WARNING:
Read at your own risk.
I AM A PORNSTAR
(R-18)by: sha_sha0808 Ash Simon
A/N:
This story ay hindi edited. Ahmmmm... Straight to the point: walang space after punctuations and mali pa ang paglagay ng punctuations. Mali ang tamang paggamit ng: nang at ng. Nag-uumpisa pa lang akong magsulat. Aayusin ko ito. Just give me time. Mga 2020. Hehehe. Seryoso ako. Ang dami ko na kasing nagawa kaya nahihirapan ma akong mag-edit. Capitalization, small letter ang noun etc."Okay class, dismissed." sabi ng teacher nila. Lahat naman ng estudyante ay naghiwayan dahil excited nang umuwi.
"Uy guys, tara, MOA tayo." Masayang yaya ni Melvelyn.
"Ay oo, bet ko 'yan. Tara na. Uy, sama ka Maria?" 'yan ang tawag nila kay Suzy.
"'Wag na nating isama 'yan, guys. Kasama ko ang boyfriend ko, baka... alam n'yo na... kahit nasa harap ko ay aahasin niya," nandidiring sabi ni Theresa.
"Ay oo. 'Huwag na lang. Baka may shooting pa 'yan. Uy Maria, sino na naman ba ang sexmate mo ngayon, ha? Baka mamaya, e may age ka na." Tanong naman ni Jona.
"Loka! AIDS 'yon. Ano'ng age pinagsasabi mo d'yan?" pagtatama ni Theresa.
"Ay, AIDS ba 'yon? Sorry. Hehehe!" Natatawang sagot naman ni Melvelyn.
"Sige guys, mauna na ako. Enjoy na lang sa lakad n'yo. Tama si Melvelyn, may shooting pa nga ako. Sige, bye!" Bitbit ang libro niya ay lumabas siya sa classroom. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kan'ya.
Simple lang naman ang suot niya. Pantalon at t-shirt pero sa harap ng lahat ay para s'yang nakahubad kung titigan ng mga ito. Siya si Suzy Kaizen. Half pinay at half Japanese. Bata pa lang s'ya ay iniwan na ng Japanese na ama.
Kilala sya sa tawag na 'Maria' dahil sikat siyang artista... Artista sa pornsites.
Yes, isa s'yang pornstar. Nakikipagtalik kahit kanino. Nakahubad kahit na maraming tao sa harap ng camera.
Gano'n naman ang trabaho niya, e. Ang tanggalin ang libog ng mga kalalakihan na kapareha niya sa pelikula.
"Uy Maria, hanep ang bago mong DVD, a." sabi ng isang lalaki na nakaupo sa hallway kasama ang barkada nito.
"Hahaha! Ulol ka, 'tol! Nanonood ka no'n?" nandidiring sabi ng isang kabarkada nila.
"Uy pare, gaano ba ka hot si Maria sa kama? 'Di ba, na girlfriend mo 'yon?" tanong nila sa isa nilang kabarkada na naging ex ni Suzy.
"Hahaha! Hanep ka, 'tol, siguro wala kang pahinga, noh? Siguro, nakipagbreak ka sa kaniya dahil hindi mo siya kaya. Hahaha!" Tawanan ang lahat. Napangiti na lang ang binata.
Naglakad na ang dalaga palabas sa gate. Gano'n naman siya, e. Dedma lang sa lahat ng bashers at haters niya. Sanay na siya sa pang- iinsulto ng mga ito.
Yes, marami na siyang naging ex sa campus na 'to. Kahit nga mga artista. Halos lahat ng kalalakihan na nakilala niya pero lahat sila ay nakipagbreak sa kaniya dahil katawan lang niya ang habol ng mga ito.
Pangarap niyang makatagpo ng lalaking mamahalin siya pero mukhang malabong mangyari ang bagay na iyon. Sa mundo ng showbiz industry ay imposibleng mangyari iyon dahil isa siyang pornstar at sino ang matinong lalaking magseryoso sa kaniya? Wala.
Gusto niyang mandiri sa sarili lalo na kapag makita niya ang sariling nakahubad at may katalik na iba sa mga pelikula pero wala na siyang magagawa pa. Tibay ng loob ang kalaban niya laban sa kumakalam na sikmura.
Isa siyang scholar student sa school na ito. Nineteen years old at second year college bilang HRM student dito sa WESTBRIDGE UNIVERSITY.
Masuwerte siya dahil kahit papano'y hindi siya hinuhusgahan ng may-ari nitong paaralan. May ilang paaralan kasi na hindi siya tinanggap dahil madudumihan lang daw ang pangalan ng unibersidad nila dahil sa kaniya.
May mga nasira rin siyang relasyon. Malay ba niya na dina-download ng mga boyfriend ng kaklase niya ang sex video niya kaya ayun, naghihiwalay ang mga ito kapag mahuli ng mga syota na nanonood ng sex scandal niya.
