11

756 27 0
                                    


I AM A PORNSTAR

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

"Suzy?" Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay nakaupo si Nanay sa sofa. Akala ko kasi ay natulog na sila ni Che-Che.
"N-Nay, gising pa po pala kayo," nahihiya kong sabi sabay kagat sa ibabang labi. Medyo natagalan kasi kami ni Paul sa loob ng sasakyan nito.
"Hindi naman ako manhid anak, alam ko na bago pa pumunta rito ang batang iyon ay may nangyari na sa inyo," diretsahang wika niya sabay hawak sa dalawa kong kamay.
"Masyadong mahirap ang ma-inlove, Suzy. Masalimuot kung baguhan ka pa lang pero bilang ina ay hindi kita pagbawalan. Gusto ko ring maging masaya ka. May karapatan ka ring magmahal, hindi yong puro na lang kami ni Che-Che ang inaalala mo"" nakangiting sabi niya pero may bahid ng pangamba at takot ang mga mata.
"A-Ang totoo po, 'Nay, kahit ako ay natatakot din." Lalo na si Paul ang kasintahan ko. Ang daming katanungang sumasagi sa aking isipan pero may time pa ba akong problemahin yon? Ang mahalaga ay mahal ako ni Paul at mahal ko rin siya.
"Ganoon talaga, Suzy pero oras na hindi mo na kaya, alam mo nandito lang ang balikat ni Nanay ha."Hinawi niya ang nakalugay na buhok ko at iniipit sa kanang tainga ko. Ganyan naman lagi ang sinasabi niya e. Na kapag hindi ko na kaya ay nandiyan lang siya.
"Salamat po, 'nay," naluluhang wika ko at niyakap siya ng sobrang higpit.
"O sya, matulog ka na. May pasok ka pa bukas." Humalik ako sa pisngi niya at pumasok na sa kwarto ko. Dalawa lang ang kwarto namin. Ang sa kabila ay sina Nanay at Che-che. Hindi pa kasi sanay si Bunso na matulog mag-isa pero okay lang kasi wala namang extra na kwarto para sa kanya.
Kinaumagahan ay maaga pa akong pumasok dahil may gagawin pa ako sa library. Wala naman kasi kaming internet dahil isang buwan ko nang hindi napa-load-an ang wifi.
"Hala, 'wag mong sabihin na totoo ang balitang may relasyon sila ni Paul?" Napadaan ako sa kumpulan ng mga estudyante at nakatingin sa akin habang naglalakad ako papunta sa library.
"Siguro, ipinagtanggol naman siya ni Paul e," sagot ng isa nilang kasama.
"Sus, I'm sure e hanggang one night stand lang naman 'yan sila. Impossibleng mamahalin at seryosohin yan ni Paul," nandidiring dagdag ng isa.
"Ang dumi ng utak n'yo! Guys naman, hindi na kasi makatao ang ginawa nila kay Suzy kahapon. Kahit ako sa kalagayan ni Paul ay gagawin ko rin 'yon. Huwag nang bigyan ng ibang kahulugan ang ginawa nung tao. Masyado lang kasi kayong mapanghusga," saway ng isang babae na simple lang kung tingnan pero halatang mayaman.
Binilisan ko na ang paglalakad papunta sa library. Sapat na sa akin na may isa akong tagapagtanggol.
Nag-research ako tungkol sa assignment namin nang may na-received ako na text message galing kay paul.
"Morning hon, remind lng kta n my boyfriend kna. Pminsan-mnsan pkitext din ako, ha." Napangiti ako sa nabasa.
"Morning 2 Paul," reply ko naman tapos nagbasa na ulit. After ng ilang minuto ay nag-reply ito.
"Un lng?tnx ang sw8 mo dn ano?.luv u 2:-(".
Fusto ko sanang tumawa ng malakas kaso baka mapagalitan lang ako ng librarian.
"Geh na my ggwin pa aq sa ofis.ingat ka hon tx mo q f my kailangn ka".
Firstime ko 'to kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kagabi pa nga ako hindi makatulog dahil pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.
"Ingat.luv u 2" reply ko.
Hindi na siya nag-textback pa kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko kanina.
Pagkatapos kong gawin ang nais ko sa library ay lumabas na ako para pumasok sa klase ko.
"Kapal ng mukha! Pumasok pa!" narinig ko na sabi ni Melvelyn.
"Hayaan nyo na lang soya. Ang sama nyo naman para husgahan siya," saway na naman ni Jonah.
"Nagsalita ang banal!" Melvelyn rolled her eyeballs.
"Lumalaki ang ulo. Palibhasa kinampihan ni Sir Paul," dugtong pa ng isa kong kaklase.
Naupo na ako sa tabi ng bintana at hinayaan na sila sa pagpaparinig sa akin. Wla naman akong mapapala kapag pinakiggan ko sila. Sasama lang ang loob ko sa mga pinagsasabi nila.
Pagkatapos ng klase ay nakatayo ako dito sa labas ng gate para mag-abang ng masasakyan nang may tumigil na itim na SUV sa aking harapan.
Kinuha ko ang cellphone ko dahil may tumatawag. Si Paul lang pala kaya napangiti ako bago sagutin
[Tama na ang pag ngiti hon, pasok na sa sasakyan dali.]
Pagkapindot ko palang ng answer button ay iyan agad ang ibinungad niya.
[Loko. Ikaw pala 'yan? Marami ang tao, Paul.] nag-aalala kong sagot. May mga nakatingin na sa akin. Kahit ang mga napadaan ay tinitingnan pa ang mukha ko para makasigurado kung tama nga ang hinala nila.
[Sa backseat ka sumakay. Sige na, bye].
Tinapos na nito ang tawag kaya mabilis na binuksan ko ang backseat para makasakay.
"P-Paul? Bakit mo ako sinundo? Sana roon na lang sa kanto para walang masyadong makakakita sa atin," aniko pagkapasok ko at inilapag ang handbag dito sa tabi ko.
"Dont worry hon, wala namang nakakaalam. Hindi naman ito ang ginagamit ko palagi. may pupuntahan lang tayo," sabi niya habang nakatingin pa rin sa unahan namin.
"Saan?" curious na tanong ko.
"Basta! Trust me," nakangiting saad niya kaya napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kundi ang magtiwala sakanya.
Pagkatapos ng mahigit isang oras na biyahe ay tumigil kami sa isang napakamalaking mansion na agad namang binuksan ng katulong.
"P-Paul?" kinakabahang sambit ko.
"Relax hon, kakauwi lang kasi nina Mommy kanina kaya naisipan kong ipakilala ka," nakangiti niyang sagot.
"H-Hindi ako ready. Isa pa, kinakabahan ako." Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi pa ako handa na ipakilala niya sa mga magulang. Paano kung husgahan din nila ang pagkatao ko? Paano kung hindi rin nila ako matanggap? Ang daming katanungang biglang sumagi sa isipan ko.
"Akong bahala. Mabait ang mga magulang ko. I'm sure maiintindihan nila tayo. we're here," sabi niya nang mai-park na ang sasakyan at bumaba na ito saka binuksan ang backseat.
"S-Salam--uhmmm..." Nagulat ako nang pagbaba ko ay bigla na lang niya akong hinalikan sa mga labi.
"I miss you. Tara na, baka ano pa ang gagawin ko sa'yo rito," natatawa niyang wika sabay hawak sa kamay ko papasok sa mansion.
Malawak ang mansion. Halatang mamahalin ang mga gamit at halos lahat ay antigo. May malaking silver chandelier din dito sa sala. Kahit hindi pa ako nakaakyat ay alam kong marami ring kwarto sa taas. Siguro para sa mga bisita. Sa labas ay malawak din ang swimming pool at garden.
"Oh, Paul hijo. Na-miss ka ni Mommy!" masayang sabi ng isang babaeng maganda at sexy sabay yakap kay Paul. Sa tingin ko ay ang mommy niya ito.
"Mom, na-miss din po kita," masayang bati din ni Paul at binitiwan ako para mayakap ang ina.
"Hijo? Sino sya ?" nagtatakang tanong ng babae nang kumalas na ito mula sa pagkakayakap kay Paul at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin kaya napayuko ako.
"Mommy, si Suzy pala, ang girlfriend ko. Hon, mommy ko." Pagpakilala niya sabay akbay pa sa akin at pinisil ang balikat ko na nagpapahiwatig na mag-relax lang ako.
"Good evening po," magalang na bati ko sabay halik sa pisngi niya pero nakatulala lang ito.
"Oh my! May girlfriend na ang anak ko? Magkakaapo na ako?magpapakasal ka na Paul? Iiwan mo na kami ng daddy mo?" maiyak-iyak na tanong nito na ikinatawa naman ni Paul.
"Mom? Hindi pa po. Girlfriend ko pa lang po siya at darating tayo sa kasalan na 'yan," todo ngiti nsa sagot ni Paul.
Matapos ang kalahating oras ay nagyaya na silang kumain.
Tahimik lang ako habang masayang nag-uusap sila rito sa harap ng mesa. Ang gwapo din ng daddy nito na kahit may edad na ay halatang makisig at habulin pa rin ito ng mga babae.
"Hija? Saan ka pala nag-aaral?" tanong ni Tita Nicole habang kumakain.
"Sa school po natin, mommy." s
si Paul na ang sumagot. Bale ang posisyon namin ay magkatabi kami ni Paul at silang mag-asawa naman ay magkatabi rin na nasa harapan namin.
"Ah, mabuti naman. Ano pala ang work ng parents mo?" curious na tanong ni Tita. Bigla na namang nagsitakbuhan ang mga daga sa dibdib ko. Obvious na wala silang kaalam-alam sa pagiging pornstar ko.
"W-Wala na pong trabaho ang nanay ko at wala na rin po akong tatay," nahihiyang sagot ko.
"Ganon ba? Sorry to hear that. K'm sure may naiwang business ang daddy mo," malungkot na wika nito.
"Broken family po si Suzy, mom,at working student po siya. I'll explain it to you later," sagot ni Paul na pinisil ang kamay ko sa ilalim ng mesa kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag.
"Ah, ganon ba? Sige, pagpatuloy na natin ang pagkain." Mabuti na lang dahil may pagkajologs ang ina ni Paul kaya medyo hindi ako nahihirapang makitungo sa mag-asawa. Ang daddy naman nito ay tahimik lang na halatang sinusuportahan ang asawa.
Nag-text na rin ako kay Nanay na nale-late ako sa pag-uwi dahil andito ako sa bahay nina Laul.
"Dito ka na matulog, hija. Medyo malalim na ang gabi." wika ng ama ni Paul.
"Oo nga, Suzy. Delikado pa ang mag-drive dahil medyo madulas ang kalsada," pagsang-ayon ni Tita Nicole.
"Oo nga hon, dito ka na matulog. Wala naman kayong pasok bukas. Tatawagan ko na lang mamaya si Nanay para ipagpaalam ka," pilyong dagdag ni Paul sabay kindat sa akin.

I am A P🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon