PROLOGUE

37.8K 445 230
                                    

"ATE, FAN NA FAN MO PO AKO!"

"Thank you so much!" I smiled and signed up her book I wrote. Ngayon ang book signing ko. I'm a novelist, usually mga tragic ang sinusulat ko because that's what I feel. I used writing to express myself. Nakaupo ako sa gitna ng mahabang lamesa, nakalatag din sa harapan ko ang mga pentel pens na gagamitin ko sa signing event na 'to.

"While our dear Miss Author signing the books, we will accept some questions from you guys!" Sabi ng host habang hawak ang microphone. Nagsipalakpakan naman ang lahat at nagsitaasan din ng kamay.

Nagtaas ang isang babaeng naka-uniform, mukhang highschool student, binigay naman ng host sa kaniya ang isang mic. "May book 2 po ba Escaping Him?" Magalang na tanong niya.

Inabot naman sa akin ni Nahja ang microphone sa tabi ko at sinagot 'yun. Nahja is my bestfriend since highschool kaya naman kasama ko rin siya ngayong book signing ko. "So far, I have no plans to write a book 2 since it's an open ending," sagot ko at ngumiti. Narinig ko naman ang pagkadismaya ng mga tao.

"Is that true po na Escaping Him is based on yours experience or real life po?" Tanong naman ng isang babae, nakasalamin ito. "Actually, some of the parts of story was related to my personal experience," I lied, lahat ng nangyari sa storya ay nangyari sa buhay ko. It was like my diary. Binigyan naman ako ni Nahja ng nakakalokong ngiti kaya inirapan ko siya.

"Something or someone po ba ang naging inspiration niyo sa pagsulat nitong book?"

"Someone. Someone that used to be my escape." Pinilit kong ngumiti.

May ilang tanong din na related sa book, tinatanong nila kung ano daw nangyari sa main lead. Bakit daw naging ganun yung ending?Bakit daw ang tragic ang genre ko?

It's because of one person. One person that used to be my escape but at the end, he's the reason why I need to escape.

I just can't write happy endings. There's a missing piece I can't find.

"Let's say it tragic is very realistic in real life. I do believed that everything is not like a fairytale all time. Hindi lahat ng bagay may happy ending but the more important thing is you manage to escape that circumstances and move forward," Sagot ko at nagpalakpakan naman ang lahat.

Nagpatuloy ako sa pagpipirma ng libro at karamihan din ay nagpapapicture. Yung isa ngang babae wala raw siyang dalang book o papel kaya sa phone ng notes ko na lang daw ilagay ang pirma ko.

"Mars, cr lang ako. Kanina pa ako nawiwiwi!" Bulong sa akin ni Nahja, natawa naman ako tumango.

Pagkaalis niya ay may naglapag uli ng libro sa table ko. Kinuha ko ang isang pentel pen sa tabi ko dahil nawalan na ng tinta yung isa. Pinirmahan ko 'yun nang hindi pa tumitingin sa kaniya. "Hello! Name po?" Tanong ko habang pinipirmahan ang libro.

"Eros Vergara."

Hindi ko alam kung tama ang narinig ko o imagination ko na naman. Inangat ko ang tingin ko at doon ko lang napagtanto kung sino siya. Ang taong hindi ko inaakalang nandito pala. Anong ginagawa niya rito? It's been years, ngayon ko lang siya nakita uli.

He's here. Right infront of me.

Nananaginip ba ako? Pucha, bakit umalis si Nahja? Papasampal sana ako nang magising ako.

He's wearing a black polo and black pants. Mukhang galing pa sa trabaho. He's holding a suitcase too on his right hand while his left hand is inside his pockets.

Napatikhim naman siya para mabalik ako sa reyalidad. "I'm Eros Vergara," He introduced himself again as if I don't knew him. "But that book is not for me," Dagdag niya.

"It's for my kid. She's a big fan of yours," He cleared. His eyes don't have any emotion. Iniwas ko ang tingin ko at ibinalik ang atensyon sa sinusulat. May...anak na pala siya?

"Btw, she's Evory Vergara." Ayun ang sinulat ko sa libro at nilagyan ko pa ng quote.

Parang may bumara sa lalamunan ko dahil kapangalan ko pa ang anak niya. Ayaw magfunction ng utak ko na nandito siya.
Nahuli niya ang mga mata ko at biglang bumalik sa akin ang lahat. Kung paano ko siya unang nakilala at kung paano nagtapos ang kuwento naming dalawa. Lahat-lahat bumalik sa akin.

Bakit ba mapaglaro ang tadhana? Kung kailan magagawa ko na siyang kalimutan. Kung kailan masasanay na akong wala siya, doon naman siya muling babalik.

Nagsimula ang lahat sa pagtatalo at magtatapos kami sa pagtatalo. Doon naman kami nagsimula, e.

He's the reason why I can't no longer write happy endings. Dahil kahit kaming dalawa, pinagkaitan ng happy ending.

The only thing I can do is to escape the chapters, even the ending was hopeless.

Did I already escaped those chapters?

Or I am just fooling and joking myself
that I am.

Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon