Chapter 6

5.1K 181 4
                                    

Hindi parin nagsisink-in sa utak ko ng ginawa namin ni Arthuro. Iniwan na lamang niya akong namumula sa hiya.

Heto ako ngayon tulala at hindi parin makapaniwala. Anong kayang majika ang taglay ng impaktong iyon para akoy maakit?

"Hoy! Alipin anong pang- tinutunganga mo diyan, sundan mo ako at ituturo ko sa iyo ang magsisilbi mong kwarto" naiinis nitong sambit.

Nagising ako sa aking imahinasyon dahil kay Leo. Halata sa mukha nito ang pagkakainis na akin namang pinagtatakahan.

Nag-umpisa na ito maglakad para ituro sa akin ang kwarto na aking titirhan.

Pagpasok namin sa loob ng Mansion ni Arthuro napahanga ako sa mga kagamitan na ka display dito.

Hindi ko maisip kung ito nga ba ay mansyon o museo sapagkat napakaraming painting at sculpture na nakadisplay dito.

"Nandito na tayo" pagbasag ni Leo sa atmospera ng aking pagmumunimuni.
Napatigil ako sa paglalakad at tingnan ang kwarto sa aming tapat.

Binuksan ni Leo ang kwarto at tanging dilim lamang ang sumasakop sa loob ng silid na ito. Wala kang makikitang mga kagamitan at kung ano-ano. Pumasok si Leo at sinundan ko ito.

Tila may kinkapa ito sa pader maaaring ito ay ang switch ng ilaw.

"Click" nabuhay ang isang kikiraw kiraw nailaw.

Ang kaninang madilim na silid ay napunan ng liwanag .Napakarumi ng kwartong ito. Maraming sapot at gabok na makikita sa sahig, pader at mga cabinet.

Ang kama naman ay puro gabok rin ngunit walang kutson o kung ano pa man.

"Dito ka na titira simula ngayon" nakakalokong ngiti ni Leo at umalis.

Ngumiti na lamang ako ng malungkot dahil dito.

Ano ng ba ang kahihinatnan ng buhay ko sa mundo ng mga taong hindi ko naman lubusang kilala?

-----
Tok! Tok! Tok!

Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto.

"Uhmm" Isang mabang ungol ang pinakwalan ko habang nag-uunat.

Tok! Tok! Tok!

Palakas ng palakas ang katok na iyon kaya naman nagtungo ako doon kahit akoy tinatamad.

Pagbukas ko ng pinto, malamig na tubig ang siyang sumalubong sa akin.

"Swoosh"

Dahil doon nagising ang aking diwa na kanina lamang ay tulog.

Nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Leo.

" 6:00 o'clock na Alipin at ngayon ka pa lamang babangon" naiinis nitong sambit.

"Dahil sa iyong kalapastanganan pupunuin mo ang Pool sa taas.Kailangan mong bilisan dahil gagamitin yun ni Arthuro,madagdagan pa ang mga gawain mo kung babagal bagal ka." mala Miss Minchin nitong pagkakasabi.

"Ah, pasensya na Miss---este Leo" paghingi ko ng tawad.

"Simula ngayon Sir Leo ang tawag mo sa akin. Sa pagtung tong mo sa bahay na ito alam mo na ang katayuan mo dito. Kaya naman kaylangan mong magbigay galang sa nakakataas sayo " mahabang nitong lintanya.

Tumango na lamang ako bilang sagot.Hindi ko kayang magawang ipagtatanggol ang sarili ko dala narin siguro ng pagkawala ng aking lakas ng loob simula ng mapupunta ako rito.

"Ano pang tinutunganga mo diyan magsimula kana.At paalala ko lang, ang gagamitin mong pang igib ay ang plastic jar na ito " turo nito sa maliit na taro na ginamit na pangsaboy sa akin.

Umalis na ito matapos sabihin ang gagawin ko. Sinarhan ko na lang ang pinto at tiningnan ang kabuuan ng aking kwarto.

Hindi ko pa ito nalilinis kagabi kayanaman marami pa itong gabok na naging putik sanhi ng pagkakasaboy sa akin ng tubig ni Leo.

Nagtingin ako sa Cabinet kung merong pwedeng gawing pamunas sa putik na gawa ni Sir leo.

May nakita akong kulay puting Tshirt na may tatak na I Love Him. Puro butas butas ito kaya naman ito nalang ang ginawa kong pamunas.Pansamantala ko iyong pinampunas sa putik.

Mamaya ko na lamang ito lilinisin ng ayos pag katapos kong gawing ang pinagagawa ni Leo.

Lumabas ako sa kwarto dala ang plastic jar .

----
Ilang oras ko naring pinupuno ang pool na ito sa taas, mag aalas otso na at wala pa ito sa kalahati.

Nag iigib ako ng tubig sa kusina at inaakyat ko ito sa rooftop.

"bbrrr" kanina pang nagrereklamo ang tiyan ko sa gutom.

Bumaba na ako papunta sa kusina para mag igib ulit ng tubig.

Mabilis namang mapuno ang tubig ngunit kailangan kong dahan dahanin ang pagbubuhat para hindi matapon ang tubig. Pag nakita ni Leo na damusak dito baka kung ano pang ipagawa noon.

Sa totoo lang hindi naman sobrang layo ng swimming pool. Nasa second floor yun sa labas, malapit sa kwarto ni Arthuro.

Paano ko nalaman na kwarto yun ni Arthuro?
Ang pintuan kasi doon sa kwarto may na kaukit na R2 and my conclusion is R2 stand for the nickname of Arthuro.
Tama na ang kwento kailangan ko pang punuin yung swimming pool na nasa 10 feet.

Pucha naman diba alam kong impossible yung mapuno kung ang gamit ko ay isang maliit na plastic jar diba? Tapos nakakapagtaka na yun ang pinagamit sakin ni Leo.

Halatang gusto lang nya kong pahirapan.Umakyat muli ako sa itaas para dalhin ang tubig. Hila hila ko ang plastic jar dahil nanghihina na ako sa gutom.

Sa totoo lang ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng bagay na yun. Dala na siguro ng gutom kaya hindi ako nakapag isip ng ayos.

Binuhos ko agad ang laman ng jar pagkarating ko doon.

Umupo muna ako para makapagpahinga habang nagmumunimuni ako hinahanap ko rin kung nasan ang makina na nagsusupply ng tubig sa swimming pool.

Wala akong makita pero may isang bagay akong napansin yung kilay red button sa pader. Dahil sa kuryosidad lumapit ako doon upang makita iyon ng ayos.

Pinundot ko iyon nagbabakasakali na iyon ay switch para sa magsupply ng tubig sa pool.

Again tama ang hinala ko at lalo akong nagulat sa mga nangyare.

Mabilis na napuno ang pool dahil sa tubig na rumaragasa sa bawat gilid nito.

May mga maliliit din nahost na naglabasan sa bawat sulok nito. Umiikot ang mga ito na nagpatulala sa akin.

Tila ba sumasayaw ang tubig na nilalabas ng host.Pa spiral ang anyo na nabubuo ng host. Parang umuulan lamang sa ilalalim ng init ng araw. Basang basa na ako dahil sa pagpatak ng mga tubig.

Napangiti ako dahil sa mga tubig na humahampas sa aking katawan. Napatalon ako dahil sa galak, sabihin na nating isip bata ako pero masaya ako sa tuwing umuulan.

Para sa akin may magagandang mangyayare pagkatapos ng ulan.

"Wahhh" sumigaw ako ng malakas tila ba nagkaroon ako ng panibagong lakas para harapin ang mga pagsubok na ngayon ay aking kinahaharap.

Napatigil ako sa pagtalon dahil may humila sakin.

"Bogshh" tumalsik ako sa pool dala ng malakas na pagkakasuntok sa aking pisngi.

Ramdam ko ang hapdi at sakit nito.Pinipilit kong iahon ang sarili ko pero hindi ko kaya.

Oo gusto ko ang ulan. Mahal ko ang tubig. Ngunit ang bagay nag nagpapasaya sa akin ay ang bagay na kinatatakutan ko rin sapagkat hindi ako marunong lumangoy.

Kinapos na ako ng hininga, hindi ko na kayang umahon sa tubig.Unti unti ng pumasok ang tubig sa aking ilong at bibig.

Unti unti naring nilamon ng dilim ang aking mata at sa huli pagkakataon tinaas ko ang aking kamay na nagbabakasakaling may tumulong sa akin.

A/N:

Sorry kung hindi nako nakakapag update. Masyado kasing busy sa school.

Vote and Comment!

Slave Of Mafia Heir (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon