I AM A PORNSTAR
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 17
Unedited...
Kakapasok lang ni Suzy sa gate. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kaniya at nagbubulong-bulungan pero as usual, dedma lang siya.
Dire-diretso siyang naglakad papasok sa classroom nila at naupo sa isang tabi. Napansin niyang tumahimik ang mga kaklase. Nagmamatiyag lang siya pero walang ni isang nagsalita.
" Problema nila?" bulong niya sa sarili.
Mayamaya pa ay nagsimula nang mag-ingay nang pumasok sina Theresa.
"Hi friend!" Masiglang bati ni Jonah nang naupo sa tabi ni Suzy.
"Hello!" Ngumiti siya rito.
"Grabe! Nakita ko ang interview kay Paul noong isang araw, ha. Ang swerte mo naman sa kaniya. Maliban sa gwapo at mayaman, e ang bait pa niya." Kinikilig na sabi ni Jonah. "Hindi mo man lang sinabi sa amin na kayo na pala. Akala ko, hindi totoo ang humors." Napangiti siya. Gusto sana niyang itama ang rumor kaso mahina talaga ang utak nitong si Jonah kaya hinayaan niya na lang.
"Ewan ko ba kay Paul," tanging naisagot niya. Hindi pa sila nagkita mula pa noong na-interview ito. Text at tawag lang dahil busy daw ang binata. Medyo kinakabahan siya dahil baka pinagbawalan ito ng pamilya pero sabi nito, wala namang kinalaman ang pamilya. Busy lang talaga ito sa businesses nila.
"Bumalik ka na sa silya mo. Andiyan na si prof." utos niya kay Jonah.
"Ano ba 'yan! Makitsismis pa ako, e." Reklamo nito kaya napailing na lang siya.
Mataman na nakikinig siya sa lecture ng guro hanggang sa natapos na ang klase. Mabilis na tumayo siya at naglakad patungo sa next subject nila na nasa second floor pa.
Dahil nauna sa mga kaklase, nag-iisa siyang naglalakad sa hallway.
"Oh my gosh!" tili ng isang babae na nakaupo sa harap ng classroom kasama ang mga kaklase.
"Ano'ng nangyari?" curious na tanong ng isang kaibigan.
"What the fuck! What the--" Halos hindi ito makahinga habang titig na titig sa hawak na cellphone. Napakunot ang noo ni Suzy pero ayaw naman niyang maging tsismosa. Exaggerated lang talaga ang students sa school na ito.
"Ang arte nito! Ano bang meron diyan?" nakataas ang kilay ng isa nilang kasamahan. Anim silang nagtitipon-tipon.
"Tingnan ninyo ang website ni Paul dali!" Napatigil si Suzy. Nagsimula na namang magtakbuhan ang mga daga sa kaniyang dibdib. Na-curious siya kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Wait. I'll check it," maarteng sabi ng isa at binuksan ang cellphone.
"What? Is this true?" gulat na gulat ito.
"Yupz. I think, this was uploaded an hour ago." Ang iba ay nakahawak din ang cellphone.
Dali-dali siyang naglakad patungo sa classroom. Gusto niyang magtaka. Kinakabahan at hindi maipaliwanag ang iba pang nararamdaman. Natatakot siya. Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa isip niya.
" Paul, tungkol ba ito sa pag-amin mo?" she whispered while holding her mobile. Naupo siya sa pinakadulong upuan. Ang mga estudyante sa labas ay lalong umingay at ang iba ay halos mamatay sa pagkagulat sa kung ano man ang nakikita.
Napakagat siya sa ibabang labi nang matapos tingnan ng mga ito ang cellphone ay sumisilip sila sa kaniya.
Parang virus ang kung ano man ang laman ng site ni Paul dahil mabilis na naging viral at usap-usapin.
"Grabe! Hindi ba siya nahiya? Sinira lang niya ang reputasyon niya." Papasok na ang grupo ng mga kaklase niya. Ang mga lalaki ay nakatingin sa iisang cellphone lang.
"Friend. Nakita mo na ang in-upload ni Paul? May kinalaman ka ba rito?" patakbong lumapit si Jonah sa kaniya habang hawak ang cellphone.
"H-Hindi pa..." kinakabahang sagot niya.
"Open mo site niya, dali!"
Pinakalma muna niya ang sarili bago binuksan ang cellphone. Kung ano man ang nilalaman nito ay handa niyang tanggapin ang lahat.
Pag open niya, isang video ang bumulaga sa kaniya. "My Sweetheart and I. Truth Behind Her Sex Scandals. Unedited..." Iyan ang caption. Pinindot niya ang play button.
"A-ano'ng ginagawa mo P-Paul?" nauutal na tanong niya sa binata habang inaayos nito ang gadget sa mesa.
"Want to take a video of our first sex?" halos patanong na sagot nito.
"Pwede, 'wag nalang? Please..." pakiusap niya rito.
Napalunok siya ng laway habang tinitingnan ang video. Naalala niya ang eksenang ito. Ito ang unang araw na nagkita sila ni Paul. Napapikit siya ng mata. Naririnig niya ang sariling nasasaktan sa video. Pagdilat niya, nakikita niya ang sarili sa video na tumutulo ang mga luha dahil sa sakit habang maingat na hinahalikan ni Paul. Napahilamos siya ng mukha nang ang sumunod na eksena ay ang tunay na mukha ng babaeng nakikipagtalik sa mga naging leadingman niya. Ang last part ay ang mga videos na nila ni Paul sa kotse at bar habang kinukunan ng camera men.
Wala sa sariling tumayo siya at nanghihinang naglakad palabas ng classroom.
"Suzy, saan ka pupunta?" hindi na niya narinig ang tawag ng kaklase. Para siyang bingi, pipi at bulag. Pakiramdam niya, para siyang nakalutang habang naglalakad. Ni hindi niya naramdamang nakalapat ang mga paa sa lupa.
Ang mga titig ng schoolmates niya, hindi na niya mabasa. Wala siya sa katinuan. Kusa na lang pumara ang mga kamay niya sa taxi nang makalabas siya sa gate.
"Saan po, Ma'am?"
"St. Joseph village po," laki ng pagpasalamat niya nang tumahimik ang driver. May mga times na panaka-naka siya nitong sinusulyapan.
Pagdating sa bahay ay pasalampak na naupo siya sa couch.
" Bakit Paul?" iyan ang kanina pa pabalik-balik sa kaniyang utak. Puro 'bakit' ang isinisigaw nito.
"Anak, may problema ba? Ang aga mo atang umuwi?" nag-aalalang tanong ng ina. Kakagaling lang nito sa kusina dahil naghahanda ng tanghalian nila.
"W-Wala po," matamlay na sagot niya sa ina.
"Si Paul ba?" tumabi si Gina sa anak at hinawakan ito sa kamay na nasa lap niya.
"Nanay! May bisita po tayo," kakapasok lang ni Che-Che. Pareho silang natigilan nang nakita ang lalaking nasa likuran ni Che-Che.
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" matigas na tanong ni Gina. Ilang taon na ang nakalipas pero walang pagbabago sa hitsura nito. Nakatitig lang ito palapit sa kanila. Blangko ang mukha.
"Bakit itinago mo sa akin ang katotohanan? Bakit ipinalabas mong patay na kayo ng mga anak ko?" umiwas si Gina ng tingin. Malungkot na nakatitig lang din si Suzy sa ama.
"Nanay, sino po siya?" inosenteng tanong ni Che-Che.
"Suzy, anak, pakidala muna ang kapatid sa kwarto mo." Pakiusap ni Gina.
"Alam mo bang halos ikamatay ko ang n-nangyari? A-Alam mo ba kung g-gaano kasakit na m-malamang wala na kayo sa buhay ko? A-Alam mo ba ang pakiramdam na m-masaktan?" hindi na siya nakapagpigil dahil tumulo na ang kaniyang mga luha. Galit siya kay Gina. Hindi niya inaasahang lolokohin siya ng babaeng labis niyang minahal.
"Halika na, Bunso." Inakay ni Suzy ang kapatid sa kwarto para makapag-usap ng masinsinan ang mga magulang.
"Masaya ka na Xian at may sarili nang pamilya kaya hayaan mo na kami," ayaw niyang ipakitang nangangatog siya dahil sa presensiya nito. Walang pagbabago ang epekto ng lalaki sa kaniya. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
"Kukunin ko na ang mga anak ko!" Diretsahang tanong ni Xian.
"No. Please Xian, huwag mo na kaming gambalain pa."
"Matapos mong hayaang maging pornstar ang anak ko, sa tingin mo ba, hahayaan kong manatili pa siya sa 'yo? Sino ang isusunod mo? Ang bunso natin?" tumaas na ang boses ni Xian. Ilang taon siyang nagdurusa dahil sa pagkamatay ng mga ito noon pero heto silang tatlo, buhay na buhay.
"W-Wala kang alam! B-Bumalik ka na sa pamilya mo dahil hindi ka nila kailangan!"
Malungkot nakatitig si Xian dito. Lahit luma ang damit, walang make-up at hindi na gano'n kakinis ang balat dulot ng kahirapan, walang nagbago sa nararamdaman niya para rito. Ito pa rin ang babaeng minahal at ipinaglaban niya noon sa mga magulang.
"May kinalaman ba rito sina Daddy?"
"Nakaraan na iyon. Pakiusap, gusto ko na ng tahimik na buhay."
"Ako rin. Gusto ko rin ng tahimik na buhay... Kasama kayo," matanda na siya para magpaligoy-ligoy pa.
"May pamilya ka na."
"Matagal na kaming divorced. Isang taon matapos ang kasal ay nakipaghiwalay na ako sa kaniya," pagtatapat niya. Kahit kailan ay hindi niya minahal ang naging asawa. Nagpakasal lang siya dahil sa inakalang patay na nga ang mag-ina niya at para na rin sa kahilingan ng mga magulang pero matapos ang isang taon ay ang babae na mismo ang kusang nakipaghiwalay sa kaniya dahil hindi niya kayang ibigay ang pagmamahal at pisikal na pangangailangan niya rito. Inom dito, sugal doon ang kaniyang ginawa. Matapos ang divorce ay ibinuhos niya ang lahat ng atensiyon sa business world hanggang sa nangunguna siya sa buong Japan kung business ang pag-uusapan.
"Sumama na kayo sa akin. Kaya kong ibigay ang lahat ng pangangailan ninyo. Ang mga anak natin, gusto kong punan ang pagkukulang ko sa kanila bilang ama." Noong gabi matapos ang party ay inusisa niya si Paul tungkol kay Suzy. Magaan ang loob niya sa dalaga habang kinakausap ito noon. Isa pa, kamukhang-kamukha ng anak ang kaniyang yumaong ina. Mas lalong na kumpirma ang hinala niya nang ibigay ng private investigator ang larawan ng mag-ina. Hindi siya p'wedeng magkamali.
"A-Ayoko. H-Hindi ko kayang makasama ang mga magulang mo. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga taong nasa paligid mo. Isa lang akong m-mahirap na tao," parang kandila na pa unti-unti siyang nauupos habang paupo sa sofa. Naalala naman niya ang nakaraan at ang mga panghuhusga ng tao dahil mahirap lang siya lalo na ang pag-offer ng pamilya nito ng malaking halaga para lumayo lang sila.
"Wala na ang mga magulang ko. Patay na sila dahil sa plane crush apat na taon na ang nakaraan," malungkot na sagot ni Xian.
"Mahal mo pa ba ako, Lucy?"
Lumapit siya rito at iniangat ang mukha para pahidan ang mga luha.
"Ikaw kasi, kahit kailan, hindi ka nawaglit sa aking puso't isipan." honest na wika niya.
"Xian..." sambit niya. Hindi na siya nakatutol pa ng sakupin nito ang mga labi niya.