Lumabas ng hapag-kainan si Kalliste at nagtungo agad sa garahe. Sumakay siya sa kaniyang kotse at doon humagulgol ng iyak.
Nang makita niyang tumatakbo si Arden patungo sa kaniya ay mabilis niyang binuhay ang kaniyang kotse at mabilis na minaneho iyon. Pansin niyang hinahabol siya ni Arden mula sa side mirror at pilit na kinakalampag ang kaniyang kotse ngunit hindi siya tumigil at dumiretso lang hanggang sa kusang tumigil si Arden sa pagtakbo.
She was crying while driving her car. Parang pinipiga ang kaniyang puso sa nalaman niyang katotohanan.
"Tangina. . ." mura niya sa kaniyang sarili.
Wala siyang pakialam kung mabilis ang kaniyang pagpapatakbo at wala rin siyang pakialam kung may nakaaligid na magtatangka sa buhay niya. Para na rin siyang pinapatay ni Arden dahil sa pagpapanggap nito.
"Ang tanga mo, Kalliste! Nagpadala ka sa init ng katawan mo!" inis na singhal niya sa kaniyang sarili.
Muli siyang tumingin sa side mirror at napansin niyang may nakasunod sa kaniya na naka-motor. Sinubukan niyang bilisan ang kaniyang takbo ngunit nahahabol siya nito. Napansin niya rin na may nakasunod na kotse sa motorsiklo kaya mas dinagsa ng kaba ang kaniyang dibdib.
Bumagal tuloy ang kaniyang pagtakbo kaya napatingin siya sa kaniyang cellphone at si Arden ang tumatawag. Nais niyang huwag sagutin ang tawag ngunit sunod-sunod ang pagtawag sa kaniya ng binata kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang angatin ang tawag.
"Ano na naman?" inis na sigaw niya.
"Just keep on driving and don't look back. Drive faster." malamig na utos ng binata mula sa kabilang linya.
She gulped, her forehead is sweating even if her car is fully air conditioned. She ended the call and once more look at the side mirror. Arden was chasing the motorcycle and he was protecting her.
Kinakabahan siya sa ginagawa ng lalaki ngunit mas sinunod na lamang niya ito at pinatakbo nang mabilis ang sasakyan.
Isang putok ng baril ang narinig niya and good thing, her car is bullet proof. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso, tumingin siya sa kabilang linya at nakita niya si Arden na nakatapat na sa kaniyang sasakyan.
He's driving so fast. Nakababa ang bintana nito at sumesenyas sa dalaga. Wala namang maintindihan si Kalliste dahil sa kaba at takot na nararamdaman niya.
Minabuti na lamang niyang mag-focus sa daan at muli siyang nakatanggap ng isang text mula kay Arden.
From Saldivar:
Take care, love. I love you.
Iyon ang laman ng mensahe ni Arden sa kaniya na siyang dahilan para mapaluha siyang muli. She looked back but Arden slowed his pace.
She knows, they're firing each other. At kahit gaano pa siya kagalit kay Arden, natatakot pa rin siya na baka may mangyaring masama rito.
Napalunok siya nang makita sa rear view mirror ang pagbangga ni Arden at wala na rin ang naka-motor na humahabol sa kaniya. Napa-preno siya ng mabilis, dumagundong ang kaniyang dibdib nang makitang umuusok ang sasakyan ng binata.
Lalabas na sana siya nang mapansin ang puting kotse na palapit sa kinaroroonan ni Arden. Lumingon pa ang isang lalaki sa gawi niya bago nila kuhanin si Arden. Duguan ang kaniyang putting long sleeve na damit kaya naman mabilis na lumabas si Kalliste at tinakbo ang pagitan nila ni Arden.
"Miss, stay out of this. We need to rush him to the hospital." sambit ni Hunter.
Kumunot ang noo ni Kalliste. "Sino kayo? Bakit niyo kukuhanin ito?"
BINABASA MO ANG
AGENT SERIES#3: Her Agent Fuck Buddy (COMPLETED)
RomanceKalliste Navarro is a cold-hearted woman who doesn't believe in love. She's scary, unbeatable goddess of the Navarro's. She loves to dump men but this strange agent changes her perspective. Fuck-buddy. That's their status but it has a burning twist...