**Shasha**
"Many years ago.." panimula ko.
~
"Ate!,Ate!,Ate!Ate,ano ba?? Please wake up na!!! Naman! Open the door!" Narinig ko yung boses ni Ayesh sa labas ng kwarto ko..
"Haist! Ano ba kasi kailangan mo,Ayesh?" Banas na sabi ko kay Ayesh.
"I have something to tell you!"
"Then,what is it?!" Sigaw ko sakanya. Nasa loob pa kasi ako ng kwarto ko.
"Just open the door!" Sabi nya..
"Okay,Fine!" Sabi ko. Tapos binuksan ko na yung door ng kwarto ko. At nakita ko sya, tapos tinaasan ko sya ng kilay.. "What is your problem my little sister?" Tanong ko sakanya.
"Can I...Enter?" Tanong nya. At pinapasok ko na sya. Sya lang talaga ang pinapapasok ko sa room ko, at wala ng iba.
"Anong sasabihin mo sakin?" Tanong ko ng masara ko na ang pinto.
"Sila Mom,and Dad! Nasa baba!"
"Then, What's new?" Tanong ko.
"May kasama sila! A Guy! And you know what? He is so handsome!"
"At ano naman ang gagawin ko?" Nagtatakang tanong ko. Kasi naman,ano nga bang gagawin ko? Kung may lalaki sa babpa? Na poging nilalang...daw!
"Sabi ni Nanay-Manang,anak daw yun ng business partner nila Mom and Dad! Oh my Goodness lang ate! kasi... ipapakasal ka daw nila dun sa Guy na yun! But the problem is...I don't know who is he.."
"Huhh?! you kidding me?!!" Sabi ko.
"Of course not. But...pwede ba ate sabihin mo kanila Mom and Dad na ako na lang ang ipakasal dun sa Guy? Ampogi kasi ehh. Hihihi."
"Yeah, That's a good idea!" Sabi ko.
...
"Ate!ate!ate! Huy gumising ka na! Sisirain ko na talaga tong pintuan ng kwarto mo, pag hindi ka gumising! Ate naman eh! Nag-aalala na ko sayo!" Nagising ako sa ingay ng bibig—ay este bunganga ni Ayesh. Haist, nakakairita!
At buti na lang! Panaginip lang yun lahat!
Kasi..Ayoko! Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko naman gusto! GRRR!!!
At sabi nga nila, kung anong napanaginipan mo, kabaligtaran yun! Buti na lang may nag-imbento nun! Kasi kung wala,
AY NAKO!
Binuksan ko ang pinto.. At nakita si Ayesh..
"O,bakit?" Walang ganang sabi ko sakanya. Inaantok pa nga kasi ako eh!
"Haist! Mabuti nagising ka na! Kasi kung hindi ka pa nagising,ipapasira ko na yang pintuan mo! At hindi lang yun, iyang buong kwarto mo!" Sabi nya. "Nag-aalala na ko sayo! Kanina pa!Akala ko kasi,hindi ka na magigising!" Sabi nya..at bumaba tapos sinundan ko lang sya at isinara ang pintuan ng kwarto ko..
"Anong oras na ba?" Tanong ko sakanya..
"12! Kaya halika na! Kakain na tayo! Anong Oras ka ba natulog ate huh?" Tanong nya.. di ko na lang sya pinansin kasi tinatamad akong mag kwento. Tssss.
Bumaba na kami.
"Good morn— Err Good Afternoon Nanay-Manang!" Sabi ko. At nginitian naman nya ko at pati narin yung iba naming kasambahay.
"Good morning po Ma'am.." Sabi ng iba pang mga yaya namin.
"Wag nyo na po akong i-Ma'am, Shasha na lang po.." At nginitian ko sila tapos ngumiti rin sila.
