Lahat ng bagay may buhay o wala may kanya kanyang klasipikasyon sa mundo.
May mga lebel at uri na syang naghahanay sa pagkakatulad at pag-kakaiba ng mga ito.
Halintulad ng pag-uuri sa estado ng buhay ng tao.Ang unang hanay ay ang mga taong na sa unang ranggo: mayaman, maimpluwensya at makapangyarihan. Samakatuwid mga taong may prebiliheyo sa buhay. Kung baga may unli choices sa bagay bagay.
Pangalawang ranggo mga taong sapat ang kinikita para makakain ng tatlong beses sa isang araw. May kalayaan ngunit walang karapatan na pumili.
Panggatlong ranggo, ito naman ay ang mga taong piniling ibenta ang pagkatao o kaya naman tinanggalan ng kalayaan sa buhay. Mga taong pinili na lang magpaalipin upang mabuhay.
Ako si Clairence Delmundo, isang Alipin.
Bakit nga ba ako na punta sa sitwasyong ito? Dahil ito sa magaling kong ama, ipinagpalit niya ako bilang kabayaran sa pagkaka-utang nito sa isang organisayon .
Wala akong magawa kundi sundin na lamang ito sapagkat kung hindi, buhay namin dalawa ang maaring kabayaran.
Ngayon unti-unti ko ng tinatanggap kung ano ang katayuan ko sa mundong ito isang ALIPIN.
Ngunit hindi pa natatapos ang kalbaryo ng aking buhay.
Napag-usapan ng organisasyon na ipagbenta na lang ako kapalit ng perang inutang ng aking ama.
Ipinagbenta nila ako sa isang mafia.Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nasa kamay na ako nang ganitong uri ng tao.
Akala ko tapos na ang pagbebenta sa akin ngunit hindi pa ito na tatapos.
Iniregalo ako sa isang Heir ng mafia. Hanggang sa nagkakandakanda sira na ang buhay ko. Dahil sa lalaking nagmamay ari na ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Slave Of Mafia Heir (boyxboy)
RomantikBilanggo ng kahapon, alipin ng kasalukuyan. Kaylan ba lalaya ang tulad ko na ang gusto lang ay mahalin ng lubusan?