Nagtataka si Kalliste kung bakit tatlong araw na niyang hindi nakikita nag bodyguard niya at hindi na rin siya binibisita ng midnight fucker niya. Nakakunot ang kaniyang noo sa hapag-kainan at tila malalim ang kaniyang iniisip.
Hindi, imposible na iisa silang dalawa, Kalliste. Stop dreaming! She thought in mind.
“Oh, why’s your face like that, darling?” Mrs. Navarro asked her.
“Nothing,” maikling sagot niya at isinubo ang pagkain na karne ng baboy.
Hindi naman kumbinsido ang kaniyang Ina sa naging sagot nito kaya naman muli itong nagtanong sa kaniya.
“May bumabagabag ba sa isipan mo, anak?” masuyong tanong nito.
Ibinaba ni Kalliste ang hawak niyang tinidor at sinulyapan ang kaniyang Ina na mariing nakatingin lamang sa kaniya.
“I just… thought about the bodyguard you hired just to watch me, mother…” she replied. “Nasaan ba siya at mukhang hindi ko nakikita ‘yon ngayon sa paligid?” puno ng pagtataka sa kaniyang boses.
“Pinatawag daw siya ng kaniyang boss kaya pansamantala muna siyang wala ngayon,” sagot ng kaniyang Ina.
Tumango-tango na lang si Kalliste at iniba muli ang usapan.
“Oh, anyway, I can handle myself, Mom…” she halted. “Hindi ko kailangan ang ibang mga tauhan mo para lang bantayan ako.”
Mrs. Navarro heaved a sigh. “Hindi ko sila mga tauhan, anak,” aniya.
Nagsalubong ang kilay ni Kalliste.
“Kaninong tauhan?” malamig na tanong niya.
“It’s Arden’s men,” simpleng sagot ng Ina nito.
Peke siyang natawa. Hindi makapaniwala.
“T-Tauhan niya? Nakakatawa naman ‘yon, Mom!” she exclaimed, unbelievably. “Where’s Kuya Zorell anyway? I need to ask him about something.” makahulugan nitong tanong sa kaniyang Ina.
Akmang magsasalita sana si Mrs. Navarro ngunit naunahan na siya ng isang tinig pababa mula sa hagdan.
“Do you miss him, princess?” diretsong tanong ni Zorell sa kapatid.
She laughed, sarcastically. “That asshole? I don’t intend to miss him, brother. Stop it!” bakas ang inis sa tono nito. “Mas gugustuhin ko pang wala siya rito kaysa mairita lang ako sa presensya ng gagong ‘yon…” dugtong pa niya.
“Talaga ba?” tudyo ng kapatid niya.
Matalim niyang tinapunan nang tingin ang kapatid. “Yes. And if you’re going to say something nonsense, don’t you even dare.”
Humagalpak ng tawa ang kaniyang kapatid. “Babalik din ‘yon, hintayin mo lang…” sabi nito.
“Kahit huwag na siyang bumalik,” madiin at puno ng iritasyon sa tinig nito. “Pakihanap na lang ng pakialam ko.”
Matapos niyang sabihin ‘yon ay padabog siyang tumayo sa hapag-kainan at kinuha ang kaniyang Hermes bag bago lumabas at sumakay sa kaniyang Ferrari. Isasara na sana niya ‘yon ngunit pinigilan siya ng kaniyang Kuya.
“Bakit na naman ba, Kuya?!” inis na bulyaw niya.
“Diego will drive you to the company,” maikling usal niya.
“Huh? Bakit ko pa kailangan ng driver?” takang tanong niya.
Nagkibit-balikat si Zorell. “Kasi utos ng bodyguard mo,” sagot niya.
Umangat ang kilay ni Kalliste. “Huh! He’s not here, Kuya. Kaya kong mag-drive ng mag-isa.”
Zorell’s jaw clenched. “Huwag matigas ang ulo mo, Kalli. Paano kung mapahamak ka? Iniisip lang niya ang magiging sitwasyon mo dahil sa nangyari noong nakaraan!” inis na bulyaw ng kapatid niya. “Hindi ka pa ba nadadala sa threats sa buhay mo?!” pagalit na ang tono ng boses ng kaniyang kapatid.
BINABASA MO ANG
AGENT SERIES#3: Her Agent Fuck Buddy (COMPLETED)
Roman d'amourKalliste Navarro is a cold-hearted woman who doesn't believe in love. She's scary, unbeatable goddess of the Navarro's. She loves to dump men but this strange agent changes her perspective. Fuck-buddy. That's their status but it has a burning twist...