"T-tell me everything, hurt me physically if you want, Hera. If it's gonna ease your pain and anger, I am okay with it. Just...don't leave me," He begged. Kita sa mga mata ang pagod pero hindi sapat 'yun para mabura ang sakit ng ginawa niya.
Pinili ko na lang na maupo na sa armchair ko dahil nagsipasukan na ang mga kaklase namin. Ang iba sa kanila ay nagtataka habang nakatingin sa amin pero hindi ko na lang pinansin. Sinalpak ko na lang ang earphones ko at nagreview.
"We will having a last project group activity," anunsyo ni Sir Romantico. Tinaas niya ang mga index card, "I have here the list of your members and assigned task, go to your respective groups," wika nito.
Inabot sa akin Sir Romantico ang isang index, pasimple akong napairap nang mabasa ang pangalan ni Eros doon.
Leaders: Hera Ivory Levine and Eros Hayes Vergara
"Minamalas nga naman," bulong ko bago tumayo. Finorm namin ang mga upuan namin nang pabilog kasama ang mga members ko. Siniko ko si Daiki, "Ikaw tumawag kay Eros," bulong ko sa kaniya.
"Gaga, ayan na siya," pasimple niyang bulong sa akin pabalik."What group I belong to?" Tanong ni Eros habang nakatayo, siya na lang ang nakatayo at lahat ng myembro namin ay nakaupo na rin.
"Sa akin ka," I unconsciously said. Naging dahilan 'yun para mapasipol at mapasinghap ang lahat ng nakarinig nun! Lalo na ang mga kagrupo namin.
"Hala! Ang daya, Sir! Magkagrupo yung dalawang matalino!"
Hindi ko na lang sila pinansin, pinaupo naman nila si Eros sa tapat kong upuan. "Our assigned task is to do any short film that can be an eye-opener for the society," wika ko sa kanila. Nanghingi rin ako ng suggestion sa kanila.
"I have an idea about this, we can create something about mental health," I suggested. Pinaliwanag ko rin na puwede maging eye-opener 'yun, hindi biro ang pinagdaanan ng mga estudyanteng tulad namin. Kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng bawat estudyante, mapa-honor student man o hindi. Para mabigyan din ng halaga ang mental health. Napatingin ako kay Eros na nangalumbaba habang nakapikit.
"Are you paying attention, Mr. Vergara?" Tanong ko rito dahilan para magising siya. Tumango siya, "Yeah."
Nagbabalik-balik ang tingin sa amin ng mga kagrupo ko, "Tungkol saan ang sinabi ko?" Hamon ko sa kaniya. Kapag hindi niya nasagot 'yun, magkakaroon ako ng rason para sabihin sa prof namin na ilipat na lang siya ng grupo. Pabor naman sa akin 'yun.
Naghikab siya bago nagsalita, "You suggested we can do a short film about a student's struggle on their academics and mental health. According to you, it can be an eye-opener that being an academic achiever is not easy and to make an awareness what's the importance of mental health-"
"As what I am saying, may suggestion pa ba kayo?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Pinigilan ko pa ang sarili ko na mautal. Nakikinig talaga siya sa mga sinasabi ko, noon pa man. Huwag kang rurupok, Hera!
Finally, natapos na rin ang klase. Nawala agad siya sa classroom. Mukhang umuwi agad. Sinukbit ko na ang bag ko at nagpaalam sa kanila. Palabas na sana ako ng classroom, nang bigla siyang humarang. Namumungay ang mata niya habang nakatingin sa akin.
Nangunot ang noo ko sa ginawa niya. "Hatid na kita pauwi," namamaos na sabi niya. Umismid ako, "Pahinga ka na lang, excuse me." pero hindi niya pa rin ako pinadaan.
"Are you concern?" Nagbabaka-sakaling tanong niya dahilan para matawa ako. "Sasabay ako kay Dos pauwi," nasabi ko na lang para makaalis na ako.
BINABASA MO ANG
Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]
RomanceWhat if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academic achiever with his parents high expectation for him. Will they get together or they will be rivals...