I AM A PORNSTAR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16
Unedited....
Iniuwi siya ni Paul sa bahay nila. "May problema ba, Suzy?" puno ng pag-alalang tanong niya.
"W-Wala. Pagod lang ako at nahilo sa party kanina. P-Pasensiya ka na..." Ngumiti ang kasintahan sa kaniya.
"Pasensiya ka na kung iniwan kita kanina, marami kasi ang bisita kaya hindi kita naasikaso ng mabuti." Hinalikan siya ng binata sa noo.
"Wala iyon. Sige na. Bumalik ka na sa party dahil baka hinahanap ka na nila. Pasensiya ka na."
"Wala iyon. Tulog na ata sila," patay na ang ilaw sa loob ng bahay.
"May susi ako. Goodnight," matamlay na paalam niya.
"I love you," bulong ni Paul at inilapit ang mukha para halikan siya sa mga labi.
"Love you too..." Tinanggal niya ang seatbelt at lumabas na sa sasakyan. Ang tahimik ng gabi dahil iilan na lang ang mga taong nakatambay sa labas ng bahay.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago kunin ang duplicate ng susi sa pouch niya. Pagbukas niya ng pinto ay maingat na isinara niya ito. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw. Ang ilaw na galing sa cellphone ang ginamit niya para makita ang inaapakan pero bumukas ang ilaw.
"Suzy?" pupungas pungas ng mata na tanong ng kaniyang ina.
"Pasensiya na. Nagising kita," paumanhin niya. Pumasok siya sa kwarto.
"May problema ba? Ang akala ko, doon ka na matutulog kasama si Paul."
Hinubad niya ang damit at tumungo sa closet. Sanay siyang nakahubad sa harap ng ina.
"I saw him, 'Nay."
"Sino?" nagtatakang tanong ng ina.
"Si Tatay." Natigilan si Lucy sa sinabi ng anak.
"S-Saan mo siya nakita?"
"Sa party ni Paul. Bakit nandoon siya? Matapos niya tayong iwan? Ano ba talaga ang nangyayari?" sunod-sunod na tanong niya.
Naupo si Gina sa kama. Masyado nang matagal ang nangyari at sa tingin niya ay may karapatan din ang anak na malaman ang katotohanan.
"Isa akong sikat na artista dati. Screen name ko ay Lucy Sebastian. Ka loveteam ko ang Leo Marcelo," panimula niya.
"You mean, ang daddy ni Paul?"
"Yes. Kasagsagan ng aking kasikatan nang makilala ko si Xian, ang kaibigan siya ni Nicole. Matindi ang pagseselos niya sa akin dahil kay Leo na ka loveteam ko kaya inutusan niya ang kaibigang ligawan ako hanggang sa sinagot ko siya at nagbunga ang aming pagniniig at ikaw iyon. Itinago namin sa publiko noong mag aapat na buwan ka na. Ipinalabas naming nagpapagaling ako sa States ng leg injury. After 8 months, bumalik ako rito sa Pilipinas para ipagpatuloy ang showbiz. Muling namayagpag ang career ko. Nanalo akong best actress sa Cannes Film Festival. Naghit ang teleserye ko at nagkaroon ng ilang movies hanggang sa nabuntis naman ako kay Che-Che." Mataman na nakikinig lang si Suzy sa ina. Gusto niyang malaman ang lahat-lahat.
"Tatlong buwan na ang dinadala ko nang malaman ng pamilya nina Xian ang relasyon namin. Ipinaalam ko na sa publiko ang tunay na kalagayan ko. Ayokong itago kayo sa kanila lalo ka na. Gusto kong ipagmalaki na isa na akong ina. Ipinakilala niya ako sa ama niya para magpakasal na kami pero hindi ko inaasahang puntahan ako sa bahay ng lolo mo at alukin ng malaking pera para layuan si Xian." Bumuntong hininga si Gina. Mukhang alam na ni Suzy ang mga sumunod na nangyari.
"Ipapakasal na raw nila si Xian sa ibang babae at kapag hindi ko pa siya layuan, k-kukunin ka nila sa a-akin." garalgal na ang boses nito. "Hindi ko kaya iyon. Naging matigas ang iyong ama. Ilang beses niya kaming tinangkang itakas pero palagi kaming nahuhuli ng mga magulang niya tapos pinapabugbog siya sa mga tauhan. Dumating sa puntong hindi ko na masikmurang tingnan siyang puno ng pasa..." Salaysay niya. Mahal niya si Xian at alam niyang mahal na mahal siya ni Xian pero hindi sila bagay. Iba ang mundo niya at iba rin ang mundo nito. Mahirap lang sila.
"Kaya ipinalabas mong patay na tayo?" dugtong ng anak.
"O-Oo. Iyon na lang ang tanging paraan para lubayan na ako ni Xian. Sa tulong ng bakla kong kaibigan ay nagawa naming pasabugin ang van pero wala na kami roon bago pa man sumabog. May kakuntiyaba kaming isang reporter para interviewhin ako habang sumasakay tayo sa van para mas lalong ka pani-paniwala ang nangyari." Naalala niya noon. Naging matunog ang kaniyang pagkamatay lalo na't kasama ang mga anak sa loob ng van. Namuhay siyang tahimik sa bahay ng kapatid. May iilang nakapansin sa kaniya na kamukha niya si Lucy pero kamukha lang daw dahil ang pagkakaalam nila ay patay na ito.
"P-Paano kung malaman ni Tatay na buhay tayo?"
Ngumiti si Gina. "Hindi na niya tayo gagambalain. Masaya na siya sa pamilya niya. Ang balita ko ay nagpakasal na sila ng inirekomenda ng daddy niya," iyon ang huli niyang balita kay Xian. Lahat ng mga alaala nila ay sinunog na niya. Matagal na niyang tanggap na hindi sila ang nakatadhana para sa isa't-isa.
"Napakabait mong anak. Sana, hindi ka matulad sa akin. Sana alagaan ka ni Paul. Sana, ipagtanggol ka niya." Malaki ang tiwala niya sa binata pero hindi sa mga taong nakapaligid sa kanila lalo na ang pamilya nito. Alam niyang maunawain si Leo pero ewan lang niya kay Nicole lalo na't spoiled brat ito.
"Nay, n-natatakot ako! W-What if iiwan ako ni Paul? W-What if husgahan nila siya dahil sa akin? W-What if s-saktan din siya ng p-pamilya niya?" natatakot siya para sa kasintahan. Ngayon lang siya nakaramdam ng pangamba dahil sa kasintahan. Kung noon ay hindi importante ang mga sinasabi ng tao, ngayon ay naging mahalaga na sa kaniya.
"Hussh... Tahan na..." Niyakap siya ng ina. "Nandito lang ako. Kahit na batuhin ka nila ng bato, sasaluhin ko iyon. Hindi ka namin iiwan ni Che-Che..." Kumalas si Gina sa pagkakayakap sa ina at pinahidan ang mga luha ng anak.
"Magiging okay din ang lahat. Manalig lang tayo sa Poong Maykapal," umiiyak na tumango si Suzy.
Kinaumagahan, maaga pang nagising si Suzy. Lumabas siya para bumili ng bear brand sa tindahan.
"Hoy Suzy, totoo ba ang balitang kayo na ni Paul?" tanong ng isang tsismosang nakaupo sa mahabang upuan na nasa labas ng tindahan.
"H-Ha?"
"Naku! Huwag mo nang ikaila. Alam na naman ang lahat. Kalat na kalat na nga." Sabat ng tindera.
"Ang ano ho?" kunwari ay wala siyang alam. May mga nakakalusot nang balita dahil sa mall pero dahil sa pamilya nina Paul, hanggang blind item na lang ito.
"Tingan na lang natin sa balita mamaya. Nasa Good Morning Philippines siya. Aaminin na raw niya ang lahat tungkol sa isyu sa kanila. Naku! Huwag ka nang umasang aminin ni Paul sa publiko na kasintahan ka niya dahil impossible iyon. Masisira lang ang imahe niya at ng kaniyang pamilya," ani ng tindera.
