Napatingala si Elle sa mataas na gusaling nasa harapan niya.
Sa tansya niya ay nasa labing limang palapag ang taas ng gusali. Dito siya dinala ng Mommy niya dahil may ipapakilala daw ito na mga importanteng tao sa buhay ng Mommy niya.
The top of the building has a crown logo at may nakaukit na cursive name dito.
Babasahin na sana niya ang pangalan na nakalagay dito ng hawakan siya sa kamay ng ina kaya inangat niya ang tingin dito nakatingin ito sa likod niya kaya sinundan niya ito ng tingin.
Nakatingin ito sa isang magandang babae na nakasuot ng dress shirt na kulay itim at pearl ang mga butones may suot din ito ng puting Aviator.
"Elle let's go"
Hinawakan siya ng ina sa kamay habang naglalakad ito sa direksyon ng babaeng kakalabas lang sa kotse at may nakasunod na nakablue na unipormeng lalaki.
Habang papalapit sila dito ay may lumabas naman na isang babae na nakasuot ng blue uniporme na katulad ng sa lalaki at may buhat itong babaeng sa tantya niya ay kaedad niya lamang.
"Mommy ang taas ng gusali!"
Tinapunan niya ng tingin ang batang nakaitim na dress din na halos kapareho ng magandang babae ang suot,may suot itong pearl headband nakaturo ito sa gusaling nasa harapan nila.
Maganda ang suot ng bata, mukhang mayaman dahil sa na din sa ayos nito at sa mga taong nakasunod sa kanilang dalawa ng ina nito.
"Oh! Katherine! It's good to see you! It's been a long time"
Sinundan niya ng tingin ang inang nakipagbeso sa nanay ng bata na tinitignan niya."Yeah, wala ka pa ding pinagbago Seyrah"
Bati ni Katherine kay Seyrah at sinulyapan ang mga bulto ng security na kasama nito sa likod.Sigurado siyang napapalibutan din ng security ang buong lugar na ito. Masyadong takot si Seyrah na pakiramdam nito anytime may mananakit sa kanya at sa pamilya niya.
"Oh come on! Parang di na bago sa iyo to, saka alam mo naman ang asawa ko"
Pabirong hinampas ni Seyrah si Katherine at dumapo ang tingin sa batang nakahawak sa kamay nito.Inosenteng nakatingin ito sa kanya.
Hmmm... unang tingin pa lang alam ng may dugo kang Hanako.
"Ito na ba siya?"
Lumapit si Seyrah sa bata at balak hawakan pero nagtago ito sa likod ni Katherine.
"I'm sorry mailap talaga ito sa mga hindi niya pa kakilala"
Pagpaumanhin ni Katherine, dinapuan niya ng tingin ang batang karga karga ng isang babaeng security na nakasunod kay Seyrah."Siya ba si Shairine?"
Nakangiting tinignan ni Seyrah ang anak at kinuha sa hawak ng nanny nito at hinarap kay Katherine para ipakilala.
"Shai say hello to your Tita Katherine she's one of your Mommy's friend"
Tinitigan si Katherine ng bata ng ilang segundo bago siya nginitian at kumaway.
"Hello po Tita Katherine my name is Shairine but you can call me Shai!"
Hindi mapigilang ngumiti ni Katherine, manang mana sa ina.
"Shall we go inside? Mukhang mamaya pa dadating si Marie"
Aya ni Katherine kay Seyrah lalo ng mapansin niyang nakakakuha na din sila ng atensyon ng mga taong nasa labas.
BINABASA MO ANG
When Love And Hate Collide
RomantizmHe loves her She hates him Hanggang saan dadalhin si Kelsy ng poot niya kay Russel? Anong kayang gawin ni Russel sa pinakamamahal niyang tao?