Arthuro's POV
*To-to-tot-to-To-toot (insert Apple call ringtone)
Ramdam ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon na nasa hita. Nagtatalo ang aking isip kung sasagutin ko ito. Pero pinili ng aking kamay na kunin at tugunin ang nasa kabilang linya.
"Arthuro I have something to tell you. I dont know if this is just a hoax but I want you to know this news." mahina pagkakabanggit ni Louisa na tila nagmamadali. Ramdam ko ang kakaibang tensyon ng kaba sa kabilang linya.
"What is it Louisa? Is there something wrong? Where are you?" mabilis kong tanong dito na may pag-aalala.
"I have no time to explain Arthuro. I'm in a life and death situation. I'll just going straight to your house." mabilis nitong pag-kakalintanya na para bang may humabol dito.
"Ano bang nagyayare Louisa?"
*Toot-toot-tooot. Call ended.
Shit! Ano na naman bang pinasok mo Louisa. Dali-dali akong lumabas ng bar at pumunta sa parking lot.
Mabilis ko itong pinaharurot at tinahak ang daan papunta sa aking bahay.Louisa POV
Bumungad sa amin ni Claire ang hagdan pababa sa basement ni Arthuro. Hinila ko agad ang kamay nito upang lumabas kami sa aparador. Agaran ko namang sinarhan ang nagsisilbing pader nito upang hindi kami masundan.
Kita ko sa mukha ni Claire ang pagkamangha ngunit hindi parin maitatago sa expresyon nito ang pagkalito at pagkakaba. Nagtama ang paningin namin at tila nagtatanong ang mga mata nito.
"Relax Claire, we are already safe here." pagapakalma ko dito.
" Follow me Claire para mapuntahan natin yung pinakamain-basement nito para mas lalong sigurado tayo sa kaligtasan natin." binitawan ko ang kamay nito para makapag relax ito.
Bumaba ako sa bawat baitang ng hagdan at rinig ko ang alingawngaw ng aking takong. Tanging ito lamang ang nagsisilbing maingay sa tahimik na hangin sa pagitan namin ni Claire.
"I know Claire you are in a state of shock but this is the world of Mafia and I think you will understand it." basag ko sa tahimik na ere na pumapagitna sa amin.
Wala akong nakuhang sagot dito. Hindi ko rin kita ang ekspresyon nito dahil na sa likod ko ito. Marahil nadala ito ng pagkakabigla at kaba.
Tuloy- tuloy lamang ako sa paglalakad at unti-unting sumilay sa amin ang isang pintong bakal.
"We're here."
Sa gilid ng pinto may nakadungaw na kamera. May salamin sa baba nito na kasing laki lamang ng mukha.
Tiningnan ko si Claire at bakas parin dito ang halo halong ekpresyon. Face Authentication napasmirk na lamang ako sa teknolohiyang gamit ni Arthuro.
Nilapit ko ang aking mukha at biglang may lumabas na laser na kulay green.Tila ba ini-iscan nito ang aking mukha.
Scanning, Checking, Verified!
Agad na nag bukas ang bakal na pintuan. Hinila ko ang kamay ni Claire at pumasok na kami dito. Automatic na nagsara ang pintuan pagpasok namin.
Isang malaking TV screen ang nakakabit sa pader at kita lahat doon ng bawat pasilyo sa loob ng bahay ni Arthuro. Pati narin ang pinaka bukana ng gate ni Arthuro ay kita sa Tv screen.
May limang lalaking nakaitim na nag-iikot sa kwarto na pinagmulan namin ni Claire. Mga armado ang mga ito at malalaki ang katawan.
Samantalang sa sala naman ay mayroong dalawang lalaking nag-iikot. Sa labas ng bahay ay may sampong kalalakihan n ang nagbabantay.
May mga nag e-error na bahagi sa TV at ito ay ang daan papasok ng bahay. Siguro ay nasira or napansin agad ito ng mga armadong mga lalaki.
Isang sasakyan ang tumigil sa harap ng gate. Isang lalaki ang nagmamadaling lumabas lulan ng kotse. Hindi ko mamukhaan ang mukha nito dahil madilim ang kuha ng CCTV.
"Arthuro" bulaslas ni Claire na gulat na gulat.
Agad akong kinutuban na si Arthuro ito. Dali dali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ito.
"Arthuro wag kang didiretso ng bahay maraming armadong lalaki ang nakabantay." paalala ko agad dito.
"Nasaan ka? Nasaan si Claire?" kinakabahan nitong tanong.
"Nandito kami sa basement dito ka na dumiretso para hindi ka makita ng mga armadong lalaki."
Tiningnan ko si Arthuro sa TV screen ngunit unti-unti ito nawawala.
*Blag
Dinig ko ang pagkakabagsak ng cellphone ni Athuro dahil sa malakas nitong impact. Blanko narin ang CCTV sa gate kung nasaan si Arthuro.
"Hello? Arthuro?" sunod sunod kong tanong dito. Ngunit walang sumasagot sa linya ni Arthuro.
Bang! Isang malakas na putok ng baril ang syang umalingawngaw sa kabilang linya.
"Arthuro!" sigaw ko sa kabilang linya nagbabaka sakaling marinig nito.
Author's Note!
Pasensya na sa late update sobrang busy po sa school. Pero this time I will try to have a continous update.Sorry if may mga grammatical errors and spelling or typo errors.
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Slave Of Mafia Heir (boyxboy)
RomanceBilanggo ng kahapon, alipin ng kasalukuyan. Kaylan ba lalaya ang tulad ko na ang gusto lang ay mahalin ng lubusan?