"W-Wala naman po kaming relasyon. 'Yong bearbrand ko po at payless pancit canton," iniabot niya ang binili at umuwi na sa bahay.
"Ako na po ang magluluto ng canton, 'Nay." Wika niya.
"Sige. Ipagtimpla kita ng kape," sagot ni Gina habang nagtitimpla ng gatas para kay Che-Che.
Naiwan siya sa kusina na. Hinahalo niya ang seasonings ng chili mansi nang tumili si Che-Che.
"Ate... Ate... Waaah. Si Kuya Paul ang pogi..." Tuwang-tuwang tawag ng kapatid. Bitbit ang plato na may pancit canton ay pumunta siya sa sala. Inilapag niya ito sa ibabaw ng center table at naupo sa tabi ng ina. Si Che-Che ay kumuha ng maliit na plato at nagsalin ng canton para sa kaniya.
"Good morning, Mr. Marcelo!" Bati ng babaeng host.
"Good morning,Cherry!" Nakangiting sagot ni Paul. Naupo ito sa harap ng dalawang hosts.
"Wag na tayong paligoy-ligoy pa. How was your lovelife?" kinikilig na tanong ni Hansel.
"Great!" Maaliwalas na ngumiti ito.
"Diretsahang tanong, nanliligaw ka ba kay Maria Ozawa?" tumahimik ang buong studio. Naghihintay sa isasagit niya.
"Hindi." Napangiti ang dalawang hosts. Parang sinasabi nilang ambisyosa lang si Suzy. Malungkot na tumingin ang ina sa kaniya pero ngumiti siya rito. Alam niyang may dahilam si Paul at tama lang ang ginawa nito. Kahit siya ay ayaw din niyang ipaalam alang-alang sa pangalan ng binata.
"So, hindi totoo na may relasyon kayo?" kahit nagpapa casual ay naramdaman ni Suzy na nagdidiwang ang host.
"Hindi ako nanliligaw dahil ang totoo, we're in a relationship na. She is already my girl and saka ko na siya ligawan ulit. Kapag maging Mrs. Marcelo na siya," nag-iingay na ang mga tao. Halatang nagulat sa sagot nito.
"K-Kayo na?" nauutal na ulit nito.
"Yupz."
"P-Pero alam naman nating isa siyang pornstar? I mean, ano ang sabi ng family mo ngayong ganun nga siya? Is it okay with them na hindi ninyo ka level sa pamumuhay ang girlfriend mo? You know, your family has reputations na iniingatan?" tanong ni Cherry.
"Yes. May reputasyon ang family ko but insulting and judging a person, is not a part of our what so called reputations." Puno ng pagmamalaking sagot niya.
Napailing si Suzy sa narinig sabay bulong, "Paul bakit?" gusto niyang kumprontahin ito sa pinagsasabi.
"I don't care if she's a pornstar or not. As long as I love a woman, I will fight for her. I'm so tired of having virgins in my life. Besides, Suzy is the only girl who makes my heart beats so fast. Who makes me believe that a man like me can be a good husband and a responsible father someday. She's the only woman who makes me imagine myself walking down the aisle and exchanging our "vows and I do's".
"I have to go. Three minutes lang ang interview ninyo sa akin," ani Paul.
"Last question, Paul." Pigil ni Cherry.
"Ano ang mensahe mo sa mga bumabatikos sa relasyon ninyo?"
"Alam kong gasgas na ito but before pointing your fingers, make sure your hands are clean. I knew her better. To Suzy, I will always love you, Sweetheart. I will make a promise sa harap ng madla. And that is to love you and as long as my heart beats, you will always be loved." Sabay wink nito sa harap ng camera. Hindi na naiwasang mapaluha ni Suzy sa sobrang saya.
"I love you too, Paul." Usal niya na para bang naririnig siya ng kasintahan. Ngumiti naman ang kaniyang ina at hinawakan siya sa kamay.
"Napakaswerte mo sa kaniya. Sana gabayan kayo ng ating Maykapal," masaya siya para sa anak. Sana lang ay wala nang magiging balakid sa pagmamahalan ng dalawa.A/N:
Hi po. Long time no see. Hahaha.
♥♥♥♥