Reels's POVIsa rin sa mga raket ko ay ang online selling, basta may pagkakataon ay nagbebenta ako ng kung anu ano sa internet. Mabuti na nga lamang marami talagang ways para kumita, maigi rin talaga para may pandagdag sa budget sa bahay. Kapag nanay ka na talaga kailangan madiskarte ka. Hindi talaga ako mahilig sa social media kaya wala akong personal account bukod sa email address ko na kailangan sa trabaho. Gumawa lang ako ng account para makapagpost ng mga paninda sa online.
Malaking bagay rin na may maliit kaming tindahan sa harap ng bahay namin kahit papano nakakatulong ito para may magamit sa pang araw-araw na gastusin.
"Mommy, paano kung bumalik yung Daddy ko? Tatanggapin mo pa ba sya!?" tanong ni Sham habang tinutulungan ako i-pack ang mga orders sa akin sa online shop namin.
Napatingin lang ako kay Sham, hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya.Paano nga ba?
"Mukhang di mo pa kayang sagutin mommy. Wala lang natanong ko lang naman nacurious lang ako" Dagdag pa ni Sham.
"Kung babalik sya anak sana noon pa, 12 years na din baka nga may sarili na din yong pamilya eh."litanya ko naman.
Hindi na lang nagsalita pa si Sham dahil sa sinabi ko, alam kong kahit di nya sabihin alam kong may mga tanong pa rin sya na hindi ko direktang nasasagot. Alam kong may pagnanais pa rin si Sham na mameet ang Daddy nya. Gustuhin ko man pero paano, minsan ko na rin sinubukan hanapin si Miguel sa social media pero mukhang hindi sya active doon o baka naman tinataguan lang ako, at ayaw talagang magpahanap.
"Sham, anak hindi ko talaga alam eh. Hindi ko alam talaga magiging reaksyon ko kapag bumalik pa ang Daddy mo. Siguro magagalit,manunumbat ako. Kasi bakit nya ako iniwan, tayo." litanya ko may sasabihin pa sana ako pero hindi ko na tinuloy nagbabadya naman na kasing bumuhos ang luha ako. Nasasaktan pa rin ako kapag naiisip ko yon,at masnasasaktan ako para kay Shammie.
Naaalala ko pa nung bata pa sya palagi syang tinutuksong walang Daddy, madalas umuuwi syang umiiyak. Wala naman akong magawa kundi ang icomfort na lang sya. Masakit para sa akin, kaya nga sinisikap ko na lang maging pinakamabuting version ng pagiging ina sa kanya, pero the fact na wala syang tatay alam kong nagfailed na ako dun.
"Minsan mommy, naiimagine ko paano kaya kung kumpleto tayo no? Siguro masmasaya, saka hindi ka na masyadong kumakayod katulad ngayon. Halos wala ka ng pahinga, kapag wala kang pasok sa trabaho eto naman. Mabuti nga at napapayag ka nila Tito Macoy nung minsan na lumabas eh.!"mahabang litanya ni Shammie. Habang lumalaki ang anak ko, tila masnararamdaman nya yung kulang sa buhay nya. At masnararamdaman ko rin na tama na binuhay ko si Shammie, tama na maspinili ko unahin yung responsibility ko sa kanya kaysa ang sarili ko.
"Masaya ako anak sa ginagawa ko, saka kahit wala naman ang Daddy mo kinakaya natin mabuhay ng maayos. Kaya nga palagi kong pinapaalala sayo, mag-aral ka na lang muna ng mabuti. Iwasan ang magboyfriend ng maaga. Para hindi mo maranasan ang pinagdadaanan ko.!"paliwanag ko kay Sham, napabuntong hininga na lang sya pagkasabi ko noon.
"Mommy, maraming salamat po sa lahat. Naiintindihan naman kita, saka diba sabi ko nga sayo ikaw lang sapat na, kayo ni Lola Seni. I love you mommy ko. Sige mommy pasok na ako sa kwarto, gusto ko po sana magpahinga na!" Ani Shammie.
"I love you too anak, sige na magpahinga ka na muna!" Sagot ko naman.
Naiwan na ako sa maliit namin na sala, habang si Shammie ay pumasok muna sa kwarto. Habang masnagkakaisip talaga si Shammie, mashinahanap na nya ang kalinga ng isang ama. Ilan beses ko na rin naman naipaliwanag sa kanya, ang buong akala ko ay okay na sa kanya na kami lang dalawa at ang Lola nya. Pero nagkamali ata ako, hindi pa din pala ako sa sapat. Kailangan pa rin pala nya si Miguel sa buhay nya sa kabila ng katotohanan na wala naman samin pakialam ang Daddy nya. Kasi kung babalik sya dapat noon pa, until now nga ilan taon na ang nakalipas wala akong balita sa kanya.
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN
General FictionPakiramdam ko mahuhulog na ako kay Vince, pero nung nakita ko ulit si Miguel. Hindi ko na alam. - Reels Date Started: October 7, 2022