40

4.9K 68 9
                                    

Contains mature themes.

Naging madali naman sa akin ang takbo ng linggong 'to. Wala naman nang naging banta sa buhay ko. Bihira ko na lang din makita si Eros, bukod na lang kung may tutoring session kami ni Evory. Minsan wala pa siya sa mansion nila dahil may inaasikaso sa Law firm nila.

Habang iniistalk ko siya sa FB ay nakita ko rin ang ilang pictures niya. Graduated na rin siya ng Valedictorian noong college bago siya maglaw school. Kasama niya pa rin sila Ryle, Trent at Nash.

"'Te baka gusto mong bilisan," reklamo ni Nahja sa akin habang kinukulot ang buhok niya. Pabiro ko siyang inirapan at tinuloy ang pagsusuot ng white na polo. Nagslacks din ako ng itim. Ginawa ko ring bunstyle ang buhok ko.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong si Claire ang tumatawag. Siya muna ang namamahala sa flowershop ngayon na iniwan ni 'Nay Esmeng habang busy ako nitong mga nakaraang buwan.

"Oh, Claire. Napatawag ka?"

"Wala na tayong stock ng tulips, Pres."

Ewan ko ba rito kay Claire at tinatawag pa rin akong Pres dahil ako ang Class President sa HUMSS noon at tumakbo pa bilang Presidente sa SSC. Parang naging palayaw na niya para sa akin.

"Ha? Kailan daw sila magsusupply?"

"Sa susunod na linggo pa, Pres. May pumakyaw ng tulips! Sana ol!" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Sige, Pres. Inupdate lang kita, balitaan po kita kapag nagkaaberya," dagdag pa nito kaya natawa ako. Kinamusta ko rin siya at ang sales ng flowershop bago nagpaalam.

Ngayon ang araw na may Medical at Education Mission sa Foundation ni Kiva kaya tutulong kami para sa mga bata sa Bicol. Si Nahja sa Medical Mission dahil doktor siya. Ako naman ang sa Education. Syempre kasama rin si Tivona, Freya at Ezra. Friday din ngayon kaya wala akong klase, natapos ko rin ang Lesson Plan at backlogs nang mas maaga.

May sariling transportation service kami. Nagrenta kami ng dalawang bus. Si Freya hindi sa amin sumabay, may dadaanan pa raw kasi siya bago magtungo ng Bicol. Kasama rin namin dito sa loob ang iba pang kasama sa Little Leaders Foundation at Smile Foundation. Nakakatuwa isipin na kami-kami lang din ang Founders nito.

Sinama rin namin sila Terrence at Tess para sa documentary dahil isa na rin silang ganap na Journalists ngayon. Si Dos kasama rin na hindi na maawat ang bibig ngayon, kakapikon sa akin sa buong byahe. Silang dalawa ni Ezra ang magpaplano ng pabahay para sa mga homeless sa Bicol dahil pareho na nga silang Engineers ngayon.

"Oh, sige nga, Hera. Ano ang kinamatay ni Romeo sa Romeo and Juliet?" pang-asar ni Dos sa akin na nasa likurang upuan ko. Ang dali namang sagutin 'yun pero nang-aasar lang talaga siya. Katabi ko naman si Kiva na nagbbeauty rest.

"Lason," sagot ko sa kaniya.

"Ay, akala ko dahil nagbreak sila ni Juliet nung graduation day," pang-iinis ni Dos at humalakhak pa. Pigil tawa naman si Terrence sa gilid dahil sa narinig. Kahit si Tivona ang lakas ng tawa. Mga tarantado talaga kahit kailan.

Binalingan ko si Dos para asarin din. "Ah, ganun ba? Naghiwalay din sila kasi nung highschool kasi iniwan ni Juliet si Romeo dahil ayaw ng mama ni Juliet kay Romeo," pang-asar ko sa love life niya. Sumeryoso naman ang mukha niya dahilan para matawa kami nila Tivona.

"Tawa ka diyan, Tivona. Romeo mo nga ex-fling mo lang, e," pagbaling naman ni Dos kay Tivona. "Bakit nasama ako?!" Reklamo ni Tivona.

Gano'n kami sa buong byahe, buti na nga lang hindi nagigising sila Kiva at Ezra sa kaingayan naming lahat. Nakarating din kami sa Bicol. Kaso kailangan pa namin umakyat ng bundok. Napatingin ako kay Freya na kakarating lang din gamit ang kotse niya. May sunglasses din ito na ginawa niyang headband. Ang dami niya ring bitbit.

Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon