SORRY NGAYON LANG

62 7 2
                                        

Natapos ang araw na yun nang hindi ko nakausap si adj. Naging sobrang busy kami, at hiniram din ako sa dati kong department kaya lalong bumibigat ang dibdib ko. Gusto kong tanungin kung anong nangyare kahapon dahil base sa mukha ni macoy, masayang masaya ito pero pinigilan ko ang sariling magtanong. Baka mapahiya lang ako. Baka sabihin ni adj marites ako o di kaya, labas na ako sa kung anong meron silang dalawa. Which is i think totoo naman labas na talaga ako pero girlfriend niya ako diba kaya may karapatan ako.

kaso hindi ka naman mahal.

Pinilit ko nalang na wag ipahalata yung lungkot, curiousity, pagkairita at kung ano ano pa. Ayaw din kasi akong tantanan ni macoy at dikit ng dikit saakin, iniintindi ko nalang dahil bago palang ito sa company at wala pa siyang masyadong kakilala.

Naramdam ko lahat ng pagod ko ng makauwi ako sa apartment magisa. Usually kasi, hinahatid ako ni adj dito kaso nauna na akong umuwi sa kanilang dalawa. Gusto ko kasing mapag-isa muna.

Tumawag kahapon yung kapatid ni mama nagsisingil ng utang raw ni mama na 20k. Sa tagal nang patay ng mga magulang ko, ngayon lang nagsisilutangan ang mga kamaganak ng tatay at nanay ko para magsingil ng utang daw nila, and Knowing them , gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto nila. Mapahiya man ako sa mga taong nakapaligid saamin o mamatay ako sa gutom. Kaya ipinadala ko na kahit na may paglalaanan sana ako dun. Ayaw ko na kasi ng gulo dahil sa mundong to, wala akong kakampi kundi ang sarili ko lang.

Naalala ko isang beses, hindi ko ibinigay ang gusto nila dahil hindi ko matandaan na may utang kami o kasulatan man lang tsaka wala talaga akong pera noong panahong yun. Guess what? Napabarangay ako ng wala sa oras, ang nakakahiya pa dun sa office pa mismo ako pinuntahan ng mga tanod kasama sila tita at ipinalandakan na may utang nga kami na hindi pa nababayaran. Napilitan akong magresign sa pinagtratrabahuan ko dahil wala na akong mukhang maihaharap at yung backpay ko yun ang ipinangbayad ko kay tita. Yun din ang dahilan kaya lumipat ako dito.

Naramdam ko na naman na nagiisa ako katulad noong naramdman ko noong mga panahon na yun. Walang kakampi o kahit sino na pwede konhg masandalan. Napakaunfair ng mundo sakin at sa mga magulang ko sa totoo lang kaya Minsan naiisip ko kung bakit pa ako nabuhay siguro para magbayad ng utang ng mga magulang ko, magtrabaho ng magtrabaho para may maipangbayad o magtrabaho ng magtrabaho para mabuhay.

I am emotionally drained yesterday and today kaya ako nagfile ng leave. Hindi na ako nagpaalam kay adj o kay macoy, malaki na sila kaya na nila ang mga sarili nila kaya diretso na ako Hr which they approved, i ask them na sabihin nalang din sa mga kasama ko na hindi ako makakapasok today at pagkatapos nun, inooff ko ang cellphone ko ng buong raw.

Gusto kong mapagisa, magmukmuk, umiyak ng walang nakakakita, damahin kung ano man itong lungkot na nararamdaman ko ngayon at itanong sa aking sarili kung saan ako nagkulang o kulang pa ba lahat ng efforts ko? Bakit pa ako nabuhay?

Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Para kasing walang katuturan ang mga pinagagagawa ko sa buhay. Pinipilit kong umahon pero kahit anong gawin ko wala, pinapagod ko lang ang sarili ko. Umaasa ako sa bagay na alam kong imposibleng mangyare.

Sa kakaiyak, Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naramdaman ko ang pagmumugto ng mata ko at pinilit tingnan ang phone ko kung anong oras na.

8:30 na pala ng gabi, hindi pa ako nakakapaghanda ng dinner ko.

Habang papalapit sa kitchen isang lalaki ang seryosong nakatingin saakin habang makaupo sa sa dinning area at may nakahandang pagkain.

"Maghilamos ka na muna pagkatapos ay kakain na tayo" Tumayo ito at nagsimula nang magsandok.

Habang naghihilamos ay napuno ng mga katanungan ang isip ko. Kung bakit siya nandito? Kung paano siya nakapasok? Kung bakit ang seryoso ng mukha niya? Galit ba siya?

Saglit kong binuksan ang phone ko, puros messages at call ni adj.

"Pagkatapos nating kumain tsaka tayo magusap." at Tahimik kaming kumain. Hindi ko alam kung bakit siya ganito umasta, kung may problema ba o kung ano ang nasa isip niya. Bigla akong kinabahan.

"Now that were done, care to tell me what happen? You left already yesterday, ni hindi ako nakapagexplain, hindi rin kita nahatid tapos you file your leave na wala akong kaalam-alam pati dahilan hindi ko din alam, dahil ba to sa nangyare kahapon?" Wala akong nagawa kundi ang yumuko.

"No. I have my own personal reason adj" and i'm not yet ready to share.

Adj lift my chin at sinuri ang mukha ko.  Para bang may hinahanap siya. tinitingnan niya kung may bahid na pagsisinungaling ang sinabi and i suddenly feel insecure sa kung paano siya tumingin saakin kaya inalis ko ang tingin sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap.

"Im sorry sa nangyare kahapon merlat. Macoy is my ex boyfriend, naging kami since college pa. 7 years din ang tinagal namin and hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. He said he wants me back, pero i already have you. You are more than enough for me. Im sorry that you witnessed that yesterday merlat. Im sorry for my behavior din, you dont deserved that" unti-unti kong
naramdaman na parang basa na yung balikat ko.

" When i can't contact you i am so worried tapos nagfile ka pa ng leave, maraming pumasok sa isip ko during those hours baka kako iwan mo ako o makipaghiwalay kana sakin ni hindi ako makapagconcentrate sa meeting namin tapos nakita kitang mugto ang mata kanina habang tulog" he suddely stops which made me curious  kaya hihiwalay sana ako kaso mas hinigpitan niya ang yakap sakin.

"Sorry ngayon lang kita napuntahan. Siguro your overthinking na, feeling insecure, questioning yourself, or even yourself worth and felt lonely and alone. I'm sorry merlat. You dont deserve to feel that. I'm sorry"

---
Hello.
Sorry sobrang naging busy ako kaya ngayon lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon