… kasalanan ko kung bakit sumasakit ang ulo niya.
Ako ang nag-trigger sa kaniya.
“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko anak…” umiiyak na sambit ko habang hawak ang aking bilugang tiyan at nakaharap sa salamin. “…kapag may masamang nangyari sa ama mo…” nahihirapang dugtong ko.
Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata bago lumabas sa restroom at nagtungo sa aking cubicle. Ginawa ko na lamang ang aking mga gawain pero nang dumako ang dapit-hapon, muli akong pinatawag ni Arden sa kaniyang opisina.
Ilang beses niya akong ipinatawag kahit sinabi kong busy ako hanggang sa tumawag siya sa intercom at ako ang sumagot niyon.
Alam niya na ako ang sasagot dahil nakakalat ang lahat ng CCTV at kita niya ang bawat galaw ko.
I cleared my throat. “Y-Yes… sir?”
“I want you in my office, Kalliste. I want you here right now.”
May diin sa boses nito ngunit malumanay ang kaniyang pagkakasabi na tila nagsusumamo.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at humugot ng buntong hininga. “Just a minute, sir.” tanging sabi ko na lang at ako na mismo ang nagbaba ng tawag.
Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa kaniyang opisina. Pumasok na lang ako nang hindi ko siya marinig. Natagpuan ko siyang nakaupo sa swiveling chair niya at nakatitig lang sa akin.
Medyo naiilang pa ako sa bawat paghagod niya ng tingin sa akin. Wala na ang dating malamig niyang mga mata. Mapungay ‘yon at halos ramdam ko ang pangungulila sa kaniyang mga mata at hitsura.
“P-Pinatawag mo raw ako…” mahina at nakayukong umpisa niya. “M-May kailangan ka ba?”
Walang natanggap si Kalliste na salita kay Arden. Nanatili lamang na nakatingin ang binata sa kaniya. Iginaya nito ang kaniyang kamay para maupo siya sa couch.
Tumayo si Arden. Nagtungo siya sa couch at naupo roon. Hindi pa rin siya makapaniwala na kaharap niya ang babaeng mahal niya ngayon. Sa loob ng ilang buwan na wala siyang maalala, tanging ang babae lang pala ang makakapag-trigger ng alaala niya.
“Baby…” ani Arden.
He tapped the space beside him. Dahan-dahan naglakad si Kalliste patungo sa couch at naupo roon. Medyo malayo sa pagitan nila ni Arden.
Magkahawak ang kaniyang mga kamay, halos pugto ang kaniyang paghinga. Nag-angat lamang siyan ng tingin nang muling magsalita si Arden.
“How are you this past few months?” he asked her, curiously. “How’s the… baby?” he added.
Kalliste forced a sly smile. “Ayos lang ako… ayos lang kami ng baby ko.” Ayos lang kami ng baby natin. Gusto sana niyang idugtong ngunit hinayaan niya na lang na iyon ang maging sagot nito.
“I see,” tumango-tango na usal nito. “Have you visited your OB?”
Hindi alam ni Kalliste kung bakit ganoon na lamang ang tanong ni Arden sa kaniya pero sa nararamdaman ng puso niya, masaya siya dahil tinatanong siya nito patungkol sa ganoong bagay.
“Katatapos lang ng monthly check-up ko,” sagot niya. “
Tanging tango lamang ang iginawad ni Arden. “Baby, lapit ka sa akin,” sambit nito. Tinapik pa ang espasyo sa tabi niya.
Nanlambot ang tuhod ni Kalliste kahit pa nakaupo na siya. Unti-unti siyang lumapit sa tabi ni Arden at nanatiling nakayuko lamang.
Samakatuwid, hinila siya ni Arden sa kaniyang baywang dahilan para mapakandong ito sa kaniyang kandungan. Ang isang kamay niya ay pumalibot sa batok ng binata at nagtama ang kanilang tingin.
“Gusto ko ng ganito kalapit, baby…” bulong niya. “…gusto kong nakadikit ka na sa akin ngayon.” dugtong pa niya.
