**Ayesh**
~
"I have a plan."
"Then,what is it?" Seryosong tanong sakin ni ate.
"Eh kung mag-boyfriend ka na kaya? At baka ihinto muna yung pagpapakasal sayo?"sabi ko.
"Eh pano kung ayaw nila na mag-ka-boyfriend ako?"
"Kaya nga pa-planuhin diba? Biglaan na lang nila malalaman.." Sagot ko.
"At saan naman ako makakakuha ng maayos na guy? Yung magugustuhan nila?" Tanong nya.
"Edi maghahanap tayo!" Ano ba naman to si ate! Kaya nga paplanuhin ehh.
"But how?"
"Basta. Ako nang bahala." Plain na sabi ko.
"Eh pano kung hindi nila gusto yung guy?" Tanong nya
"Kaya nga pipili ng maayos diba?"
"Eh pano kung hindi pa rin umubra? Gusto pa rin nila akong ipakasal dun sa pesteng Fernando na yun?"
"Eh kung subukan kaya muna natin ate? Have so many questions! Tsk, You're so negative thinker.." Sabi ko at tinarayan sya.
"Hmmmm...sige, mukhang maganda yan." Sabi ni ate.
...
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Inaantay ang mga lalaking kakilala ng mga friends ko. Eh pano ba naman?! Ang lalandi nun! Hahaha. De joke.
"Dito na tayo ate. Sabi ng mga kaibigan ko, pupunta na lang daw sila dito kasama yung mga kaibigan nila." Sabi ko.
"Titignan lang naman natin yung mga kaibigan ng kaibigan mo diba? Tapos mamimili ako kung sinong papasa sa taste ko? Ganun ba?" Tanong ni ate sakin.
"Hmmm.. Oo,parang ganun na nga. Tapos pag may napili kana, magiging kayo kahit na ayaw nung lalaki. Gets?! "
"Huhh?! Ay naku! Aatras na ko dito!" Papatayo si ate ng pigilan ko.
"Teka?! Bakit!?" Nagtatakang tanong ko. Sabi nya gusto nya pero ngayon ayaw nya?! Gulo neto !
"Ayaw kong maging boyfriend kung sino man yun! Ok?! Ayoko!" Sabi nya.
"Hahaha! Bakit!?" Pang-aasar ko.
"Basta ayoko! And... Basta! Kulit naman!" Banas na sabi nya.
"Haist! Kaya nga tayo nandito eh! Para maghanap ng magiging jowa mo! At nang mahinto ang pagpapakasal sayo! Tsk!"
"Gusto ko mag-panggap lang! Ano ka ba?!" Sabi nya.
"Pero ate!?" Pangungulit ko. "Sigurado namang may magugustuhan ka dun eh!" Dagdag ko.
"Ayoko. Ayesh." Madiing sabi nya. Ano pa ba ang magagawa ko?! Eh panganay sya eh at sya ang masusunod.! HMP!
Wala kong nagawa kundi sundin na lang ang gusto nya kahit na labag sa kaloob-looban ko! Tsk!
Nagsipuntahan na nga ang mga kaibigan ko kasama ang mga kaibigan nila o mga kilala nilang mga matitino.
Nakakabente na kami pero wala pa ring natipuhan si ate. Ang choosy! Kala mo naman kung sinong maganda! Kung sabagay maganda naman talaga sya! Hehehe.
"Ano ba ate?! Wala ka pa rin bang nagtitipuhan!? Takte naman oh! Ano ba ang mga type mo? Eh parang halos lahat na ng mga pumunta, maayos naman. Ba't ba ayaw mo ha?!" Sabi ko.
"Basta! Di ko sila gusto!" Sagot nya..
"Tsk! Osige, isa na lang ang pupunta. Kaya please sana naman magustuhan mo na!?" Sabi ko.