Gusto man ng isipan kong habulin si Clara para magexplain at umalis dito ngunit mas gusto pa rin ng puso kong magstay at pakinggan ang sasabihin ng lalaking nasa harapan ko.
Ang lalaking minahal ko ng pitong taon.
7 years din pala ang itinagal namin. Haha. That fucking 7 years na akala ko siya na talaga ang magpapatunay na may totoong pagibig sa mga kagaya ko--namin ngunit mas pinili niyang iwan ako para sa sarili niya.
Inintindi ko siya sa part na yun. Mahal na mahal ko kasi, kaya kahit na masakit saakin hinayaan ko. Kung doon siya mas sasaya, kung dun siya maging siya, at kung dun niya mahahanap yung mga bagay na kailangan niya, basta sa huli saakin siya uuwi. Ipinangako naman niya na Babalik siya. Babalikan niya ako kapag okay na siya. Ito yung pinanghawakan ko ng matagal.
Ako naman si tanga na naniwala syempre 7 years din ang pinagsamahan namin, hindi iyong basta basta mo maitatapon at kakalimutan pero fuck that i need to find myself first. Hindi naman sarili niya ang nahanap niya, ibang lalaki. Nahanap niya ang sarili niya sa ibang lalaki.
That really hurts me, habang ako nagpoverthink na sa kakaantay ng kanyang pagbabalik, siya naman itong nagpapakasaya na sa iba.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pagkatapos ay umalis kana." I sounded bitterly cause that's how i feel.
Reminding my self to calm down. Kailangan kong ikalma ang sarili lalo na ang puso kong malakas ang tibok ngayon. Baka may masabi o gawin akong pagsisishan ko lalo na hindi ko maipagkakailang mas lalo siyang naging gwapo ngayon. Ayaw kong maging mapurok because i already had enough.What happen to him during those 2 years na hiwalay kami? Sinampal ko ang sarili ko sa akong isipan. Bakit ko pa kailangan magingg curious? Dapat wala na akong pake about dun. Dapat wala na akong pake sa kanya.
"Mahal pa din kita" Napatingin ako sa mga mata niya at naghahanap ng kahit konting kasinungalingan man lang para hindi paniwalan ng puso ko ang mga pinagsasabi niya. "at handa na akong pakasalan ka." when he says that, hindi na napigilan ng mga mata kong lumuha. Nang Akmang yayakapin niya ako pinigilan ko ito.
"Dont!" Don't do that. Hindi pwede baka bumigay ako.
Bumalik lahat ng alaala noong mga time na hinihintay ko siyang magpropose saakin, ang tagal kong hinintay na sabihin niyang gusto niya nang magpakasal sa loob ng 7 years na pagsasama namin. Yan lang naman yung hinihintay kong assurance sa kanya for all those years. Why now macoy? when we are so broken.
"I waited macoy. Pinanggawakan ko yung mga pangako mo saakin na babalik ka. Kahit nabalitaan ko na may bago kana. Hinintay pa din kita, hinintay kitang kumatok sa pintuan ng bahay ko at sabihing bumalik kana" I waited na marealized niyang ako talaga ang mahal niya, na ako ang kailangan niya, na kaya kong punan lahat ng kulang sa kanya. Gagawin ko naman lahat ng gusto niya eh, sa aabot ng makakaya ko "kaso napagod akong nagaantay macoy.Those fucking 2 long years. Made ne realized na you already trash those 7 years." I can see the hurt in his eyes pati na rin ang tuloy tuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. Nasasaktan akong makita siyang ganyan pero mas masasaktan kami kapag ipagpipilitan pa namin itong pagmamahalan na matagal nang sira.
Time made me realize na it's unfair for yourself na hintayin ang taong naghahanap sa sarili niya while you slowly losing yourself and sinking deep sa mga thoughts na nagpapapababa ng kompyansa mo sa sarili. He made a choice and magkarapatan din akong mamili, ang piliin rin ang sarili ko para hindi ako tuluyang malunod ng magisa.
"Mahal mo pa naman ako diba?" Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang tanong niya. Hosnestly speaking, Yes. I still love him for pete's sake he was my first love. Hindi naman titibok ng ganito kalakas itong puso ko kung hindi but love is not enough para makalimutan ang sakit na dala ng nakaraan.
"I still love you" Unti-unting nagliwanag ang mata niya "But i dont want us to be together again. I'm still in the process of healing macoy. Naghihilom na yung markang iniwan mo. Dinala mo kasi ang puso ko noong umalis ka, nagpakahirap akong hilumin at buoin ito. Ngayong unti unti ito naghihilom at nabubuo, tsaka mo ibabalik saakin?"
"You had my heart din naman ah. Akala mo madali para saakin yun? Ang iwan ka? You don't know anything. " Sigaw niya.
"That's the point! I don't know anything macoy. Hindi ka nagexplain, sarili mo lang yung inintindi mo." He just left me, hurt and confuse. Binigyan niya ako ng mga tanong na ni isa wala akong alam na sagot. Tears started to flow again. Hurt flows within me, i pity myself during those times. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko lalong lalo na sa nanay ko. Nagulat ako nang he held both of my hand.
"Babawi ako. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko. Gagawin ko lahat maibalik lang yung dati. Kung gusto mong pakasalan kita agad para maiparamdam at maipakita ko sayo na seryoso ako, gagawin ko. Please, give me a chance. Give us another chance." He is now begging on my kness. Looking him like this crying, pains me. Nasasaktan akong nagmamakaawa siya para sa pagmamahal na hindi ko na kayang maibigay.
Tinulugan ko siyang tumayo.
"Love is not enough macoy. Loving someone is not enough, giving yourself to someone is not enough and making efforts is not enough kung yung pagbibigyan nito ay sarado na ang puso at isip. Lahat deserved ng second chance pero hindi lahat kayang magbigay ng second chance lalo na kung ang dulo naman nito ay pareho kayong masasaktan." Tingnan ko siya ng masinsinan sa mata. "Please let me go and let yourself go. Huwag na nating ipilit macoy"
"No! Hindi ako susuko lalo na ang lapit lapit ko na sayo." Desperation. All i can see in his eyes is desperation na bumalik saakin. "Adj! Take me again"
Adj.
I hear that again coming from him. Dapat kikiligin ako. He is the only one who calls me adj kaya nagulat ako ng tinawag ako ni clara ng ganyan pangalan.I suddenly remember clara. Right! Si clara, i have clara now. Nangdumating si macoy, bigla kong nakalimutan na may girlfriend nga pala ako, sa harap pa ng jowa ko. Sa harap ni clara, jusko!
"I'm in a relationship now macoy. May girlfriend na ako kaya you should stop." Pakiusap ko.
Unti unti akong nahiya sa nagawa ko kanina na pagpapaalis sa kanya and to witness na hinalikan pa ako ni macoy.
Bigla akong kinabahan, hindi talaga maganda ang itsura niya kanina.
"Girlfriend? Let me remind you, Bakla ka adj! You never loved a woman, romantically" Sigaw niya.
"Bawal na bang mag girlfriend ang bakla?" i can see the anger sa mga mata niya. "Maybe you should try too, macoy, baka dun mo makita kung ano man ang hinahanap mo," Nagtaka ako ng bigla itong ngumisi.
"Right! That's a good idea. Since ayaw mo na saakin, Maybe i should try... sa girlfriend mo?" He laughed and just left me stunned.
--------
BINABASA MO ANG
Kismet
Romansa"Okay lang ba sayo merlat na magkaroon ng jowang mas maganda pa saiyo?" "Ano?!" "Kako okay lang ba sayo na maging jowa ako"