Madumi, walang hiya, immoral, kampon ni Satanas at kung anu-ano pa ang naririnig niya pero pasok sa kaliwa at labas sa kanang tainga. DEDMA queen na nga sya, e. Wala rin siyang kaibigan.
Maraming hindi alam ang mga tao tungkol sa buhay niya. Ilang beses siyang nagmahal pero niloloko lang siya. Higit sa lahat, hindi nila alam na maliit lang ang talent fee niya kapalit ng pagkasira ng kaniyang dangal.
"Ma'am Ozawa, tara na po," magalang na sabi ng driver ng isang limousine na tumigil sa harapan niya.
"Sige po," sumakay ang dalaga sa backseat. Dalawa lang sila ng driver at wala ang manager niya pero ngayon lang siya kinakabahan ng ganito.
May costumer kasi siya ngayon. Hindi niya puwedeng tanggihan dahil sobrang kailangan niya ng pera. Ngayon lang may nag-offer sa kaniya ng limang milyon para makatalik siya. Noon, tumatanggi siya sa indecent proposals pero ngayon, urgent ang pangangailangan niya sa pera.
"Manong, malayo pa po ba?" kinakabahang tanong niya.
"Malapit na po, Ma'am," nakangiting sagot ng driver. Ngayon lang si Maria magtatrabaho na maghubad sa harap ng isang kliyente pero walang camera.
Hindi ito isang movie o ano man. Gusto lang talaga ng costumer niya na makatalik siya at balita niya ay bilyonaryo ang binata. Kung sabagay, mayaman nga ito. Limang milyo para makatalik lang siya? Pero ang kontrata ay sa loob ng limang buwan. So bali, one million monthly ang service niya.
"Sana 'wag lang matanda," nasa isip niya. Palagi na lang kasi siyang na iisyuhan na naninira ng pamilya. Kahit na nga na makipag-usap lang siya noon sa matanda, iniisip na ng iba na nakatalik na niya ito.
Kung papasok man siya sa indie films ay automatic iniisip ng iba na lahat ng screen partners niya pati mga casts ay nakatikim na sa kaniya. Masakit man tanggapin pero wala na siyang magagawa. Iyon na ang nakatatak sa isip ng lahat.
Ilang minuto ay narating na nila ang resthouse ng costumer niya sa Tagaytay. Dalawang oras din ang biyahe nila bago makarating sa nasabing lugar. Mabuti naman dahil friday ngayon at walang pasok kinabukasan. Nextmonth pa ang next project niya kaya may time pa siyang umekstra ng ganito.
Pumasok na siya sa resthouse. Ang driver ay bumalik na rin sa Maynila pero bago pa sya makapasok ay nakita niya ang isang mamahaling sportscar na nasa garahe kaya sigurado siya na may tao sa loob.
Walang tao sa sala pati na rin sa kusina kaya umakyat siya sa ikalawang palapag ng resthouse. Dalawang kuwarto lang ang nando'n. Ang una niyang nabuksan ay walang tao.
"Sigurado may tao na rito," sabi niya sa sarili habang binubuksan.
"Good afternoon!" Magalang na bati niya sa lalaking nakatalikod at nakatingin sa labas ng bintana.
Isang glass wall kaya makikita mo ang dagat na nasa labas. Matatanaw din ang nasa garahe kaya alam nito na dumating na siya kanina.
Pinag-aralan niya ang lalaki. Naka de- kuwatro ito na nakatalikod sa kaniya at may hawak na sigarilyo. May broad shoulders at halatang matikas ang pangangatawan.
"Sana gwapo," dasal niya habang umupo sa kama. Kanina pa kasi siya napapagod at kinakabahan.
"Please take off your clothes now, Suzy." Walang kabuhay-buhay na utos ng lalaki kaya napaangat na siya ng mukha para tingnan ito dahil pakiramdam niya ay nakaharap na ito sa kaniya.
"P-paul?" gulat na sabi niya at napatayo. Siya si PAUL MARCELO, anak ng may-ari ng school nila. Isang tycoon at sikat na aktor. Kilala bilang snabero at masyadong pihikan sa mga babae. Hinahabol ng mga kababaihan dahil isang tycoon pero mahirap hulihin ang loob at puso nito. Gumagawa rin ng movie pero pa ekstra, ekstra lang kaya dagdag din sa kasikatan nito.
Isa pa, ito ang number one hottest businessman sa buong Pilipinas at Asia.
"Ba't gulat na gulat ka? May iba ka pa bang inaasahan?" poker face na tanong nito at tumayo tapos lumapit sa kaniya.
"Bakit? I mean, bakit ako?" naguguluhan na tanong niya rito dahil kaya namang maghanap ng binata ng maraming babae kahit na hindi na magbayad pa. Mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang bahagya itong tumawa.
Matagal na niyang crush ang binata pero alam niyang imposibleng mapansin siya nito dahil napakadumi niyang babae kaya para sa kaniya ay isa lang siyang fan na handang tumingin sa idol niya habang buhay.
"Sabihin na lang nating, isa akong fan ni MARIA. So? Shall we start now?" seryosong sabi ni Paul.