IT REALLY HURTS

62 5 2
                                        

First love never dies.

Hindi dapat pero bigla akong kinabahan ng nakita ko siya. Imbes na saya, takot ang nararamdaman ko. Ngayong nasa harap ko na siya.

Sa lahat ng taong nandito, sa aakin lang siya nakatingin kaya mas lalo kumabog ang dibdib ko. Confirmed nakilala ako nito.

"Guys! This is Macoy Fernandez, our newly hired employee." Lahat binati siya yung iba kinikilig pa. Ako? I just stay in my place, hindi makagalaw habang pinagmamasdan siya at ang mga babaeng nakapaligid sa kanya. Well, Who woudn't? Curly hair, thick brows, Matangkad at Gwapo pa. I remember, sumikat siya dati dahil kahawig niya daw si Harry styles. Hindi naman ako naniniwala kasi hindi ko makita kung saang parte, kahawig niya ng buhok oo pero sa mukha, hindi. Ngunit sa nakikita ko ngayon, Lahat ng yun nabago dahil ngayon kitang kita ko na si harry styles sa kanya,mas nagmatured siya at nagpashort hair kagaya pa din ni Harry styles.

"Miss Dela Vega" Tawag saakin ni Mr. Agustin na masungit. "Since siya ang papalit sa posisyon mo, he is also under kay Mr. Ramirez, hindi saakin. Kaya Ikaw na bahala sa kanya since ikaw ang kanyang secretary. He will be also your assistant dahil kailangan ka pa din namin dito sa department at the same time secretary ni Mr. Ramirez" Mr. Agustin, never fails na alipinin ako. Favorite niya talaga ako. Kaya kahit nalipat na ako eh, gusto niya may role pa din ako sa buhay niya. He really hates me so much na hindi niya matanggap na personally akong nirequest ni Adj, one of our major investor bilang secretary niya. He congratulated me at the same time mas binigyan niya ako ng workloads since panigurado daw tataas sweldo ko.

Dun ko rin nalaman na ganun pala kayaman si Adj, sikat rin pala dito sa company kaya pala kasama siya noong anniversary as the major share holder. This year lang siya nagdecide na magtake charge sa clothing line namin. Kaya lalo akong naging desidido na hindi maexposed ang relationship namin dito sa office kaso parang nagdadalawang isip na ako. Bigla kasing dumating itong si macoy.

Sumagi na naman sa isip ko adj. Ano kayang magiging reaction niya? Bigla na naman akong binalot ng takot.

"Clara. You're here din pala?" Of all the people bakit siya pa?! "Buti nalang. Ikaw yung makakasama ko. Hindi na tayo nagkita since nagtapos tayo ng college." awkwardly hug him back. I remembered something.

"Kailan mo narealize na bakla ka talaga?" Tanong ko kay adj. Out of curiosity.

"During my highschool, confused pa talaga ako sa kabaklaang nararamdaman at meron ako, I even tried to get a girlfriend just to sort things out tumagal naman kami pero dahil nga confused ako at naattract pa din ako sa ibang lalaki, unfair din kay ate girl kasi parang niloloko ko na siya at hindi niya rin alam na hindi mutual ang aming nararamdaman. Ghad! I remember, she even boast me sa family at friends niya, hindi ko na kinaya yun, nakipagbreak ako. Nasaktan ata siya ng sobra she spreads rumours na bakla daw ako and since yung tingin ng tao saakin at yun naman talaga ako, bakla kaya pinanindigan ko na, i came out and started to do pagents ganyan. But when i got in college dun ko na naconfirm sa sarili ko na bakla nga talaga ako, when i got my first boyfriend. First time ko mainlove sa kapwa ko lalaki. Hindi nalang simpleng attraction o infatuation, love na talaga siya. Siya na din ata yung pinakamatagal kong nakarelasyon. Akala ko nga siya na yung forever ko" He laughed awkwardly.

"So, he was your first love?" I ask kasi parang kinikilig pa itong nagkwekwento. Sino kaya yun? We go to same university pero noong lumipat na siya ng department ay nawalan na ako ng balita sa kanya. "Yes! Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin at ayaw ko nang balikan pa iyon."

"Speaking of that, Nasaan na kaya si Macoy ngayon" he asked out of nowhere. Bigla akong nasamid. Macoy?! That was my blockmate and friend. Siya ba yung sinasabi nilang ex niay! Siya din yung first love niya?!

Buong gabi hindi ako nakatulog dahil sa nalaman ko, then heto ngayon nasa harap ko si first love. Weniwelcome ko sa companya kung saan magiging Boss namin pareho si Adj.

"Welcome sa company, Macoy!" Pilit kong pinasaya yung boses ko. Kailangan ko maging professional. Kumalas na ako sa yakap ng mapansing lahat ng mata ng mga kababaehan ay nasaamin especially aira. Those eyes na parang naiinggit. I dont like it when she looked at me like that.

"Close pala kayo ni Mr. Fernandez, marya?" Singit ni Aira saamin. "Hi. I'm Aira Gomez, bestfriend ni Clara" Bestfriend?! Wait ano daw? Bestfriend? Kailan pa?! Gusto kong mag react kaso bigla namang nakipagshake hands itong si macoy kay aira.

"Hi. Bestfriend ni Clara. We're schoolmate noong college just call me macoy" I forgot, ganyan pala talaga si macoy. Friendly, Clingy, touchy and he's bi. Kaya siguro gustong-gusto niya akong kasama dati kasi walang malisya saakin kapag ganyan siya unlike other girls na konti pakita lang ng physical touch ni macoy eh feeling nila may something na silang dalawa . Macoy is just a sweet person, namimisunderstood lang nila siya. Natigil lang yun noong nagkajowa na siya. Nakalimutan niya na lahat, his friends, families, studies even himself.

"Guys! Back to work. Miss Dela Vega, ipakilala mo na siya kay Mr. Ramirez since i think tapos na ang meeting nila. Baka nasa office na siya" Agad naman kaming pupunta sa office pffice ni Adj dahil parang excited na makita ni macoy si adj. Siya pa ang naghila saakin papalabas ng department,

"I can't wait to see our boss clara" Tipid na ngiti lang ang isinagot ko. There something about that na nagpabahala saakin lalo. Parang may hindi magandang mangyayare ngayon.

Hindi pa din nawawala yung takot sa dibdib ko bagkus lalo itong bumigat. Na parang ayaw kong matuloy kami sa office ni adj na kung pwede lang wag na sila magkita.

Pagdating namin sa office ni Adj. Bigla nalang tumakbo si macoy papunta kay adj na ikinagulat niya.

He even kissed him sa lips. Naikinagulat naming dalawa kasi sumakto na napatingin saakin si adj.

"Wh-What are you doing here?!" Sigaw ni adj kay macoy at itinulak niya ito.

"Still taste like strawberry babe." Tumawa ito habang hawak ang labi. "Suprised! I came back katulad ng pangako ko" Nagsisinungaling ako kapag sinabi kong Hindi ko sinasadyang maibagsak ang pinto kasi Sinadya ko.

They need to be distracted. I need to be distracted sa mga nakikita ko. Adj needs to be distracted para alam niya kung saan ba dapat titingin. Macoy need to stop kung ano pa ang balak niya kay adj. Kailangan nilang dalawa makita at malaman na nandito ako.

"Oh nakalimutan ko, Sorry clara for witnessing that." Sabi ni macoy na hindi man lang nahiyang nakita ko ang kalandian niya. I remained silent waiting for adj to say something pero walang lumabas sa bunganga niya. Napatingin ako sa mga mata niya. Bakit hindi ka makapagsalita? Why you remained silent?

"Can you leave us alone, Miss Dela Vega?" Then reality hit me when adj say that. Yeah right, He is your first love nga pala. Jowa mo lang ako pero walang love ang namamagitan sa aatin so anong narapatan kong magdemand na mas unahin mo, right?

"I understand" Hindi ko na kinaya noong yung tingin mo saakin unti unting napunta kaya macoy.

I walked out dahil parang may papatak na luha sa mga mata ko.

Bakit ako umiiyak? Para naman akong tanga. Umalis ako ng companya saglit para magpahangin ngunit hindi nakikisama si universe saakin.

"IT REALLY HURTS NA MAGMAHAL NG GANITO KUNG SINO MANG PINILI KO HINDI KO MAKUHA NG BUO" kanta ng bata sa tabi ko habang gumigiling.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon