"Bakit, may kaaway ka ba?" nagtatakang tanong ko at nakakunot ang noo. Mahinang natawa lang siya at umiling-iling.
"Baliw, amputa," bulong ko kaya natawa siya. Madalas na ang pagtawa niya ngayon ah? akala ko ba siya ay type of btch who don't give a fuck.
"Wala nga," depensa niya pa uli. Napairap na lang ako, "Sabihin mo lang kung may kaaway ka para magripuhan ko," sambit ko at tinaas ang dalawang kilay sa kaniya.
"Magripuhan?"
"Hindi niya nga pala magigets pangkalyeng humor ko," bulong ko. Narinig niya 'yun kaya kumunot ang noo niya. "Wala, sabi ko ang pogi mo."
Inirapan niya lang ako. "May kasalanan ka pa sa 'kin," mahinang sambit niya. "Huh! Nag-sorry na nga ako e!" Reklamo ko.
"Just don't do that again," sagot niya. Kumunot ang noo ko. Alin ba? Yung bigla akong uuwi or may iba pa?
Tumango na lang ako kahit hindi ko mawari kung ano ang tinutukoy niya. "Oo na bro," pangasar ko.
"You really love pissing me off 'no?" Sarkastikong tanong niya dahilan para mapahalakhak ako.
"Pissing and off is silent," gatong ko at ngumisi. Hindi niya lang ako pinansin pero napapansin kong iniiwas niya ang mukha niya tuwing bumabanat ako!
Nagkuwentuhan pa kami ng ilang kaganapan sa life. I told him na ang parents ko nasa abroad to sustain our needs, kasama na roon ang tuition and allowance ko.
"They are so hardworking, I salute them," wika niya at tumango-tango. "How about your grandparents?" interesadong tanong niya. Dumadaldal na siya ngayon, huh.
"Parehong lolo ko both sides wala na, tagal na rin pati lola ko from mother side, maliit pa lang ako," pagkukuwento ko. Hindi ko maiwasang mamiss sila.
"Lola ko naman sa father side, focusing on different haciendas. We are not close since I don't know if tanggap ako as her granddaughter," nagpilit ngiti ako. Pumungay ang mata niya habang nakatingin sa akin. Ayun kasi ang dahilan bakit kailangan ni mama at papa mag-abroad, elementary pa lang yata ako ay pinalayas na kami ni lola. It's because I am the fruit of the sin between mama and papa. Anak ako sa labas.
Kumportable akong magkuwento sa kaniya, hindi ko alam kung bakit. "Nagtataka ka siguro bakit? family prob," dagdag ko pa.
Napatakip ako ng bibig ko, "Sorry! Oversharing na yata ako!"
"No, it's okay. Your problems or rants are safe with me."
Parang sasabog ang puso ko sa narinig ko, napahawak ako rito. Kaka-iced coffee ko lang siguro.
"And also, don't be discouraged. I'm sure your lola loves you so much. Maybe she's just having a hard time expressing it you. It will be fine, soon," sabi niya at binigyan ako ng ngiti.
Mga kalahating oras pa ang tinagal namin na puro kami kuwentuhan. Mga 2am ay napagpasyahan naming bumalik na uli sa Manila. May natira pa kaming isang bucket ng chicken, hindi na namin maubos dahil busog na kaming dalawa. Hindi naman 'to makakain ni Nahja pauwi dahil tulog na 'yun panigurado.
"Ang ganda talaga rito, 'no?" bulong ko, habang nakasilip sa bintana ng passenger seat. Nakasakay na kami uli ngayon at wala nang gaanong traffic kaya maginhawa ang andar ng sasakyan. Nakatanaw pa rin ako sa mga city lights na nadadaanan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/322739674-288-k237856.jpg)
BINABASA MO ANG
Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]
RomanceWhat if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academic achiever with his parents high expectation for him. Will they get together or they will be rivals...