Habang lumalalim ang gabi, maslalong umiingay ang Bar. Masmadaming nalalasing, habang si Reels hindi pa rin mapapayag nina Cassey at Macoy na uminom ng alak.
Kasama na rin nilang umiinom si Vince, na di naman masyadong nagsasalita nung una pero nang unti-unti nang nalalasing ay medyo dumadaldal na rin.
"Vince, wala ka bang girlfriend!?"tanong ni Macoy.
"Wala na,"sagot naman ni Vince saka muling tumagay ng alak.
"So you mean single ka ngayon!?" Excited na tanong muli ni Macoy.
"Teka bakit ako ang topic natin?Sasagutin ko lahat ng tanong nyo kapag napainom nyo si Reels!"ani Vince. Bakit naman din ako? Hindi naman ako interested sa life story ni Vince, kahit na mysterious guy talaga sya sakin.
"Reels, alak na kasi isang shot lang naman eh!" Ani Cassey. Ayaw ko kasi talaga ng alak, kasi pakiramdam kong loser ako kapag naglasing ako. Saka masakit lang sa ulo ang alak. Kaya nga kahit noon pa man,hindi talaga ako mapainom nina Cassey at Macoy kahit sa mga party sa trabaho namin.
"Try mo lang, KJ mo talaga!"ani Macoy.
"Cute ka sana eh, KJ ka lang!"ani Vince,saka muling lumagok ng alak.
Napatingin lang ako sa sinabi nya. Habang yung dalawa kong kasama tila nakakainis ang mga ngiti.
"Kinilig sya sinabihan ng cute eh! Uyyyy!" Ani Macoy naman.
"Gaga, hindi no. Saka wala naman akong narinig na sinabi ni Vince yon!"pagsisinungaling ko.
"Cute ka sabi ko, KJ ka lang!" Ani Vince muli.
"Uyyy, speechless kinilig yarn!?"ani Cassey.
"Hindi nga!"sagot ko ulit.
"Sige nga kung hindi ka kinikilig,inumin mo yang isang bote ng alak sa harapan mo."ani Cassey sa akin. At ewan ko kung anong pumasok sa isip, napilitan talaga akong i one shot yung alak na nasa harapan ko kanina pa dahil lang sa pang-aasar nila sa akin.
"OMG!"sigaw ni Macoy. "Cheers tao na si Reels!" Dagdag pa niya.
Pero dahil nga hindi ako sanay uminom,isang tagay pa lang ay nakaranas na talaga ako ng pagkahilo. Nalalasing na yata ako.
"So Vince, cute ba talaga si Reels!?"kahit tipsy na ko alam ko pa naman nangyayari kaya hinampas ko sa braso si Macoy dahil sa tanong nya kay Vince.
"Siz,mapanakit ka ha.hahaha So, Ano na nga!?"usal muli ni Macoy.
"The first time I saw Reels, nagandahan ako agad sa kanya. Kaso suplada, saka palaging laging nagmamadali, masyadong workaholic. Ayaw mo magrelax minsan!?"litanya ni Vince.
"May anak akong binubuhay, sa tingin mo makakapagrelax pa ko eh iniwan nga ako ng tatay ng anak ko.!"dala ng pagkalasing nakakapagkwento na rin tuloy ako about sa buhay ko.OMG!
"Sa ganda mong yan iniwan ka pa? Sabagay ganun talaga me mga taong iiwan ka sa ere. Okay lang yan, uminom na lang tayo!"sabi pa ni Vince.
After nang isang bote pa ay di ko na talaga kinaya,parang nagblack out na ako.
Until next morning, nagising ako sa di ko kama, iba ang paligid, ang garbo ng kwarto. Kaya napabalikwas ako, 6am pa lang naman at masakit pa rin talaga ang ulo ko. Kaya bumalik na lang ako sa pagkakahiga, saka kinuha ang phone ko at tinext ang anak ko na ang dami na palang misscall sa akin at text.
"Anak,pauwi na ako. Sorry! Explain ako mamaya pag-uwi!"text ko kay Sham.
"Gising ka na pala, at dahil nalasing ka dito ka muna namin inuwi sa condo ni Vince. At dito na namin tinuloy ang inuman kagabi, gaga ka isang bote lang tulog ka na.!"mahabang litanya ni Macoy sa akin, na kahit sinesermonan ako nakasmile pa rin naman sya.
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN
General FictionPakiramdam ko mahuhulog na ako kay Vince, pero nung nakita ko ulit si Miguel. Hindi ko na alam. - Reels Date Started: October 7, 2022