HOW IT STARTED

116 7 1
                                    

"HAPPY ANNIVERSARY XXX COMPANY!!"

Ganitong scenario ang pinakaayaw ko. Maingay at maraming tao.

Kaya hindi ko matagalan ang mga ganitong formal na pagtitipon lalo na itong Anniversary Ball ng companya na pinagtratrabahuan ko. For the past 3 years na pagdalo ko sa aming annual aniversary ball, usually 30 mins palang, umuuwi na ako at alam yun ng nga katrabaho ko. I'm the famous Clara Dela Vega aka "marya". Ang babaeng umuuwi ng maaga.

Hindi lang talaga nila maintindihan na gathering just like this drains me parang nahuhugot ng mga taong nakapaligid saakin ang energy na meron ako. Hindi ko mahanap yung sayang at fun na sinasabi nila sa mga ganitong pagtitipon.

I've been watchin' you for some time
Can't stop starin' at those ocean eyes

Kaya nagtaka sila kung bakit nandito pa ako, Hindi umalis at mukhang nasisiyahan pa.
Well, dahil lang naman sa kanya.

Burning cities and napalm skies
Fifteen flares inside those ocean eyes

That gorgeous guy with those ocean eyes este who wears blue contact lenses but honestly, mas gusto ko yung hazanut mong mata.

Your ocean eyes

Saan nga ule kita unang nakita? Oh yes! Noong college days.

No fair
You really know how to make me cry
When you gimme those ocean eyes

"Beh! Papunta ka rin sa kabilang side? Tara sabay kana kasya naman tayo dito sa payong ko since same course rin naman tayo" Enrollment for incoming 2nd year. That was the first time i saw you. Same department shirt as mine.

I was so mesmerize by you na parang nagblurred yung paligid tapos ulan yung nagsilbing background sayo habang may hawak kang payong o baka sadyang nagwapuhan talaga ako ng sobra sayo na sayo lang nagfocus ang mga mata ko at hindi na pinansin ang nasa paligid ko o kahit yang hairclip at make up mo. 

I'm scared
I've never fallen from quite this high
Fallin' into your ocean eyes
Those ocean eyes

Habang tumatagal ang pagtitig ko sayo sa hindi ko malaman na dahilan o baka naman may problema na talaga ako sa mata, biglang may mga tumikinang sa paligid mo kasabay nun ang pagtibok ng mabilis ng puso ko. Nabibighani ako sa mga mata mo. Napakaganda. "beh! Sasabay ka ba?" Dun ako natauhan at napatungo na lamang. Tumingin nalang ako ng diretso sa daan habang sabay tayong pumunta sa tawiran.

Pagkailang.

Yan ang nararamdaman ko habang tumatawid tayo kaya okay lang kahit na mabasa ang kaliwang balikat ko. Sinadya kong may distansya tayo habang pinapayungan mo ako. Tila napansin mo ata kaya pinausog mo ako uli sa tabi mo.

Umusog naman ako eh... ng konti dahil  pagkailang pa rin ako at sa puso kong bumibilis lalo tuwing lumalapit ako sayo.

I've been walkin' through a world gone blind
Can't stop thinkin' of your diamond mind

Ngunit hindi mo ata napansin ang pagkailang ko sayo o nadinig ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Gurl! Kumapit ka saakin nababasa kana oh." Medyo nairitado mong sabi kaya usog ako sayo at humawak lang sa braso mo.

Hindi ka ata satisfied kaya kinuha mo ang kamay ko, hinila papalapit sayo at kinapit mo sa braso mo. "Sabi ko kumapit, hindi humawak" Hindi ko alam kung paano naging mahaba yung pagtawid natin pero masasabi kong nasulit ko ito. Pinapayungan mo ako habang nakakapit ako sa braso mo plus amoy na amoy ko ang pabango mo na sapat na para makabisado ko. Dun ko narealize na, ikaw. Ikaw yung naging first crush ko. 

What i felt that day was perfect.

Careful creature made friends with time
He left her lonely with a diamond mind
And those ocean eyes

I was enchanted when you kaya tinanong kita  sa iba kong mga blockmates, Napag-alaman ko na same course pala tayo dati. Noong pinayungan mo ako that was the time na magchachange course kana into business ad. Kaya hanggang tingin naman ako sa malayo, inoonserbahan ka at inaabangan ang pagdaan mo dahil gustong gusto kong maamoy ang pabango mo. Nakumpirma ko din palang bakla ka, akala ko baka malambot ka talaga kumilos at ipit magsalita kaso naging ex mo pala yung kablockmate ko noon. Kainis!!

Nalaman ko rin pala yung pangalan mo, Adj Ramirez. How cute dibaaaa? Ngunit hindi ko mahanap sa mga networking site kaya medyo dissapointed ako baka kasi maging way yun para makikilala pa kita kasi panigurado pagkatapos ng graduation ko, alam kong hindi na kita muling makikita.

At yun na nga ang nangyari, hindi na kita nakita pa dahil sa ibang bayan na ako napunta habang ikaw magtatapos palang dahil sa pagshift mo ng ibang kurso. Kaya ibinaon ko nalang ang magandang ala-ala kong yun sa pinakailamin ng puso ko. Ayaw ko din naman kasi mawala ang memorya ko patungkol sa naging first crush ko.

Lumipas ang ilang taon, akala ko nakalimutan na kita. Hindi pa pala dahil yung amoy ng pabango mo noong tumatawid tayo at yung amoy ng pabango mo sa tuwing papadaan ka sa pwesto ko noong college, naamoy ko muli dito sa loob ng venue.

No fair
You really know how to make me cry
When you gimme those ocean eyes

I remember those days when i became your stalker, nakakahiya kung isipin but those days made my college life exciting.

Sayang nga lang kasi wala akong lakas na loob that time para iexpress ang nararamdaman ko para sayo.

Well, i think that's how universe works.  There are some stories better left untold.

I'm scared
I've never fallen from quite this high
Fallin' into your ocean eyes
Those ocean eyes.

Nang nabusog na ang puso at mga mata ko, napagpasyahan ko nang umalis.

Back to my reality.

------

Happy New Year!!

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon