18

1.4K 37 2
                                    

I AM A PORNSTAR

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE

Unedited...
"Nay? Sigurado ka na ba rito?" nag-aalalang tanong ni Suzy habang nagliligpit sila ng mga gamit. Ang sabi ni Xian ay kukunin na raw sila nito ngayon para lumipat sa bago nitong mansion na ipinatayo sa Marikina.
"Y-Yes..." Nahihiyang sagot ni Lucy. Ang totoo ay masaya siya dahil muli silang nagkita ng kaisa-isang lalaking minahal niya. "Ayaw mo ba? Galit ka pa rin ba sa ama mo?" alam niyang hindi madaling tanggapin ng mga anak ang nangyari lalo na't sobrang naghirap sila dahil sa pagkawalay sa ama.
"Kung iyan po ang ikaliligaya ninyo, sino ba naman ako para hadlangan kayo? Mga magulang ko kayo at lahat naman yatang anak ay walang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ng kanilang mga magulang," masayang sabi ni Suzy. Lumapit siya sa ina at mahigpit na niyakap ito. "I'm so happy para sa inyong dalawa, 'Nay. Sana this time, magiging masaya na tayo," gumanti sa yakap niya ang ina.
"Sali rin po ako," patakbong lumapit sa Che-Che sa kanila. "Makakasama na po natin si Tatay. Bumalik po siya," tuwang-tuwa na wika ng bata.
"Oo, anak, makakasama na natin siya. Mabubuo na ang pamilya natin," nangingilid ang mga luha na tugon ni Lucy. Wala nang hahadlang pa para mabuo na ang kanilang pamilya. Patay na ang mga magulang ni Xian.
"Sorry girls, mukhang may kasiyahan yata ngayon?" napalingon silang mag-ina sa lalaking nagsalita.
"Tatay!" Masayang tumakbo si Che-Che sa ama na agad namang kinarga ni Xian.
"Ang bigat na ng bunso ko," kinurot ni Xian ang anak sa pisngi na namula.
"Paano ka nakapasok?" tanong niya sa lalaki habang sinasarado ang maletang puno ng damit.
"Bukas ang gate ninyo at hindi rin ninyo narinig ang tawag ko kaya pumasok na ako. Ready?" nakangiting tanong nito. Sa mga nakalipas na panahon ay walang pagbabago. Ang ganda pa rin ni Lucy.
"Y-Yes..." Naiilang na sagot niya. Ang mga titig nito. Ito ang mga mata na nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso noon at hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago.
"Mauna na kami ni Che-Che sa labas, 'Nay. Halila na, bunso." Nakangiting yaya niya sa kapatid. Alam kasi niyang nagkailangan pa ang mga magulang pero nakaukit sa mga mata ang labis na pagmamahal at pangungulila sa isa't isa.
"Ate? Lilipat na po ba tayo sa mansion? Malaki ba ang mansion?" inosenteng tanong ni Che-Che.
"Oo, malaki ang mansion. Dito ka lang. Tulungan ko lang sina Nanay para ilipat ang mga gamit dito," pinapasok niya ang kapatid sa itim na BMW ng ama. Lumabas ang ina niya na may bitbit na mga gamit. Ang mga kapitbahay nila ay nagtataka sa ginagawa nila.
"Iwan na ninyo ang ibang gamit. Ang mga importanteng bagay na lang ang dalhin ninyo. Ako na ang bahala sa lahat. Magsa-shopping tayo," masayang sabi ni Xian. Excited na siyang bumili ng mga gamit kasama ang buong pamilya niya. Ilang taon na iginugol niya ang buhay sa trabaho para magpakayaman pero wala ring silbi noon dahil wala namang mapupuntahan pero ngayon, lahat ng yaman na meron siya ay may silbi na. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamayamang businessman sa buong mundo dahil sa yaman na kahit kailan ay hindi mananakaw nino man, ang kaniyang pamilya.
"Magandang araw po sa inyo. Ang mga gamit po ng mag-ina ko, sa inyo na po ang puwedeng mapakinabangan." Magalang na sabi niya sa mga kapitbahay na nag-uusisa.
"Hala, mag-ina?" tanong ng isang napakatsismosa ng subdivision.
"Opo. Ako po ang asawa ni Lucy at ama ng mga anak niya. Salamat po sa pagiging mabait na kapitbahay sa mag-ina ko," napaubo ang iilan dahil kahit isa ay wala namang naging mabait sa kanila.
"Okay na? Sakay na kayo," pinagbuksan niya si Lucy ng pinto sa frontseat. "Dito ka na, sweetheart." Namula naman si Lucy sa endearment nito. Hindi na siya nakipagtalo pa at sumakay na para makaalis na sila dahil kanina pa siya natutunaw sa mga titig ng kapitbahay.
Pagdating sa mansion ay marami ang tao at reporters na nakaabang pagbaba nila sa garahe. "Ano'ng meron?" usisa ni Lucy. Clueless siya sa mga nangyayari. Nagkislapan ang mga camera sa labas ng sasakyan. Tila kanina pa ang mga ito na nag-aabang sa pagdating nila. "Nakakahiya!"Bulong niya kay Xian.
"Wala kayong dapat na ikahiya. Ito ang araw na i-anunsiyo ko sa lahat na buhay kayong mag-ina ko," tinanggal ni Xian ang seatbelt niya. Sina Suzy ay naiilang na bumaba. Bumaba si Xian at umikot para pagbuksan ang asawa.
Naiilang man ay bumaba si Lucy. Gano'n na rin ang ginawa nina Suzy at Che-Che.
Naglakad sila patungo sa hardin ng mansion. "Wow! Ang ganda ate, ang laki ng mansion tapos may swimming pool pa," nanlaki ang mga mata ni Che-Che. "Ate, puwede ba tayong maligo?" matagal na niyang pinapangarap na maligo sa public swimming pool.
"Oo naman. Magswimming kayo ng ate mo hanggang sa magsawa kayo," sabat ni Xian.
May mga mesa at upuan sa hardin. Marami ang letson at pagkain sa ibabaw ng mesa. Naroon din ang iilang artista na kasabayan ni Lucy noon. Ipinaalam ni Xian sa media na buhay ang kaniyang mag-ina pero hindi niya sinabi ang rason kung ano ba talaga ang nangyari noon bilang respeto na rin sa namayapa niyang mga magulang.
"Gusto ko ring sabihin sa lahat na kung ano man ang ipinakalat na video ni Paul tungkol sa anak ko, totoo iyon. Hindi gano'n kadumi ang anak ko gaya ng iniisip ng lahat. May r-rason kung b-bakit niya ginawa iyon." Hindi na niya napigilan ang mga luha pero kahit na umiyak man siya sa harapan ng lahat, wala siyang pakialam, basta masaya siya.
"S-Siya ang tumayo bilang ama ng aming pamilya noong wala ako. S-Siya ang batang kahit na m-mahirap, tiniis ang lahat para sa p-pamilya." Tumingin siya sa anak na katabi ng asawa. Parehong umiiyak ang kaniyang mag-ina habang nakatingin sa kaniya.
"S-Suzy, anak, g-gusto ko lang malaman mo na proud na proud si Tatay sa 'yo. Maraming salamat sa lahat. Lucy, sweetheart, mahal na mahal kita at patawad... P-Patawad kung naging duwag ako noon..." Lumapit siya sa mag-ina at muling niyakap ang mga ito. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Kumain na silang lahat. Masayang nag-uusap ang magpamilya nang dumating si Paul kasama ang buong pamilya nito kaya muling nag-ingay ang mga tao. Ang ilang reporters at journalists ay alerto sa pagkuha ng maisususat.
"Hi, honey." Bati ni Paul at humalik sa pisngi ng kasintahan. Binati rin ni Lucy sina Nicole.
"Mabuti naman at nakapunta ka," ani Suzy. Ang guwapo ng kasintahan dahil bagong gupit ito. Bagay din ang suot na ragged jeans katerno ng gray tshirt.
"Oo naman. Puwede ba iyon?" pinagmasdan ni Paul si Suzy. Sigurado na siya sa pagmamahal niya sa dalaga. Ito lang ang tanging babae na nakapagpabilis ng pagtibok ng puso niya.
"Hija," lumapit si Nicole sa kanila. "Alam kong hindi naging mabuti ang trato ko sa 'yo noon sa bahay. Nabigla lang ako sa trabaho mo. Kahit sino naman sigurong ina na malaman na pornstar ang kasintahan ng anak, aalma sa umpisa, 'di ba? Pero maniwala ka, hindi ang pagiging mahirap mo ang naayawan ko noon. Nabigla lang talaga ako," paumanhin ni Nicole. Hindi naman sa ayaw niya kay Suzy pero ang isipin na marami ang lalaking nakaangkin nito ay mahirap tanggapin sa umpisa bilang ina.
"W-Wala po iyon, Tita." Nahihiyang sagot ni Suzy. Umalis si Paul sa tabi nila at kinuha ang microphone.
"Hello... Magandang araw sa inyong lahat. Pasensiya na sa abala," wika niya. Ang mga tao ay sa kaniya na ang mga mata. "Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ito ang pinaka espesyal na araw para sa amin ni Suzy dahil ngayon ang aming seventh monthsary," nagulat si Suzy sa sinabi ng kasintahan. Hindi niya naalala.
"Gusto ko ring humingi ng pasensiya dahil sa ingay ko sa showbiz nitong nakaraang buwan." Ngumiti siya sa mga ito. "Mula nang makilala ko si Suzy, nagbago na ang lahat. Kilala ninyo siya bilang Maria Ozawa. Kahit ako ay gano'n din pero gayunpaman, minahal ko na siya..." Bumuntong hininga siya at ngumiti sa kasintahang napagitnaan nina Lucy at Nicole. "M-Mahal ko na siya kahit na ang baba at dumi ng tingin ng mga tao sa kaniya..." Madamdamin niyang pahayag. Pasimpleng kinuha ni Suzy ang panyo ang pinahidan ang naglalandas na mga luha sa kaniyang mga mata.
"M-Mahal ko na dati pa ang babaeng pinandirihan ng lahat at kung sakaling totoo man na gano'n nga siya, hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa kaniya. Habangbuhay na mamahalin at ipagtatanggol ko siya," naglakad siya palapit sa harap ng dalaga. "At sa araw na ito, gusto kong maging saksi kayong lahat kung gaano ko siya kamahal, gaano ako ka seryoso sa kaniya at kung paano ko siya ipaglaban," ngumitinsiya kay Suzy at may dinukot sa kaniyang bulsa. Isang maliit na kaheta. Parang namamalikmata ang mga tao sa palibot sa nangyayari. Kahit ang nga magulang nila ay nagulat din sa ginawa ng binata.
Lumuhod si Paul sa harapan ni Suzy at binuksan ang pulang box.
"H-Honey, mahal na mahal kita magpahanggang wakas," kinakabahang wika ni Paul. Pinagpapawisan na siya ng malapot.
"W-Will y-you..." Nakipagtitigan siya sa kasintahan na ngayon ay tutop na ng kamay ang bibig habang umiiyak.
"M-Marry me?" puno ng pag-asa at pagmamahal ang nakikita ni Suzy sa mga mata ng kasintahan. Tahimik sa paligid. Pigil hininga sa isasagot niya.
"P-Paul, m-mahal na mahal din kita. A-And yes, I will marry you." Nauutal na sagot ni Suzy. Mas umiyak pa siya lalo nang yakapin ng kasintahan. Nagkikislapan naman ulit ang camera.
"I love you, soon to be Mrs. Marcelo."
"I love you too, Mr. Marcelo!" Wala nang natirang hiya sa katawan niya nang sakupin nito ang mga labi niya na agad naman niyang tinugon. Mahal niya si Paul at masaya na rin siya para sa kaniyang mga magulang. Pinahidan niya ang mga luha habang nakayakap sa asawa at tumingin sa umiiyak at masayang mga magulang. Alam niyang bukas, makakapaglakad na silang mag-ina na hindi nakayuko at makipagtitigan sa mga makakasalubong.  Tama nga sila, kapag wala kang inaapakang tao, madali lang ang umangat!
------------------------ END-------------------
Hindi lahat ng babae na nakahubad sa harap ng camera ay ginusto nilang gawin iyon. Minsan, nagagawa lang nila iyon dahil sa kahirapan. Subukan muna nating alamin ang rason, tunay na pagkatao at buhay nila. Salamat!
P.S.
Maliban na lang talaga kay Nicole Montenegro! May sayad na ang batang iyon...😀💖💜💗💚❤
My SPG stories:
. Psychologically Sex Addict
. The Masochist Revenge
" Laro ng Apoy" ang story ng kambal (Erika and Lyn) na pamangkin ni Paul.
*Villafuerte Series* Completed...
.My Jealous Little Boss
.My Jealous little bossings
.Ang Asawa Kong Nerd na, Tboom pa
.My Hard to Get Hubby
.Destiny's Game
.University Princes
.Beki si Black
.My Trip Buddy
.My Superstar Daddy
.Laro ng Apoy
*Lacson seeies* completed.
.Sorority Queen.
.The Assasin and Her Hot Professor
.Fraternity King
.SheMan
*Side Stories* completed
.Accidentally Married to Mr.Famous
.My Childish Wife
.I Am a Pornstar
.Seducing Her Hearthrob Husband
.Ang Barumbadong Virgin
.The Adventure of Sleeping Beauty
.Oh Mandy
Kung may mabasa man kayong informal ang pagkakasulat, pagpasensyahan na po muna. Medyo nangangapa pa ako sa formal writing lalo na noon. Thanks.

I am A P🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon