"Sorry to drag you here merlat." Bumalik kami sa hagdan kung saan ko siya nakita. "Kailangan ko lang ng kasama. Baka kasi anong magawa ko, impulsive actions ganun" Umupo siya sa hagdan at dahil na nga rin siguro sa pagod eh umupo na rin ako sa tabi niya. Nagulat ko ata siya sa pag-upo ko kaya umusog palayo sa kaniya. Baka hindi siya komportable.
"No! Okay lang merlat, balik ka dito sa tabi ko. Akala ko maweweirdohan ka saakin since hindi mo ako kilala." Sinong magweiweirdohan o matatakot sa mukhang yan? Kahit nga ata wala akong suot na salamin at malabo sa aking paningin gwapo ka pa din. "I'm Joaquin Ramirez, by the way" Inilahad niya ang kamay niya hindi ko ito tinanggap. Joaquin Ramirez?!
"Yan yung buong pangalan mo?" Nataasan ko siya ng boses sa sobrang bigla ko kaya humingi ako ng paumanhin. Joaquin? Not adj? All this time akala ko adj ang name niya. Saan nakuha yung adj?
"Wag ka namang mangulat merlat! Pwede mo na naman itanong ng maayos. Jusko!" Sabay hawak sa dibdib niya "Adrian Joaquin Ramirez, satisfied? Ikaw?" Inilahad niya muli yung kamay niya at tinanggap ko ito. sinabi rin ang pangalan ko "Clara Del Vega. Nice to meeting you!"
Adrian Joaquin. Kaya pala naging adj at kaya din pala hindi ko mahanap yung name niya.
"Nice meeting you too clara and sorry to drag you again, don't worry ihatid nalang kita sainyo may sasakyan naman ako" At nginitian ako. Tinitigan ko lang ang mukha niya, Hindi ko alam pero hindi ko na naman matanggal ang mga mata ko sa mga mata niya.
His eyes look so sad and like he's so hurt by something and at the same time confuse, sa unang pagkakataon hindi ko nagustuhan ang mga nasa mata niya. unlike noong unang kong nakita ang mga mata niya noong college pa
"Harmless din ako gurl, promises! wag kang magalala." Alam ko namang mabuting tao itong si adj i mean joaquin. Ngiti lang ang isinagot ko at nginitian niya ako muli.
Dapat kikilingin ako sa mga ngiting yun, dapat tumitibok ng mabilis yung puso kasi magkaeye to eye kami ngayon ngunit bakit parang nasasaktan ako?
"Why are you staring at me like that? kanina ka pa" Kabado niyang tanong "Nagagandahan ka ba sakin? Sorry to tell you gurl pero bakla ako. Wala kang mapapala sakin, katulad mo lalaki din hangad ko." i just continue to stare at him hanggang sa siya na yung umiwas ng tingin at yumuko.
"Hindi ka naman na umiiyak, wala naman nang tumutulong luha nguniti ka na nga kanina pero yung mga mata mo parang lumuluha pa din." after kong sabihin yun, humihikbi lang niya ang naririnig ko habang nakayuko.
Kaya kahit nakakahiya man ay mas pinili kong kapalan ang mukha ko at hagudin gamit ang isang kamay ko ang likod niya. Nakakagaan naman siguro ito ng pakiramdam ano? Nakakacomfort naman siguro yung ganito. Gusto ko sanang yakapin kaso wag nalang, baka sabihin niya eh tsinatsansing ko siya at masira pa yung moment namin.
Hindi ko man alam ang dahilan, alam kong napakasakit nito sa kanya. Gusto ko sanang magtanong kung namatayan ba siya, Nafrufruatrate na siya sa buhay o sa work, Kailangan niya ba ng pera, o nagbreak o kaya nagaway sila ng jowa niya.
Oo nga pala, Baka may Jowa na siya.
Nang maisip ko yun ay bigla akong napatingin sa mga singsing niya.
"It's my mom." bigla niyang sabi. "Marami naman akong pera, ipinapagamot ko nga siya sa mga magagandang hospital dito at sa amerika pero bakit hindi pa rin gumagaling yung nanay ko sa sakit niya? I don't want to give up but her body" Tsaka siya umiyak ng umiyak.
Pinagmamasdan ko siya habang umiiyak, Sa pagpunas niya ng tisuue, pag singhot, sa paggalaw ng balikat niya. Now, i understand kung saan nanggagaling yung sakit at kalungkutan ng mga mata niya. Masakit mawalan ng magulang.
I saw myself to him, 6 years ago.
Nawalan ako ng parehong magulang. Papunta silang visayas at sumakay ng roro but sadly, lumubog ito. Namatay sila habang magkahawak sila ng kamay sa loob ng barko. May sariling version ang mga magulang ko ng titanic. Sakto din kasing rose at jack ang pangalan ng mga magulang ko.
Yun nalang ang iniisip ko, para paganin ang sakit na nararamdaman ko noong panahong iyon.
Dun ko din pala nalaman na kaya pala sila pumunta ng visayas para bayaran na ang mga pinagutangan nila. Kaya nadagdagan ang bigat sakin kasi, yung bahay at lupa na ipinundar ng magulang ko na ipangbabayad sana duon ay ibinulsa ng mga kapatid ng tatay ko. Kaya pala sila, pinagbabantaan. Napasa saakin yung utang kaya naman heto ako ngayon, nagtratrabaho para sa sarili ko at para makapagbayad sa utang ng mga magulang ko. Sa mga kapatid ng tatay ko naman, simula noong nakuha na nila yung pera galing sa bahay at lupa, pinabayaan na nila ako. Kaya nasa trabaho talaga ang focus ko.
pero parang hindi ko ata kayang hindi pagfocusan itong nasa tabi ko at ang nananakit kong likod.
"Hindi ka ba napapagod kakaiyak? Naubos mo na yung 2 rolls ng tissue ko" Sa totoo niyan, Nawalan na ako ng pasensya. Bali, Dalawang oras na kami dito. Nakapagkwento na nga ako ng buhay ko, hindi pa din siya nauubusan ng tubig sa katawan o matigil man lang yung mga agos sa mata niya.
Tingnan ko ang relo ko, Malapit na mag12, kaya pala ang sakit na ng likod ko. Wala na akong pake kung crush ko ito, mas kailangan kong unahin ang likod ko. Sapat na siguro yung mahigit dalawang oras na damayan siya.
"Tayo!"at hinila siya patayo. Nagtataka man ay sinunod niya pa din naman ako. "Tingnan mo mugto ng masyado yang mata mo." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya. Wala nang hiya hiya gusto ko nang umuwi at matulog"Nabawasan na ang kagandahan mo kaya tumahan kana. Panigurado hindi rin magugustuhan ng mama mo kung makita ka niyang ganyan, mugto na ang mata at haggard pa" He just stared at me. Isang seryosong tingin na naging dahilan ng pagiwas ko ng tingin. May hiya pa pala akong natira sa katawan
"Ow, Sorry! Tara hatid na kita sainyo merlat. Pasensya na din at panigurado pagod ka sa trabaho mo kanina" Hinawakan niya ako sa may pulsuhan at hinila papuntang parking lot.
Habang nasa byahe, malalim ang isip niya tanging ang naging conversation lang namin ay kapag nagtatanong siya ng direksyon papunta saamin.
"Dyan sa red na gate" Turo ko sa apartment na inuupahan ko.
"Nagugupahan ka pala. Saang probinsya ka ba originally?" Curious niyang tanong.
"Tagadito lang rin. Magisa nalang kasi ako, wala na akong magulang at the same time iisa lang akong anak." Halatang may gusto pa siyang itanong kaya nagpaalam na ako. "So. Ayun, Maraming salamat sa paghatid. I hope napagaan ko kahit 1% yung pakiramdam mo." Pababa na sa ako ng sasakyan ng pinigilan niya ako.
"Okay lang ba sayo merlat na magkaroon ng jowang mas maganda pa saiyo?" Seryoso niyang sabi.
"Ano?!" Teka ano daw?!
"Kako okay lang ba sayo na maging jowa ako"I was too stan to speak. Anong trip niya?
"Look at your face merlat! Hahahaha. Well, Thank you for being with me tonight kahit na you don't know me that well." then Next thing i knew, yakap-yakap niya na ako "Hope to see you again."

BINABASA MO ANG
Kismet
Romansa"Okay lang ba sayo merlat na magkaroon ng jowang mas maganda pa saiyo?" "Ano?!" "Kako okay lang ba sayo na maging jowa ako"