24

4.5K 61 9
                                    

It's first day of class. Kung noon, excited na excited ako na dumating ang araw na 'to dahil alam kong babalik na siya pero wala akong naramdaman kundi sakit at galit.

"Binilhan kita ice cream, favorite mo cookies and cream 'di ba?" Dahan-dahang tanong ni Dos habang kumakain ng almusal. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti dahil nag-abala pa siya.

"Salamat," bulong ko. Napatitig siya sa akin nang matagal bago magsalita. "Nakakapanibago, hindi mo ako inaasar ngayon," dagdag pa niya kaya mahina akong natawa at mahina siyang sinapak sa braso.

Sumabay din ako kay Nahja sa jeep papasok kahit pa nasanay na ako na kay Eros ako sumasabay papasok. Ayoko muna siyang makita ngayon kahit pa magkikita kami sa klase mamaya. Si Dos naman, nauna na rin pumasok dahil babyahe pa siya. Walang emosyon na nilagay ko ang backpack likuran ko bago maupo sa armchair.

Wala pa si Eros dito, napansin kong makulimlim din sa labas mula sa bintana. Sigurado ako dito rin siyang section napapabilang dahil nakita ko ang class list kanina. Bakit ko nga ba siya iniisip? Panigurado noong mga panahong nalilate o absent ako, nag-uumapaw ang saya niya dahil wala siyang kalaban.

Pinilig ko ang ulo para makabalik sa realidad nang pumasok ang first period prof namin. Tinignan ko ang relo ko, 7am na. Simula na ng klase.

Nagsimula rin mag-attendance, at lahat napatingin sa upuan ni Eros nang mapansing wala siya rito sa klase. His first absent ever. At sa buong klase, walang Eros ang nagpakita. I took it as advantage, nagrecite ako, nagpakitang gilas ako para makilala ako ng mga lecturers.

Kahit papaano ay nalibang ako sa mga papuri sa akin ng mga profs ko. Nang magdismissal na, kinalkal ko ang phone ko para ichat si Nahja na sabay din kami pauwi. Doon ko lang din napansin ang mga chats ni Eros.

Yesterday, 8:02pm
From: my nutribunch
I'm really sorry, love.

Yesterday, 8:05pm
From: my nutribunch
I will give you some time to think.

Yesterday, 8:06pm
From: my nutribunch
I misd yipn so bad

Nagscroll ako sa mga chats niya na recent at tumambol ang puso ko nang mabasa 'yun.

6:08am
From: my nutribunch
I will fetch you, kahit huwag mo na ako kausapin basta sabay tayo pagpasok, please?

6:30am
From: my nutribunch
I am here, where are you?

6:45am
From: my nutribunch
Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?

6:52am
From: my nutribunch
Hera, I will bring you meds and food. Menstruation mo pala ngayon.

7:01am
From: my nutribunch
Nice one, Levine. Angas mo hahaha

Did he skipped the class 'cause he thought I am sick? No, huwag ka makonsensya, Hera. He deserves it for betraying you. Some part of me are guilty but it doesn't mean I will forgive him easily for what he did.

"Galing pala bebe mo rito kanina, basang-basa ng ulan. May dalang gamot tsaka pagkain kaso sinabi ko pumasok ka na kanina pa, iniwan niya na lang din dito yung pagkain tsaka gamot. May sakit ka ba?" tanong ni Ezra nang makauwi na kami ni Nahja. Si Nahja naman ay tahimik lang pero alam kong may clue na siya na hindi kami ayos ni Eros.

To: my nutribunch
thank you for the food and meds, even you don't have to.

Our relationship became worse and worse. Our love is not the same as before. The vibe changed. Everything changed in one snap.

Iniwasan ko rin siya nang ilang linggo. I still did my best para makabawi sa mga nasayang na chances ko noong unang sem. Kahit papaano mahahatak pa rin noon ang average ko at mamaintain pa rin ang sarili sa rank 1.

Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon