5-Meet...

35 3 0
                                    

**Shasha**

"Naalala ko tong cafeteria na to. Dati, dito pa ko nagtatrabaho." Sabi ni Cris.

Iniwan muna kami dito saglit nila Keil at Ayesh sa cafeteria. Dahil may bibilhin daw sila sa kabilang shop para sa pangangailangan ni baby Azeeya. At pagkatapos, pupunta na kami kanila Mom.

"Oo nga." Sagot ko kay Sweetheart sabay ngiting nakakaloko. At tumingin kay Crisha. "Alam mo baby, dito kami nagkita ng Daddy mo noon."

"Oo nga pala Mommy, anong nangyari pagkatapos mong matulala kay Daddy? Paano kayo nag-meet or nagkausap?" tanong nya at halatang-halata  sakanya ang pagkasabik.

"Hmm," Nagkatinginan kami ni Cris at sinimulan ng magkwento.

~

Sinundan ko yung lalakeng nagbigay sakin nung order ko. At alam kong nagulat rin si Ayesh sa desisyon kong to.

Actually, May weird akong nararamdaman dito sa lalaking to pero di ko din alam kung bakit sa lahat ehhh sya pa yung natipuhan ko. But take note, wala akong gusto ahhh. Maybe, natipuhan lang. Haha.

Nung pumasok na yung lalaking yun sa pinanggalingan nya. Hinanap ko agad yung manager nila. At kinausap.

"Good day , uhmm. pwede ko bang makausap yung guy na yun? Kahit ilang minuto lang ,please?" Turo ko dun sa lalaking yun.

"Ma'am is there something wrong?" Takang tanong sakin nung manager nila.

"Oh, wala naman but—" putol na sabi ko kasi sumabat naman yung si Ayesh.

"Free ba sya ngayon?"

"Uhm, sorry ma'am kasi on duty po sya. "

"Ok then, anong oras sya free?" Grabe tong kapatid ko, parang mas matanda pa sya kung makipag-usap dun sa manager ehh.

"Uhm, mamayang pa pong 6 p.m." sagot nito sakanya.

Whuttt?! 4 hours pa kaming mag-iintay?!

"Pero pede ko naman pong ipatigil muna sa duty si Cris. If that's what you want. Pero konting oras lang po ahhh." Wow. Narinig nya pala bulong ko? Tindi nya ahh. Pero okay na rin. Atlis pinagbigyan nya kaming maka-usap yung Cris na yun.

"Thank you." Sabay na sabi namin ni Ayesh.

Pumunta yung manager na yun kay Cris at kinausap sya sandali. Aba! May patingin-tingin pa sa amin yung Cris na yun ahh. Then.. nakita naming papalapit na sya sa amin.

And i don't know what happened next. Kasi... ewan! Basta ang hirap i-explain. Parang, nawala lahat ng bagay na nasa paligid ko. Parang, sa sandaling yun.. tumigil ang mundo ko. Hayss, ewan ko ba.

"Ma'am ano pong kailangan nila?" Tanong samin ng lalaki.

"Kakausapin ka lang naman namin. Wag kang kabahan." Sagot ni Ayesh.

"Uhmm, for what po ma'am?" Wala nang sinagot si Ayesh sa lalaki dahil umalis ito sa harapan nya at sinundan naman agad sya nito.

"I'm shasha. This is my sister, Ayesh. And you are?.." tanong ko ng makaupo na kami.

"Cristoff Smith, Cris na lang po ma'am." Woah, ang cool ng voice nya ahh. Kainlab lang. Ay, ano ba pinagsasabi ko?!

"Okay. I know we're not close in each other but can we ask you a favor?" Seryosong tanong ko. Napatingin naman sya ng seryoso sakin pagkatapos tumingin din kay Ayesh.

"Osige po ma'am . Ano po ba yun? "

"Actually, its not about—" pinutol ni Ayesh yung sasabihin ko.

'Our Love Story'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon