Chapter 7

4.7K 174 5
                                    

Ang kadiliman na kakanina'y unti unting sumasakop sa akin ay bigla na lang nawala.

Isang sariwang hangin ang aking nalalanghap kaya naman bumalik ako sa ulirat.

Ngayon ko lamang napagtanto na magkasugpong ang aming labi ni Arthuro na syang nagbibigay sa akin ng hangin.

Nakatingin sa akin ang nag-lalagablab nitong mga mata, tila ba itoy ay isang bulkang sasabog.

Napabalikwas na lamang ako sapagkat naiilang ako sa aming posisyon. Dahil doon nakagat ko nang hindi sinasadya ang kanyang labi.

"Shet" mura nito.

Namula ang buo kong mukha dahil sa ginawa nito kaya naman tumalikod ako dito.

Napakalansaw na lamang ako dahil unti-unti kong namamalayan na muli akong lumulubog.

"ahaa, ahaa" habol hininga sa pagkalansaw nagbabasakaling makakapunta sa gilid na parte ng pool.

Isang braso ang yumapos sa akin kaya naman nakahinga ako ng maayos. Ramdam ko ang seguridad sa bisig nito na nagpagaan sa aking loob.

Ang init ng katawan ni Arthuro ang siyang nagpapawi sa nanlalamig kong katawan. Ang paglapat ng katawan nito sa aking likuran at nagbigay ng kaka-ibang sensasyon. Ang matigas na abs nito ay ramdam ko sa aking likuran. Ang pagkalalaki nito ay tila ba naghahanap ng butas na papasukan sapagkat tinutusok nito ang aking likuran. Napadako na lamang ang aking tingin dito.

Nakaguhit sa mukha nito ang nanlolokong ngiti na nagpapula lalo sa aking mukha.

Tila gusto ko munang tumigil ang oras para tumagal ang tagpong ito.

Ngayon ko lamang napansin na nasa mababaw na parte na kami ng pool.
Datapwat hindi na ako nalulunod hawak parin nito ang aking katawan.

"Tskk, tssk, " iling nito sa akin sabay hila pa punta sa kanyang kwarto.

"Haaa " napasinghap ako dahil sa pwersahang pagbitbit nito sa akin.

Parang isa lamang akong laruan na bitbit nito.

"Artu, bitawan mo ako! " nanghihina kong sigaw sa kanya.

Bigla na lamang niya akong binato sa kanyang kama at sinarhan ang pinto.

Hindi naman ako nasaktan sa pagkabagsak ko na iyon dahil malambit naman ang kama nito.

" Sinong nag-sabi sayo na pwede mong pakalman ang pool nayun" galit nito pagkakasabi.

"ah, eh " tanging sagot ko lamang sapagkat hindi ko mahagilap ang salitang sasabihin ko. Napakagat labi na lamang ako dahil sa takot.

Unti - unti itong humakbang papalapit sa akin kaya naman napaurong ako sa takot.

" Alam mo ba na pinagbabawal ko ang sinumang pupunta doon " galit parin nitong pagkakasabi.

Pansin ko ang dalawang kamao nito na nakayamukos para bang naghahanap ng bagay na susuntukin.

" Pas--ens-ya na A-rtu hi-ndi ko kasi a-l-am" nauutal ko pagkakasabi habang nakatungo sa harapan nito.

Humakbang muli ito papalapit sa akin hindi na ako umurong sa saluhin ko nalang kung ako ang ibigay nyang parusa.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko dahil sa tensyong aking nararamdaman.

Nabigla na lamang ako ng hagkan nito ang aking labi. Nalalasahan ko ang natuyong dugo sa labi nito. Napapikit na lamang ako sabay tulak dito dahil sa pagkailang.

"Artu" tanging sambit ko lamang dahil hindi ito nagpatinag sa pagtulak ko kaya naman sinuklian ko na rin ang halik nya.

" hhmmm. " daing ko ng kagatin nito ang labi ko.

Niyapos ko ang ulo ni Artu at diniin ko ang labi ko sa kanya. Ginagaya ko ang bawat ginagawa nya sa akin.

Kinagat ko rin ang labi nito na nagpakawala sa kanya ng mahinang ungol.

" Ahh " ungol nito.

Pinipilit nitong ipasok ang kanyang dila sa aking labi kaya naman binuka ko ang aking labi at hinigop ang dila nito.

"Ughh" impit nito sa ginawa ko.

Matagal kami sa posisyong iyon yapos ko ang kanyang ulo at ang kamay nito ay nakatuon sa kama. Kinakadyot nito ang aking pwetan na nagbibigay sakin ng kakaibang sensasyon.

Kapwa kami naubusan ng hininga sa pagkakasugpong ng aming labi. Napahiga kaming pareho na hingal na hingal para bang ang layo ng aming tinakbo.

Nagtama ang tingin naming dalawa napangiti na lamang si Arturo at doon unang ko nasilayan ang maganda nyang ngiti. Nginitian ko rin ito bilang sukli.

Akmang tatayo na ako ng yapusin nito ako patalikod.

" Dito ka muna sa tabi ko " bulong nito sa aking tenga.

Bumalik muli ako sa pagkakahiga at niyapos si Athuro. Siniksik ko ang aking mukhabsa matigas nitong dibdib.

Dama ko ang mahigpit niyang bisig na yumayapos sa aking katawan.

Nakatulog akong nakangiti at hindi ininda ang lamig na dulot ng aming basang saplot.

Slave Of Mafia Heir (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon