Chapter 10

2 0 0
                                    

" Hindi ko naman kasi sinabing maghintay ka, pero sige bukas magkita tayo itetext ko kung saan. Goodnight!" Litanya ni Reels, pagkatapos ay naputol na ang linya.

Vince's POV

Walang mapagsidlan ang excitement ko, magkikita kasi kami bukas ni Reels.

Maganda na nga sana ang gabi ko eh, kaso dahil sa isang text na natanggap ko mula kay Jane, parang bigla ulit nasira.

"Vince, pagkatapos nang lahat ng mga nangyari alam ko na hindi naging madali para sayo ang magpatawad. Pero minahal kita, maniwala ka sana. Hindi ko sinasadya ang masaktan ka, pero ang Kuya mo ang unang lumapit sa akin. At kasalanan ko dahil nagpadala ako sa kanya. Sobrang pinagsisihan ko ang nagawa ko. Kaya humihingi ako ng tawad. I'm sorry sa lahat ng nagawa kong mali." Mahabang text ni Jane sa akin, pagkatapos ng mga nangyari noon sa tingin ba nya mapapatawad ko pa sya. Ni hindi nga nya ako kinausap eh, basta bigla na lang nalaman ko na nabuntis na sya ni Kuya at ikakasal na sila. Ginawa nila akong tanga. Asa pa sya na mapapatawad ko pa sya, sila ni Kuya. Binura ko ang text nya, sabay blocked sa kanya para hindi na rin nya ako macontact. Gusto ko na lang magtuloy tuloy ang pagmomove on ko mula sa mga nangyari. Kaya sana iwasan na rin nila ang kausapin ako. Dahil kahit ano pang gawin nila, hindi ko sila mapapatawad.

Kinabukasan nagtungo ako sa address na binigay ni Reels. To my surprise hindi naman pala restaurant or hotel kundi playground ang meeting place namin.

Ganunpaman excited pa rin ako at ayaw kong malate kaya masmaaga akong nagpunta sa lugar. Almost 30 minutes pa ata akong naghintay kay Reels, pero okay lang willing to wait naman ako.

"Pasensya ka na, kanina ka pa ba?" Ani Reels na humahangos.

"Wait lang huminga ka muna, bakit pa hingal na hingal ka!?"tanong ko sa kanya.

"Hindi rin ako pwede magtagal Vince, kailangan ko rin umalis agad. Tumawag kasi si Sham si mama raw inaatake ng highblood nya!" Mangiyak ngiyak na litanya ni Reels, bakas sa mukha nya ang labis na pag-aalala.

"Ganun ba, may sasakyan ka bang dala!?" Tanong ko pa.

"Wala, nasira nanaman kasi. Kaya mauna na ako Vince, pasensya ka na!" Ani Reels.

"Tara na, sasamahan na kita may kotse akong dala!" Usal ko, hindi ko naman sinadya na hawakan sya sa kamay para pigilan sya sa pag-alis ng mag-isa. Tila natigilan din sya sa paghawak ko sa kamay nya, pero dahil nagmamadali na sya  di na rin namin namalayan na patakbo kaming magkahawak kamay.

Bakas ang pag-aalala ni Reels habang kausap si Sham sa phone, buti at nakahingi na raw ito ng tulong sa kapitbahay nila kaya naidala na rin daw ang matanda sa Ospital kaagad.

Pagdating namin sa Ospital kaagad kaming nagtungo sa ER.

"Mommy, si Lola!" Ani Sham, halos maga na ang mga mata nito kaiiyak.

Ayon sa Doktor masyado daw mataas ang dugo ng mama ni Reels. Kaya kailangan pa rin itong maconfine. At nang makasigurado na si Reels na okay na ang lagay ng mama nya, nagpaalam muna sya sandali para kumuha ng mga gamit nila sa bahay na dadalhin sa Ospital.

"Salamat Vince!" Ani Reels habang lulan kami ng kotseng minamaneho ko, pabalik na kami sa bahay nila.

" Hwag ka ng mag-alala magiging okay rin ang lahat!" Sagot ko naman. Kahit hindi ko naman talaga sure kung magiging okay, wala ako sa sitwasyon  nya kaya baka hindi tama na yun ang sabihin ko. Kaso yun na talaga nasabi ko eh.

"Hindi ko yata kakayanin kung mawawala si mama, alam ko naman na lahat tayo darating sa puntong yon pero sa ngayon hindi pa ako handa." Ani Reels, nakikita ko pa rin yung labis nyang pag-aalala.

"Laban lang sa life Reels, napakaswerte ng mama mo sayo!" Sabi ko pa.

"Ako ang swerte sa kanya Vince, binibigay nya lahat ng kaya nyang ibigay sa sakin noon pa man pero nabigo ko pa rin sya. Nagkaanak ako ng maaga, hindi ko nakuha yung diploma na pangarap nya sa akin. Bata pa lang ako looking forward na si mama sa 18th birthday ko, kaso at 18 nabuntis ako at di pa pinanagutan. Ikakasal ako suot ang gown na sinuot nya rin nung kinasal sila ni papa, pero wala eh. Eto na lang yata ako habangbuhay, napakalaking disappointment ko kay mama.!" Emosyonal na litanya ni Reels. Nakaramdam ako ng labis na awa sa kanya, sa tingin ko naman sinisikap nyang makabawi eh. Kaso siguro hindi nga lang din talaga ganun kadali.

"Sorry, kung medyo emotional ako. Sabi kasi ng Doktor kung hindi pa naagapan si mama, baka hindi lang daw mild stroke ang inabot nya baka nawala na sya sa amin!" Kwento pa ulit ni Reels.

"Hindi ko kayang mawala si mama Vince, kailangan ko pa sya sa. Hindi pa ako nakakabawi sa kanya.!" Dagdag pa ni Reels, patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha sa mata nya.

"Reels, hindi pa sya mawawala sayo. Makakabawi ka pa, saka I'm sure proud pa rin sya sayo dahil nabigo mo man sya noon sigurado akong nakakabawi ka na dahil sa pagtataguyod mo sa pamilya nyo. Hindi pa man tayo ganon katagal na magkakilala pero alam ko, mabuti kang tao." Litanya ko naman. This time pinupunasan na nya ang mga luha sa pisngi nya, at maspinili na manahimik na lang ulit. Sana nakatulong yung sinabi ko sa kanya. Hay!

Kumuha lang kami ng mga damit at gamit na kakailanganin sa Ospital pagkatapos ay umalis na rin kami ni Reels, dumaan lang kami sa isang convenience store para bumili ng pagkain at pati na rin resetang gamot.

Pagdating namin sa Ospital nadatnan namin na tulog si Sham at Lola nya. Kaagad naman ginising ni Reels ang anak nya para makakain na ito.

"Anak gising ka muna, kailang mong kumain, kanina pa walang laman ang sikmura mo. Ako na muna magbabantay sa Lola mo!" Ani Reels.

Kaagad ko naman iniready ang mga pagkain na binili namin ni Reels kanina.

"Tito Vince, Kayo na ba ni mommy?"mahinang sabi ni Sham para siguro hindi marinig ng mommy nya.

Hinawakan ko lang sya sa ulo at bahagyang ginulo ang buhok.

"Di pa nga nagpapaligaw eh!" Mahina ko naman na sabi.

"Bagay kayo, salamat nga po pala sa pagsama kay mommy!" Ani Sham sakin. Mukhang may laban ako dahil mukhang boto sakin si Sham. Hehe!

"Ikaw talaga, mabuti pa kumain ka na gutom lang yan. Hehe! Pero bagay ba talaga kami ng mommy mo?" sabi ko pa, bahagya naman kaming nagbungisngisan na dalawa, napalingon tuloy sa amin si Reels. Pero napangiti ako sa sagot sakin ni Sham dahil bagay nga daw talaga kami ng mommy nya.

Halos usnag linggo din naconfine ang mama ni Reels sa Ospital, at never akong pumalya sa pagdalaw lalo na at kinailangan pa ni Reels pumasok sa trabaho at sa araw naman ay sa school.

Grabe super woman talaga sya, Paano nya napagsasabay yon? Naisip ko tuloy nung time na nag-aaral ako binibigay na sa akin lahat ng klase ng luho, pero nagagawa ko pa rin magdrop ng mga subjects dahil mas-inuuna ang kagaguhan. Pero si Reels grabe yung sakripisyo na ginagawa nya para sa pamilya. Maslalo tuloy akong humanga sa kanya.

Si Reels yung babaeng sobrang tapang, yung walang sinusukuan. Pero ganunpaman napapanatili pa rin nya ang angkin nyang ganda, nakakabilib yung galing nya sa pagdadala ng problema. Sya rin yung kahit gaano kadaming problema ang dumating, grateful pa din sya. Naiinlove na yata talaga ako sa kanya.

To be continue.







ONCE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon