Nagising ako na nakayakap kay Claire ramdam ko ang paghinga nito sa aking dibdib. Napangiti na lamang ako ng masilayan kong muli ang maamo nitong mukha.
Marahan kong tinanggal ang aking kanang braso sa pag-kakaakap dito. Napatigil ako ng umibo ito, muli nito akong niyakap at siniksik ang kanyang ulo sa aking dibdib. Hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan nito.
Napaka-dungis pala ng kanyang damit ngunit hindi ito naging kabawasan sa itsura nito . Tipong kahit anong isuot niya ay bagay sa kanya.Tinapik ko ang kanyang pisngi upang gisingin.
"Wake up Claire" mabilis din naman ito nagising sa aking pagtapik.
"Uhmm" sabay tingin nito sakin.
Mabilis na kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Tila ba ito ay nahihiya.
"Pasensya na Arthuro kung nakatulog ako sa tabi mo" paghingi nito ng paumanhin.
" You dont have to say sorry" sabi ko na lamang dito.
Ngumiti na lamang ito sa akin bilang tugon. Aalis na sana ito ng pigilan ko sya.
" Claire wait, thank you pala kagabi" pagpapasalamat ko sa kanya habang nakatungo.
Huminto ito at humarap sa akin.
"Okay lang yun Ar--Master, atsaka yun naman ang dapat kong gawin bilang Alipin.Ang pagsilbihan ang aking Master. Sige una na ako Master" malungkot nitong pahayag.
Hindi na ako nakasagot sa binitawan nitong mga salita. Tuluyan na itong lumabas ng aking kwarto.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Parang sirang plaka na paulit ulit na tumunog sa aking utak ang mga sinabi nito.
Winaksi ko ang mga bagay na pumapasok sa aking isipan.At pinanghilamos ang aking kamay sa aking mukha dala ng aking nararamdaman.
Kita ko sa aking harap ang repleksyon ng aking sarili. Muli ay nakita ko ang aking walang emosyong mga mata.
Naligo na lamang ako upang mawala ang pakiramdam na ito.
----------
"Ano ba yang mga ginagawa mong trabaho alipin!" pambungad na sumbat sa akin ni Leo na nag iintay sa aking kwarto." Sa tingin mo nagbabakasyon ka lang dito! Lahat ng inutos ko sayo hindi mo nagawa ng tama" dagdag pa nito na inis na inis ang ekspresyon.
"Pasensya na Sir Leo" ayun na lamang ang nasabi ko habang nakatungo.
"Ibinigay ka dito upang maging Alipin. Alam mo ba yun!" naiinis nitong sambit.
Napayakumos ko na lamang ang aking mga kamay dahil sa pag pipigil ng galit sa mga sinabi nito.
"Kung sa tingin mo maakit mo si Master Arthuro nagkakamali ka. Ilan lang ka lang sa mga naging alipin nya kaya wag kang mangarap. Hindi mo pa sya totoong kilala" muling sumbat nito sa akin.
Kanina pang nanggigilid ang luha ako dahil sa mga masasakit na salitang binibitawan ni Leo. Nakatungo na lamang ako upang hindi nito mahalata ang unti unti pag agos ng aking mga luha.
Humakbang na ito paalis ng aking kwarto ngunit tumigil ito sa aking likuran.
Nag-iwan ito ng mga salitang ikinabigla ko.
"Minsan na din akong naging alipin kaya naman ito lang ang magagawa kong paraan upang hindi ka masaktan sa hinaharap" malungkot nitong lintanya sabay alis sa aking kwarto.
Hindi parin nawala ang pagkakabigla ko sa mga sinabi nito.
Kaya ba ganun sya kahigpit sa akin?
BINABASA MO ANG
Slave Of Mafia Heir (boyxboy)
RomanceBilanggo ng kahapon, alipin ng kasalukuyan. Kaylan ba lalaya ang tulad ko na ang gusto lang ay mahalin ng lubusan?