Nanatiling tikom ang bibig ni Kalliste. Walang kahit ano ang pumapasok sa kaniyang isipan. Ngayong malaki ang kaniyang tiyan at halos malapit na rin ang kaniyang ka-buwanan, hindi niya inaasahan na magkikita sila ng binata sa ganitong pagkakataon.
“I missed you so much, Kalliste…” wikang muli Arden at ibinaon ang kaniyang ulo sa gilid ng leeg nito. “P-Please, baby… let’s fix everything now. I want you by my side…” nagsusumamo ang boses nito.
“A-Arden…” tanging wika ni Kalliste. “Why did you… do that?” she asked.
Arden held her chin. “Because I am desperate to have you for the first time, baby…” he replied, sincere. “I just want you for myself, I secured everything from the first place… and that’s because I want you for my life.”
“Dapat sinabi mo na sa akin noong una… kasi ayaw kong umasa, Arden,” basag ang kaniyang boses. “Ayaw kong umasa kasi alam mo ang ugali ko, kaya pala ilang beses mong niligtas ang buhay ko… ‘yong pakikitungo mo sa akin ay iba rin.”
“Baby… can’t you understand?” he asked, whispering. “Because I love you. Mahal kita, Kalliste mula umpisa pa lang ng pagdating ko sa buhay mo.”
Suminghap si Kalliste. “Ano pa ang kasinungalingan na gusto mong aminin sa akin Arden? Alam ko, hindi mo pa naaalala ang lahat, kaya sana magpakatotoo ka sa akin hangga’t kaya ko pa…” sumamo niya.
“Ilang beses kong sinalba ang buhay mo… bawat kilos mo ay bantay ko pa rin,” pag-amin nito. “Kasi gusto kong ligtas ka sa araw-araw. Lahat ng taong nagtatangka sa buhay mo, lahat ‘yon ay ibinaon ko sa hukay na wala ng hininga.”
Kalliste shook her head. “Hindi… hindi mo magagawang pumatay, Arden.”
“Iyon ang trabaho ko, Kalliste… hindi lang ako isang secret agent, isa akong lider ng Mafia sa buong Europa.” muling pag-amin ni Arden.
Humigpit ang pagkakahawak ni Kalliste sa batok ni Arden. Nagpipigil, hindi alam kung ano ang reaksyon na ipapakita niya. Ayaw niyang ma-stress dahil buntis siya.
“Come back to me now, baby…” mungkahi ni Arden at hinaplos ang pisngi nito. “Tangina, ayusin na natin lahat. Gusto na kitang makasama… gusto ko na kayong makasama ng anak natin.” pagsusumamo niya.
Napaluha si Kalliste. She looked at him and stared at his eyes. She could see sincerity and longing in his eyes. She couldn’t imagine that her bodyguard is this kind of soft guy. She wasn’t expecting this.
Tila isang hamon kay Kalliste ang bawat linya na binanggit ni Arden sa kaniya. Umiiyak siya habang nakatitig sa binata. Pinunasan ‘yon ni Arden at mas hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kaniyang baywang.
Ang lambot niya talaga pagdating sa salita ni Arden. She was once independent and strong woman. She’s aloof and she don’t have any interest with boys but with Arden’s presence, she was so weak.
“At saka mo na sabihin sa aking bumalik ako sa iyo…” Kalliste bit her lip. “…kapag may singsing ka ng hawak na isusuot sa palasingsingan ko,” hamon nito.
Arden wiped her tears as he smirked. “Baby, don’t challenge me…” he whispered.
“Baka paggising mo bukas, kasal ka na sa akin.” malumanay na dugtong niya.
BINABASA MO ANG
AGENT SERIES#3: Her Agent Fuck Buddy (COMPLETED)
RomanceKalliste Navarro is a cold-hearted woman who doesn't believe in love. She's scary, unbeatable goddess of the Navarro's. She loves to dump men but this strange agent changes her perspective. Fuck-buddy. That's their status but it has a burning twist...