Chapter 11

3.8K 145 16
                                    

Boom! Isang malakas na pagsabog ang sayang gumising sa aking pagkakahimlay. 

"Ano yun?" ungot ko sa aking sarili habang ina-alimpungatan.

Isang malakas na katok na nagmumula sa pinto ang siyang nagpatayo sa akin.

" Claire!  Buksan mo ang pinto!" isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin mula sa pinto.

" Ate Louise! " agad ko itong niyakap sa pagbukas pala lamang ng pinto.

Nawala ang kaba ng aking nadarama ng sinuklian nito ang yakap na binigay ko.

" Ate Louise, ayoko na hirap na hirap na ako dito. Gusto ko ng umalis dito help me please " mangiyak-ngiyak kong siwalat.

Kinalas ni Ate Louise ang yakap niya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso. Tumitig ito sa akin ng seryoso at tila may gustong sabihin ang mga mata nito.

" Claire, I don't have any idea kung anong ginawa sayo ni Arthuro pero first kailangan mo na nating tumakas dito " mahina nitong pagkakasabi na may halong kaba.

Sinarhan nito agad ang pinto at ni-locked. Dumiretso ito sa parador at hinalwat lahat ng damit na nakalulan doon. Nagtalsikan ang mga damit na hinahalwat nito sa aking harapan.

Lumapit ako dito parang tanungin kung ano ang nangyayare.

" Ate Louise ano bang ginagawa mo? " tanong ko dito na nagtataka.

" Just help me Claire na tanggalin ang mga damit na to, kasi I dont have enough  of time to explain and I know maguguluhan ka lang " aligaga nitong pagkakasabi. Tinulungan ko na lamang ito sa pagkakalkal kahit ang maraming tanong na gumugulo sa aking isip.

" I knew it " nakangiti sambit ni Ate Louisa.

*Bang *bang *bang

Nagitla na lang ako ng marinig ko ang sunod sunod na putok ng baril. Hinila ni Ate Louisa ang kamay ko papasok ng aparador. Sinaraduhan agad nito ang aparador upang doon kami magtago.

" Claire follow me and dont make any noise or else mamatay tayo " paalala sa akin ni Ate Louisa habang hila hila parin ako nito. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa sobrang dilim sa loob. Pero ramdam ko ang kabang nabubuo sa aming dalawa.

Nabigla na lamang ako ng buong pwersahan na siniko ni Ate Louisa ang nag sisilbing pader ng aparador.

Blag!

Isang malamlam na bumbilya ang siyang sumilaw sa amaing mga mata. Ngayon lang nag sink-in sa utak ko na may secret tunnel pala ang aparador sa aking kwarto.

" Wala na siya dito " rinig namin ang boses ng isang baritonong lalaki tila ba may hinahanap na tao.

" Ikutin nyo ang buong bahay hindi pa yun nakakalayo " singhal ng isa pang boses.

" Claire sundan mo lang ako then everything will be going alright " mahinang pagkakasabi ni Ate Louisa.

Tumango na lamang ako bilang sagot dito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayare pero I trust Ate Louisa.

Gusto kong magtanong kung ano ba ang nangyayare pero wala akong lakas ng loob na hugutin ang mga ito. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko sa ngayon, kaya kaylangan ko munang kumalma at baka hindi ko kayanin ang mga katotohanan aking malalaman.

---------

A/N:

Masyadong maikli 😀 pero kerry lang naman.

Slave Of Mafia Heir (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon