20

4.3K 66 3
                                    

"You must be his classmate? the top 1 girl?" nakangiting tanong ni Ma'am Eliza sa 'kin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin 'yun, wala akong maisip na magandang isagot kaya magalang na tumango na lang ako.

Hindi ko alam pero parang pinagbagsakan ako ng langit kanina nang hanapin ni Ma'am Eliza si Monica bilang first love ni Eros. Close nga pala ang pamilya nila.

Si Eros din ay tahimik din sa tabi ko, pinakikiramdaman ako. Panay din siya sulyap sa akin pero binibigyan ko rin siya ng pilit na ngiti para iparating na ayos lang ako.

Nasa hapag na kami ngayon pero hindi pa kami nagsisimulang kumain at mukhang may hinihintay pa kami dahil wala pa ang Papa ni Eros.

"Your dad can't go home for the meantime, he's currently busy for his paperworks at the company," anunsyo ni Ma'am Eliza kay Eros at dahan-dahang uminom ng tsaa sa tasa.

"Then what are we waiting for?" tanong naman ni Eros. Pinunasan ni Ma'am Eliza ang labi niya ng table napkin bago nagsalita.

"Oh, sorry dear. I forgot to tell you I invited Monica to eat with us."

Kasunod no'n ay nang marinig ko ang matining na boses ng babae sa labas. "TITA ELIZAAAAAA!"
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko nang mapagtantong boses 'yon ni Monica.

Aaminin kong hindi pa ako ganun kakomportable na kasama siya pero anong magagawa ko? Napakawalang galang ko naman kung aalis na lang ako rito bigla.

"Love, we can go if you want," bulong sa akin ni Eros. Umiling ako, ayos lang sa akin.

"Excuse me." Tumayo ang ginang at umalis para salubungin din si Monica. Bumalik ito at hindi nga ako nagkamali dahil kasama niya na si Monica.

Inabot ni Monica sa mga kasambahay ang dala niyang pagkain para ihanda na mukhang nanggaling pa sa mamahaling resto.

"Hera is also here, Eros' classmate," pagpapakilala sa akin ni Ma'am Eliza.

"Yeah, tita. I know her," ngisi ni Monica at tinignan ako nang may kahulugan. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. Confident na ako ngayon, akala mo ha!

"Hera, I want you also to meet Monica, Eros' childhood sweetheart and first love," biro ni Ma'am Eliza at si Monica lang ang natawa. Sinubukan kong tumawa rin pero ngiti lang din ang nagawa ko.

Para akong sinaksak sa narinig ko galing kay Ma'am Eliza. Sinubukan hawakan ni Eros ang kamay ko sa ilalim ng mesa, sinuklian ko lang din ng pagtango si Ma'am Eliza.

"Anyway, end of this getting to know session. Let's eat na, shall we?" Tinawag ni Ma'am Eliza ang mga kasambahay para ilagay na ang mga pagkain sa mesa. Nagmamanhid pa rin ako sa narinig ko, gusto ko na lang magdahilan para umalis pero hindi ko magawa.

May parte sa akin na gustong itanong kay Eros kung totoo ba 'yun pero hindi ko magawa. Ano naman kung totoo? Hindi malabong totoo nga na first love siya ni Eros, ang tagal na nilang magkasama. Para lang akong natutop sa sarili kong bibig.

Nagsimula na kaming kumain, nanatiling katabi ko si Eros. Samantalang tumabi naman sa kanan niya si Monica at kaharap naming lahat si Ma'am Eliza.

Hindi ko pinansin si Eros nang umusog siya papalapit sa akin, nanatili pa rin sa pagkain ang pokus ko. Sa kalagitnaan ng katahimikan, nagsalita si Ma'am Eliza.

"Hija, who cooked this sinigang? I love the way how it cooked." Napaangat ako ng tingin, "Ako po, Ma'am," magalang na sagot ko. Hindi pa ako kumportableng tawaging tita si Ma'am Eliza at baka ganun din siya.

"Wow, you can also cook? How lovely. Other than being honor student, you are also good at cooking," bati niya kaya ngumiti ako. Sumingit naman si Monica.

Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon