34

4.8K 77 10
                                    

"Huh?" Takang tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo. Iniwas niya na lang ang tingin sa akin at hindi na ako sinagot. Minsan hindi ko talaga siya maintindihan, e.

"Ryle and Dos, huh? Those kind of humor is what you want, don't you?" He accused and looked at me, directly on my eyes.

Dahilan para mapahalakhak ako. Seryoso ba siya? Mukha ngang seryoso siya dahil ako lang ang natawa. Pinapanood niya pa rin ako. Nakakaconscious naman 'to!

Baka mamaya naninilaw ngipin ko o may tinga ako dahil pinapanood niya pa akong tumatawa. Iniimagine-in ko pa lang na nagjojoke siya o nagjejeje typings ay natatawa na ako.

"Paano kung oo?" Hamon ko sa kaniya, hinihintay ang sagot niya. Hindi ko naman talaga type 'yung ganon na pala-joke at maingay din. Mas type ko pa nga yung masungit, suplado at maldito. Siya nga 'tong type ko pero nasayang lang...

Hindi na uli siya sumagot at iniba ang usapan. "Let's eat."

Kinuha ko ang mga paperbag at binuksan 'yun para malaman kung nasaan ang mga pagkain. Napansin kong may isa ring paperbag na katamtaman lang ang laki, ayun sana ang bubuksan ko pero nagsalita agad si Eros.

"T-The red one," natataranta niyang sabi na para bang natatakot siya na buksan ko 'yung nag-iisang paperbag. Kinuha ko na lang ang pulang paperbag at nilabas ang pagkain namin pareho.

"Ikaw muna ang kumain, hindi pa naman ako gutom. Subuan kita," sambit ko sa kaniya. Korean food 'yun. Breaded pork with rice and barbecue sauce. Hinatak ko ang upuan papalapit sa kama niya. Hindi naman siya tumanggi.

"Sus, gusto rin, e" pang-asar ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Sungit na naman!

"Here's comes the wonder pets!" Wika ko at ginawa kunwaring eroplano kunwari 'yun. "It supposed to be chuchu train," reklamo niya naman habang ngumunguya.

"Aarte pa? Ako na nga sumusubo sa 'yo. Hindi ka na lugi," pagdadaldal ko sa kaniya. Tumahimik na lang siya at sinubo ang pagkain. Nailang ako nang napansin kong nakatitig siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko.

"Huwag mo nga akong titigan, baka may panis na laway ako," reklamo ko sa kaniya bago binigyan siya uli ng pagkain. Pinunasan ko rin ang bibig niya, para tuloy akong nag-aalaga ng bata.

"Good boy," pang-asar ko nang maubos din ang pagkain niya. "Huwag ka muna hihiga, ah?" Paalala ko at pinainom din siya ng tubig.

"Nasabi mo na rin ba kila Ma'am Eliza na nandito ka?" Tanong ko kay Eros habang nililigpit ang pinagkainan niya. Ako naman ang kakain.

"Yes, I don't know lang if they will visit."

Tumango ako bago sinimulang kumain. Taimtim lang nanonood si Eros ng TV dito sa kwarto. Cartoon pa nga. "Mahilig ka rin pala sa tom and jerry," gulat na sabi ko.

"Yeah, 'cause you looked like jerry," pang-asar niya dahilan mapataas ang kilay ko. "Kapal mo."

Napatingin ako sa braso niya, "Kumikirot?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin bago sumagot, "A bit."

"Putulin na 'yan," pang-asar ko.

Inirapan niya lang ako dahilan para matawa na naman ako. Ang dali-dali niya pa ring asarin. 12 years na nakakalipas pero ganiyan pa rin siya. Sungit.

Namayani uli ang katahimikan sa pagitan namin dahil nanonood kami ng TV pareho. Naubos ko na rin ang pagkain ko at nilagay ko ang pinagkainan sa trash bin kasama ng pinagkainan ni Eros. Hinanap ko rin ang paperbag ng pamalit ko ng damit.

Nahanap ko naman 'yun bago nagpaalam sa kaniya na magpapalit ako. May CR naman dito sa loob at doon na ako nagpalit. Pink elegant tweed blazer and high waist long skirt ang suot ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda no'n.

Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon